Sa first week ng aming biyahe, nakarating kaming Barcelona, Spain. Land of the authentic tisoys and tisays! Dami ko ngang nakitang ka-look-alike ni Papa N. Ang puputi, ang kikinis, at higit sa lahat, ang tatangos ng ilong! Sila na! Sila na ang anak ng diyos. Di man lang nahabag sa mga katulad kong ga-kulangot lang ang ilong.
Noong bata ako, napanood ko sa Batibot yung alamat ng pag-gawa ng tao. Hinulma daw ni Bathala ang tao gamit ang putik. Tapos niluto daw niya ito. Yung mga hilaw, yun ang mga tisoy at tisay. Yung mga natupok, yung mge egoy. Tapos yung mga katulad nating kayumanggi, yun daw ang tamang-tama ang pagkakaluto. Naks! Tamang tama pala sana ang pagkakaluto sa akin. Kaso lang, nung nilabas ako sa oven, sabi ni Bathala, “OH MY GEE! If forgot something! Nakalimutan ko palang lagyan ng ilong ‘tong isang ‘to!” And for that, sinimot na lang niya yung kapiranggot na natira niyang putik at dali-daling tinumpok sa gitna ng mukha ko. At yan ang “Alamat ng Ilong ni P.”
Pero mabalik tayo sa Barcelona. Napag-tripan naming mag-mayaman at kumain sa isang magandang restaurant. So we went to this highly recommended place na sikat para sa kanilang roast pig and lamb — El Asador de Aranda. Matikman nga ang Lechon Baboy Espanya-style.
Roast Pork
Nilugay lugay na roast lamb
Sa tabi ng aming very long table, may isang matandang lalaki na mag-isang nanananghalian. Nagkatinginan kami. Nginitian ko naman ang lolo. Tanda ng paggalang. Aba! Kinindatan ako ng huklubang thunders! Inaaay!
Resto pic…sorry walang pic si lolo kindat
After dumating ang orders namin, napansin ata ng lolo na softdrinks ang inorder naming drinks. E ano bang masarap iterno sa lechon diba? Aba, nagsisisigaw ng, “Vino! Vino! Vino!” Wine daw ang dapat inumin namin. Pakialamero much?!
Mamya maya pa, kinausap ako…
Lolo: You are Chinese? (Heller?! Si D yun noh! Native na native kaya itsura ko!)
P: No, I’m Filipina.
Lolo: Oh! Filipinas. Ante Espanyol…Todo Ante Espanyol.
P: (No comment ako. Di ko gets ang pinagasasabi ng matanda)
Biglang sumingit si Father Thunder…
Father Thunder: Yes! Yes! Ante Espanyol…before we were occupied by the Spaniards! MAGELLAN! He killed Lapu-Lapu! (sumenyas pa na pinupugot ang ulo for more emphasis)
Muntik ko nang mabuga ang lechon sa tawa!!! Nakarinig lang ng “espanyol”, bumalik agad kami sa 1521 when Magellan discovered the Philippines?!
Akala ko ang susunod na sasabihin ni Father Thunder…
1 + 1, Magellan
2 + 2, Lapu-Lapu
3 + 3, Christmas tree
And so on and so forth…
Father Thunder with his Coke Sakto.
This was taken bago siya makipagtalastasan about Magellan
Lapu-Lapu and the Philippine Islands 😛
Paglabas namin sa restaurant, sabi ni Mother Earth, “Akala ko maglelecture pa tatay mo na did you know that Christopher Columbus discovered America?!” Bwahahaha!!!
hahahaha winner si Father!
parang baliktad– si Magellan ang nadedo e! lol
Manang mana sa pinagmanahan, P! Hehehe. Namiss ka nmin! 🙂
I’m sure madami kang pasalubong na kwento samin. 🙂
Nyahahaha. 🙂 Alam ko na kung san ka nagmana, P! 😀
oh my gee! nakakaloka! hahah. perfect read before the start of the day! i love barcelona 🙂