WHO ARE THE PEOPLE IN OUR NEIGHBORHOOD (WATPION)
proudly presents, in his most dashing role ever…
“SPRITE”!!!
Naks! Ampogi diba?! Tuwing umaga, pag nakita na kami ni Sprite na terrace ng aming bahay na nagchichikahan, hindi pwedeng hindi siya babati or papasok ng gate para makipag-hontahan. Medyo mahirap nga lang siya intindihin dahil garalgal siya magsalita. Pero kung may “experts” sa pag-interpret ng “Sprite Lingo”, kami na ‘yun ni Mother Earth.
Simulan natin sa palayaw niya. Ang tunay na pangalan niya ay GERALD. Ang kaso, tuwing makikipagkwentuhan siya sa’min, wala siyang ibang bukambibig kundi ang kanyang idol na si Mayor Strike Revilla. Complete with pictures pa ‘yan sa wallet niya ha…
Ang kaso, ang pronunciation niya ng “STRIKE” ay “SPRITE”! Noong una, di namin gets pero nung sabihin niyang, “Si SPRITE iboboto ko e.” Ahhhh…STRIKE pala! And for that, Sprite na ang tawag naming lahat sa kanya.
Kaninang umaga, dumalaw na naman siya. E ako lang ang nakatambay sa terrace…
Sprite: Asan mommy mo?
P: Nasa Batangas.
Sprite: Bakit kumpleto koche niyo?
(Memorize kung ilan ang koche sa garahe ha!)
P: Di nagdala ng koche. Hinatid lang dun.
Sprite: Ahhh… Sunod tayo sa Batangas. Sakay tayo sa eroplano!
Bwahahaha! San galing yun?! Turns out, may litrato siya ng eroplano sa wallet. Kaya yun ang kanyang preferred means of transportation.
Kung hindi pa obvious, may mental disability si Sprite. Pero nakakatuwa kasi kahit ganyan siya, kinakaya niya maghanap-buhay. Minsan nanghuhuli siya ng tilapia sa palaisdaan. Minsan naman nagbebenta siya ng asin. Sa may asinan kasi sila nakatira.
Maabilidad kumbaga.
Kaya hindi siya nanghihingi ng pera o nanlilimos. Masaya na siya makipagkwentuhan at makipagtawanan. Kanina nga, binigyan ko siya ng bente pesos pambili ng almusal. Aba, ayaw tanggapin! Para saan ba raw yun?
P: Lakad na, Sprite! Bumili ka na ng almusal.
Sprite: Kumain na ko. Punta ako SM mamya e. Nood ako sine.
P: Edi lumakad ka na kung manonood ka ng sine.
Sprite: Alas-onse pa bukas ng sine.
Oo nga naman…Libre kasi ang senior citizens at PWD sa sine tuwing Lunes at Martes. Ganito kami sa BaCav! At dahil diyan, buong pagmamayabang na pinakita sa akin ni Sprite ang listahan ng mga napanood na niyang pelikula…Hindi siya choosy ha!
From “A Secret Affair”, “Die Hard” hanggang “Ironman 3”!!! Ikaw na!
Pssst! May secret pa ‘kong ichichika sa inyo… Si Sprite ay masugid na manliligaw ni Nene, ang aming ever reliable at kwelang kasama sa bahay…
Sprite: Girlfriend ko ‘yang si Nene e!
P: Talaga? Mahal mo?
Sprite: Mahal ko!
P: Pakakasalan mo?
Sprite: Oo! May kilala ako pari, siya kasal sa’min.
P: Kumbidado ako?
Sprite: Oo!
P: Ano handa mo?
Sprite: Lapia (as in Tilapia), Mango (as in Alimango)…
P: Ano pa?
Sprite: Tahong…Talaba…
P: Ano pa?
Sprite: Uhmmm….uhmmm…Asin!
Ayos! Mahal mo talaga si Nene!
Beep! Beep! Beep! Dumating na si Father Thunder!
Sprite to Nene: Ne, bukas mo gate!!! Andyan na si Daddy!
Part of the family?!?!?! Haha!
proud na taga Bacoor ako! pwede mkitambay? ayoko ng KathNiel loveteam.. gusto ko Sprite-Nene loveteam..
Oo nga. Mukhang masaya sa bahay niyo, P. From father thunder down to Sprite and Nene!
winner!!! parang nadadaanan ko ang bahay niyo pauwi ah 🙂
buti pa siya, sulit ang sine… ang mama kong senior, ayaw manuod ng sine.
Talaga?! Mag-hi ka kay mother earth pag napadaan ka ulit. Parati yun nasa terrace. Matutuwa yun. 🙂
love it.. Boom..
Thanks jocrisworlds! Boom!
It may be more fun in the Philippines, but it is funnier in BaCav! <3
Welcome kayo makitambay dito sa’min!!! Miss you, lynntotski!
Fan nako ng “SPRI-NE” love team!
Bwahahaha! Gusto ko yan! Tawang tawa si Nene nung kinwento ko. 🙂
P, ang saya sa bahay niyo! Andaming characters! Puwede na kayo mag-sitcom 😀
Ano kaya title? 🙂