Ang unang taon ng ating pagsasama ay di ko makakalimutan. Oo, matrabaho ang mag-maintain ng blog. Pero ang kaligayahang naidudulot ng mga “LIKE” at “COMMENTS” niyo sa aming tatlo ay walang katumbas. Ngunit, tulad ng maraming bagay, lahat ng masasaya ay may hangganan.
Ako, si Ms. Provinciated, ay mamamaalam na. Hindi ko sukat akalain na ganito ang mangyayari. Kahit ako nabigla.
Father Thunder: Anak, ihanda mo ang iyong sarili.
P: Bakit po? Bakeeeet?!
Father Thunder: Kasi…
MAGBABAKASYON TAYO SA EUROPE!!!
Tumbling! Cartwheel! Split! First time ko e!
Ilang linggo lang naman ito, mga ka-soshalan. At hindi rin naman maaaring hindi ko kayo balitaan! Kaya antabayanan ang mga pictures at kwento ng “The European Adventures of Ms. Provinciated!!!”
how soshal! enjoy!
Kinabahan ako Ms. P, akala ko aalis ka na sa TSN. Ang bongga ni Father Thunder ha! May pa-suspense pa! hihi
Wow, at last magagamit na din ang bonjour!
Ako din nalilito kung sino man sa inyo ang nagpopost haha Basta alam ko medyo favorite ko si P hihihi sipsep (pasalubong ha hihihi)
Ingat at maghasik ka ng ka-soshalan dun ha!
Thanks, Diane ha! Haha! – D & S. 🙂
Hontoroy! 🙂 Enjoy Europe, P! Dalhan mo ko ng ref magnet.Hehe. 😀
Nakakaloka, lungkot-lungkutan pa naman ako nung nabasa ko title then napaisip ako kung tulad na ren ba ng showbiz ang pagbblog na magulo o maintriga kaya pinahihinto ka na ni father thunder… Yun pala magpapaka soshal lang ang peg ng family ni P, haha! Well, have a safe and bonggang trip, malamang magpadagdag ka ng dugo pagbalik mo dito, =p
Langya, P! Ibang level! 🙂 dati SM Bacoor lang hang out mo, ngayon sa Eiffel Tower na. 🙂
Bigla akong nalungkot when I read the title and read the first few sentences tpos biglang naghang tong phone ko. Akala ko magpapaalam ka na tlaga eh. Hahaha.
Anywoot, pasalubungan mo nlng kami kahit macarons lang although meron din naman nun sa Frenchbaker sa SMB. Hehe.
mami-miss kita P 🙁
Naku mga ka-soshalan. Ipagdasal niyo talaga ako at ang ilong ko na nakatakdang agusan ng maraming dugo. Kung english, baka madaan ko pa sa “yeah right” at “oh really”…kaso sa italian at spanish, PAANO???! Maisalba kaya ako ng Google Translate? Wish us luck! 🙂
Wow P! Magbaon ng maraming English sa bagahe, baka maubusan ka! Mahirap na…Enjoy P!
Araceli
Bonggers ni Father Thunder!!!
Nagpromise si P na iuupdate tayo sa kanyang Europe Escapades 🙂 More OOTD post din with cup noodles sa Europe daw 🙂 – D
TSN talaga. Sosyal ang peg. Can’t wait to read your Europe post. =)
AT NAGLUNGKOT-LUNGKUTAN AKO! hahahah! di kumpleto ang saya kapag wala ang isa! 🙂 enjoy Europe, Ms. P! panindigan ang pagiging shushal network! 😀 — Mills (Millsie Scribbles)
totyal..my dream place..:)
Nacoconfuse pa din ako kung sino sino sa inyong tatlo ang nagsusulat 🙁 sorry na missed ko lang ba. Dapatb may profiles ulit. Alam ko you are friends with Mommy Fleur. So.maaring nakira ko na kayo sa blog. Im a big MF fan. Siya nga nagendorsed sa inyo. Sana ma identify lang namin mga readers mga blog entries. Thanks and safe trip, Michelle?
Mommy Sha! Hahahaha! English mode on: We are going to launch our new website soon with our profile pics to avoid confusion. lol! 🙂 Check your FB inbox! 🙂
D?! 🙂 Waaah!
haha yes! – D
Ikaw na! Ikaw na ang soshal network!