Bilang Independence Day ngayon, ang post na ito ay tungkol sa mga Pilipino, and more specifically, sa mga Pinoy abroad.
Tulad ko.
Can I just say, sobra akong excited mag-aral sa London noon, pero nung first two months pa lang, grabe, homesick na homesick na ko! Nagkakanda-puyat ako para hintayin ang live streaming ng Tambalan sa Love Radio. Ninamnam ko ang bawat kagat ng Nagaraya para lang hindi maubos agad. At tuwang-tuwa ako nang na-discover ko na ang “smoked fillets” sa grocery ay British codename for tinapa.
Pero alam n’yo kung anong panalong pampatanggal ng pagka-homesick? Eto yung mga moments na naglalakad ka pauwi, nilalamig sa napakatagal na winter, tapos sa gitna ng mga matatangos na ilong at ng mga nagsasalita with a British accent ay makakarinig ka ng “Nasaan na si Tita Baby?”
* * *
Pagkatapos ng isang klase ko, gutum na gutom kong pumuntang McDo para kumain ng McNuggets at french fries. Pagka-order ko ng nuggets, tinanong ako nung kahera –
“What sows?”
Sabi na eh. Na-feel ko ngang Pinoy siya.
* * *
Isang Linggo, nagsimba ako malapit sa amin. Hindi ko ma-sense kung Vietnamese ba o Pinoy yung pamilyang tumabi sa’kin. Ngumiti na lang din ako. Na-confeerm ko na lang na Pinoy noong sabi ng nanay sa makulit niyang anak –
“Istap! Istap! Kukurutin kita!”
Buti hindi sa singit. Nag-expect na nga kong sunod na marinig ang: “’Wag ‘yan. Dirty!”
* * *
Sa buong London, favourite kong puntahan (o ha, napansin n’yo ba yung spelling ko ng favourite?) ang Tate Modern. Dinala ko minsan doon yung isang kaibigan kong bumisita at sa gitna ng pagrereklamo namin sa isa’t-isa tungkol sa kawalan naming ng mga boypren, may isang puting mag-ina na nagtanong kung Pilipino raw ba kami. Nang sinabi naming oo, binigyan niya kami ng pamphlet:
Na-witness ni Jehovah ang aming pagdurusa. Malapit na raw magwakas eh pauwi na ko, wala pa rin akong love life!
* * *
Minsan sa bus galing sa South Kensington, isang soshaaal na soshaaal na lugar sa London, may pumasok na babaeng may kausap sa telepono. Hindi ko napansin na Pinoy pala siya hanggang narinig ko ang inis na mga salitang –
“Maldita ka Marilou!!!”
Ikaw naman kasi Marilou, ano bang ginawa mo kay Gigi?
* * *
Unang Pasko ko rin na wala sa Manila. Nage-emote pa ko sa bus at kumakanta ng Christmas in our Hearts sa utak ko nang narinig ko ang isang babaeng may kausap sa telepono –
“Paano ang Christmas tree? Bibili pa tayo nung iniikot…ano nga ba ‘yon…’yong seelber at yeelo…’yong parang iniikot sa mga kawayan! Ayon! Hala, punuin natin hanggang taas, at balutin ang buong hagdanan!”
Nahiya lang ako pero sa totoo lang, gusto ko sana maki-Pasko sa kanila!
* * *
Sa piling mga okasyon na lumabas ako ng bahay at hindi sa library pumunta, dumaan akong Soho, isang hip na lugar London, para manood ng play. Cultured ako eh. Habang naghihintay sa bar na katabi ng theatre (theatre ha, hindi theater), nakita ko ‘to –
Parang taxi lang! Siguro ang next act ay “Jhun-Jhun, 10PM”
* * *
Hindi lang sa London nagkalat ang mga Pinoy. Kamakailan lang eh pumunta akong Nice at sumakay ng bus papuntang Monte-Carlo (because I’ve never been to me). Soshaaaal na soshaaaal talaga ang feeling ko noon. Hobnobbing with the soshaaal talaga. Feel na feel ko ang mood ng French Riviera nang bigla kong narinig –
“Nakita mo ba si kalbo doon sa may dagat?”
Tingin ko si ate may baon pang adobo at liempo sa beach.
