Meet Ate T…
At dahil ayaw niyang i-publish ang kanyang tunay na anyo, siya ang pumili ng pic na ito.
Alice Dixson daw ang peg niya. (Violent reaction ang lahat)
When in fact, ito talaga ang kakambal niya…
Pag medyo haggard at di pa nakakasingil, napagkakamalan din siyang si…
Character si Ate T. Wala atang hindi nakakakilala sa kanya sa opisina namin. Paano ba namang hindi, e halos every other day, rumoronda patrol siya either para magpa-circulate ng brochure ng Red Logo, M&Co, Avon at Wacoal OR maningil ng mga napa-order niya. At dahil isa akong masugid na taga-suporta ng kumikitang kabuhayan ni Ate T at dahil medyo uto-uto rin lang ako, ganito na kadami ang nabili kong bra sa kanya…
Pero kahit na pinagtataguan namin yan tuwing araw ng sweldo, certified lab namin yan. Bakit kamo? She never fails to amuse us with her ang-sakit-na-ng-panga-at-tiyan ko hirits. Eto ang sample…
Minsan, pinasok ng kalokohan ang mga kukote namin. Kinatatakutan kasi ang highest-ranking boss namin dito sa office that time. As in walang may bet sa kanya. E Christmas season nun at ako ang organizer ng office raffle. In-announce ko over the “P.A.” system (when in fact speaker phone lang sa office na pinalabas naming P.A. system talaga)…
Good afternoon! Today, very special ang ating raffle giveaway.
Hulaan niyo kung ano…A LUNCH DATE WITH BOSS!
So di ko na patatagalin.
The winner of today’s very special prize is none other than…(drumroll please)…
ATE T!!!
Please proceed to the Office of the Boss at 12 noon TODAY!!
Hiyawan kaming lahat sa opisina!!! Tawanan…kanchawan…nang makita namin si Ate Tess na mangiyak-ngiyak na.
Ate T:
AYOKO!!! Boss, iwe-waive ko na lang…atsaka wala akong sapatos.
P with everyone else:
Grabe ka! Sapatos lang, kaya ka namin pahiramin nun. Importante wag mo paghintayin yung date mo. Biruin mo, sa dinami-dami ng empleyado, ikaw lang ang makaka-one-on-one niya.
Lahat ng tao sa building namin, kinuntsaba namin para i-congratulate si Ate T. Mamaya-maya, biglang nawala si Ate T…saan napunta yun?
Ay sus!
Pumunta na pala sa ibabang floor
para humiram ng sapatos!!!
Ayaw mo pala ha?!
Minsan, bad mood ang Ate T ko. Nasabak sa World War 3.5 with an officemate. Mega dabog! Binalibag ang drawer niya. Nagbagsakan ang lahat ng laman sa sahig…gunting, notepad, tape, stapler, ballpens, etc…Nang ma-realize niyang makalat at walang pupulot, isa-isa niyang ibinalik lahat ng hinagis niyang gamit sa drawer. Pero just to make it a point na alam ng lahat na galit na galit siya, binalibag ulit niya yung drawer at nagliparan ulit lahat ng gamit niya.
Oo na, ate. Galit ka na.
Eto pa, mas recent…
Nagkukuwentuhan kami nina Ate at J…
P:
Sa Europe daw mas mura pa ang wine kesa tubig.
Ate T:
Ah talaga? Edi amoy-chico sila parati. Nalalasing kaya sila?
J:
Siguro hindi…
(Biglang dumating si Mariae…)
Ate T:
Ay may chico!!!
P:
Ano’ng chico?
Ate T:
Yung chico na donut…
J:
Huh? Ano?!
Ate T:
(Tila natatangahan sa amin) Y
UNG CHICO…YUNG DONUT NA MAHAL!!!
(Tinginan kami ni J)
AHHHH! J.CO!!! Hay ate, binuo mo ang araw namin. You never cease to amaze us. Kaya ka namin labs!
May isa pa syang blooper. Nung may nanghaharana kay atty. I tas yung isang nanghaharana naka fedora hat tas niloloko nating “JASON MRAZ”. Sabi ni ate T, “huh? Jason pala pangalan nya. Pano nyo nalaman?”
Old age.
Ako rin, nagulat kaninang umaga nung kukunan ko ng pics yung mga bra e. Inalis ko pa dun yung mga “not-so-pleasant-looking” ones. Gusto ko tuloy i-compute kung magkano kinita ni Ate T sakin. Haha!
Mas na-amaze ata ako sa dami ng bra na nabili mo haha Malamang yung iba nakatago pa hihihi
pero mas interested ata din ako kung ano nangyari sa lunch date nya sikretong malupit ba? haha