Lolo’s girl ako. Nakatira kasi kami right across sa bahay ng lolo ko. Isa’t kalahating tumbling lang, nandun na ko. Kaya lumaki akong tinawag siyang “Lolo Lapit.”
Favorite ako nun. Ako kasi ang pinaka-bunso sa lahat ng magpipinsan. Plus the fact na babad na babad ako sa bahay nila. Pagdating ko galing school, kakain ng lunch sa bahay namin, tapos patatabihin na ko ni Mother Earth sa kanya sa kama. Siesta time para tumangkad daw ako. Pero hindi niya alam, pag borlogs na siya, dahan-dahan akong gumagapang palabas ng bahay, bubuksan ko yung maliit na gate, tapos FREEDOM!!! Tatakbo na ako papunta kay Lolo para maglaro!
Magigising si Mudra bandang 2:00 pm, hahanapin ako, pero di magagalit. Paano magagalit?! Alangan naman awayin niya ang kunsintidor niyang biyenan?! Haha!
Ano pinaglalaruan naming ng Lolo ko?! MADAMI!
1. Robots – Ang gaganda ng robots ko nun. Tipong Voltes V level. Kaso, binabalibag ko lang. Kung alam ko lang na magiging Collector’s Item, inalagaan ko sana.
2. Remote Control Car – May kamahalan ang mga RC noong bulilit pa ako. Dun nga ata napupunta malaking bulk ng pension ni Lolo nun e. Hehe.
3. Toy Trains at Race Tracks – Hindi lang isahan ang tracks na ina-assemble namin. Parating dalawahan kasi magre-racing kami. Syempre, ako dapat parati panalo.
Kung mapapansin niyo, puro laruang panlalaki yan. Hindi ko nga rin maintindihan e. Siguro frustration ni Lolo na maging lalaki ang bunso niyang apo. Alam niyo bang first time kong magkaroon ng manika nung 8 years old na ‘ko?!?!
Ok lang. Enjoy naman e. Pero ang mas enjoy, yung…
4. Tinde-tindera– Kukuha ako ng maliliit na bunga ng mga halaman, i.e. bubot na santol, bubot na makopa at bubot na kaimito, ilalagay ko sa maliit na bilao, lalagyan ko ng garnish na dahon at gumamela, and voila! Instant paninda! Ilalako ko ito sa mga kasam-bahay namin. Magbabayad sila sa akin ng imaginary P20.00 at susuklian ko sila ng imaginary P5.00. Pero pag si Lolo Lapit ang binentahan ko, “Magkano ba lahat ‘yan?” Sasagot naman ako ng “P50.00 po.” Aabutan ako ni Lolo ng tumataginting na P100.00!!! “Keep the change!” ANG SAYA DIBA?!
Ang kaso, hindi nila ako pinalalabas ng bakuran. Bawal. Kasi madaming sasakyan, baka masagasaan ako, baka magasgasan ako, etc, etc, etc. Madalas, nakadungaw lang ako sa bakod habang pinapanood yung mga bata sa labas naglalaro ng patintero at habulan. In fairness, lahat naman ng kasam-bahay, plus si Lolo, matiyagang nakikipaglaro sa akin. Pero iba pa rin siyempre pag kapwa bagets ang kalaro mo diba?
Naaawa siguro si Lolo tuwing nakikita akong nakanganga sa bakod. Kaya ang ginawa niya, pinapasok ang mga bata sa bakuran para may makalaro ako. SAYA! Sa loob-loob ko nun, “Yey! Andami ko nang friends!” Dumating pa nga yung time na sila na ang kumakatok sa gate para makipaglaro sa akin. At disappointed sila every time hindi ako pinayagan or may sakit ako. Awwww…
Awwww kayo dyan! HINDE! Huli na nang ma-realize ko kung bakit over-excited silang makipaglaro sa akin — dahil pala yun sa MERIENDA na pinapabili ni Lolo every after play session!!! Imbey! Kaya pala pag wala si Lolo, di rin nagpapakita ang mga yun! Kahabag-habag na bata…
Pero don’t worry. Naka-recover na ako sa aking friendless childhood. In fact, halos 1,000 na kaya friends ko sa FB. Oo kaya. Promise! DEFENSIVE lang?! Haha! Ang morals of the story…
- Ang true friends, hindi lang softdrinks ang habol sa’yo.
- Just in case, mag-ipon ka na rin ng pambili ng softdrinks para hindi ka mukhang kawawa.
- Love ako ni Lolo. 😀
(Photos from google images)
Kainis ka, P!
Naalala ko na nmn lola ko. 🙁 mahilig din yun maghain ng meryenda sa mga kalaro ko..which are my cousins naman na PG. Lol.