* * *
Pumunta akong Oslo noong isang araw. Sinusubukan kong sabayan sa paglalakad yung kaibigan naming Norweigan na isang dipa ata ang bawat hakbang dahil mga 6’6 ang height niya. Sa pagco-concentrate kong lakihan ang mga hakbang ko at bilisan ang paglalakad, nagulat na lang kami nang narinig naming ang isang babae –
“Nanaginip ako sumali raw ako ng pageant!”
Ay. Ate. Ka-height lang kita. Little Miss Philippines na ito.
* * *
Minsan, ako rin naman ang may mga eksenang Pinoy. Nasa klase ako, nagpapakabibo sa recitation nang may in-explain ang prof ko in reaction to my explanation. Ano ang sagot ko sa kanya?
“Sabagay!”
Fail ang bibo attempts.
* * *
June 12 ngayon. Independence Day. Saktong 7 months na lang, uuwi na ko!
I just read this now and naaliw ako sa mga eksena mo A. I feel you. I’m sure masaya ka ng nakabalik ka ng Pinas. I recently came back from a trip to the UK with my boyfriend. First time high. Meet the fockers drama. Gone to many places and made sure I got the best pictures in London Eye, Big Ben, Buckingham Palace etc. pang kabog na profile pic sa FB lol. Watched Miss Saigon. Napabilib ako kay JonJon Briones….winner ang performance nya. The new Kim, Eva Noblezada was impressive too. Unfortunately Rachel Ann Go wasn’t there that night pero magaling din ang alternate nya. I had the taste of British life and food….without rice. Big sigh. Sa ating mga pinoy, rice is part of our daily life and without it, I felt very weak. My jowa knows my weakness…..at ito ang pagkain ng kanin at least once a day. We are traveling the whole time and never stay in one place kaya no chance to cook. He knows that I’m getting frustrated and disappointed every time we find Chinese restaurants….punyeta sarado sila at magbubukas pa ng 7pm. Te, malapit na akong mag collapse sa gutom. Sawa na ako sa burgers, Cornish pasty, steak at mga pagkaing mayaman….gusto ko kanin. Supportive naman si jowa and will try to find alternative pero alam mo yung feeling na…looking forward kang lumafang ng pagkain na gusto mo from morning tapos hindi available. On our flight back to UAE, we’re supposed to have breakfast at the airport at sakto nakita ko ang Wagamama…may rice/noodles sila…nabuhayan ako ng loob…at finally makakakain na ako…kaso ang tagal ng service….nag walk out ang lolo mo sa aburido….gumuho ang mundo ko bigla….sabi nya sa iba nalang tayo kumain….where do you want to eat? Sagot ko…I’m fine let’s just proceed to the gate anyway it’s getting late pero pinipigil kong umiyak. Makulit ang lolo mo panay pa rin ang tanong….ay te di ko natiis nag breakdown ako…..dahil sa rice. Itsura ni Ate Vi sa emote ko while pouring my heart out….in English!…diba mas nakakapanghina pa yun….umiiyak kana nag I-English ka pa lol. I eventually got my noodles and that pacified me until my lunch was served in flight. Sa ngayon, back to normal na at bumabawi ako sa paglafang ng rice….:D
Ika nga ng mga matatanda, ang lab eh para lang yang bangkang papel, da mor mo habulin lumalayo, keep still and you’ll be surprised na one day, lalapit din sayo. . . Someday your prince will come. That’s fer shure!
Huwag kalimutan na may Barrio Fiesta sa London (actually sa Surrey sha) next month. Diyan ninyo makikita kung gaano kadami ang mga Pinoy sa UK… 😉 Jovita
Thank you A! Naniniwala ako na kung umikot ka sa buong mundo, may makikita ka pa ding pinoy 🙂 Ang tanong ko ay … bakit ka hinde magpakilala? Para may mga bago kang friends!!!
Gusto ko lang ishare ang pinoy world experience ko. Dati nung unang beses ko lumakbay sa USA, habang hinihintay ko ang aking connecting flight sa San Francisco … kinausap ako ng pinoy salesman ng Godiva! Naku, ang dami nyang kinuwento! Since medical student ako nun, kausapin ko daw ang asawa ng kaibigan nya na nars! To the point na nag exchange kami ng phone number and email. At dun ako nagkamali. Pagkatapos nun lagi na akong ineemail at buzz sa YM. Stalker mode ang dating!
So A, good luck dyan sa Inglatera. Konti na lang at uuwi ka na din. 🙂 – LIZ C.