Paki-explain nga sa akin, na parang ako’y isang inutil na walang kamuwang- muwang sa mundo, kung bakit…bakit…kaya ng mga jeepney drivers lagyan ng napakadami at makukulay na ilaw ang LOOB ng jeep nila…
…pero hirap na hirap silang buksan ang HEADLIGHTS nila.
Nakakatipid ba sila sa baterya?
Nakakatipid ba sila sa gasolina?
Nakakatipid ba sila sa MERALCO?
Akala niyo lang oo, pero HINDI! HINDI! HINDI!
#affectedmuch 😉
ndi raw kasi mabasa yung signboard nila pag bukas ang headlight, nasisilaw ang papara
It’s more fun in the Philippines daw kasi 😉