Originally posted on July 23, 2012.
Malait na kung malalait pero katulad ng libo-libo nating kababayan mula sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao (at maaaring kasama ka na dun kung aaminin mo lang), pangarap kong makapanood ng “Wil Time Big Time” LIVE! In fact, inaabangan ko na lang na magkaroon ng category sa “Peras Wil” na swak na swak sakin. Kaso, ang tagal nilang maghanap ng “30 and above, inaagnas na single females at nagninilay nang pumasok sa kumbento if only hindi sila isusuka dito”.
May intro na nga akong nakahanda just in case mapili akong contestant. Eto…ehem ehem…”Ladies and Gentlemen, boys and girls, taas-noo kong ipinapakilala sa inyong lahat ang numero unong lagalag ng Bacoor…ang babaeng walang pinalalagpas na okasyon…mula binyag, birthday, kasal hanggang patay, kasama pati pa-siyam, 40 days at babang-luksa, lahat pinupuntahan, ang aking mahal na Mother Earth, si C!!!” (Masigabong palakpakan!)
Pero tulad ng mga artista, (Naks, artista ka mudra?! Saya niyan!) kahit na gaano ka-fabulosa ang buhay ng isang tao, parating may behind-the-scenes bloopers ang mga yan. Sa kaso ni Mother Earth, eto ang ilan sa kanila…
Isang gabi, magkasama ang partners-in-crime na sina C (mudra) at si Tita T (clue: “politicians” din siya), pupuntahan nila yung namatay nilang kumpare. Pagdating sa funeraria, pumasok na sila sa kwarto. Immediately, may napuna silang kataka-taka — parang wala masyadong bumabati sa kanila. Weird yun for them kasi nga mga “poppy”, as in popular, kids ang dalawa. Pero keri lang, di naman sila pumunta dun para magpabibo e, kundi para makiramay. So dahan-dahan silang naglakad sa gitna ng aisle patungo sa yumao. Nagdasal nang mataimtim. Nakapikit. Pagdilat ng mata ni C, napabulong kay Tita T, “Diba si pare ang dadalawin natin? Bakit MARE ‘to???” Dun na nila napagtanto na maling burol pala ang pinasok nila!
So sa harap ng namayapa, habang nakatungo at kunwari nagdadasal, gumawa ng action plan ang dalawa — Andito na tayo e. Upo lang tayo sandali tapos pa-simple na lang tayo umalis para di naman nakakahiya.
Ayos. So upo na sila. Konting chika chika, pinipigilan ang tawa. Dizizit. Eskapo time! Nang patayo na sila…naudlot! Biglang lumapit ang na-biyudong asawa ng patay, “Konsehala, Vice, buti naman po at nadalaw niyo ang asawa ko! Naku, maraming maraming salamat po!”Namumutawi sa mga mata ng naulilang mister ang kagalakan. No choice ang dalawang bida. Sa madaling salita, na-doble daw ang gastos nila — sa abuloy at sa sariling-hiya.
Lipat naman tayo sa kasal. Parehong magnininang sa kasal ang mga “politicians”. Matiwasay namang naidaos ang seremonyas. Dun sa reception nagka-eksena. Ginanap kasi ang kainan sa gitna ng kalsada sa isang subdivision. For the record, walang isyu sina mudra kung hotel o garahe, bongga o simple, masagana o payak. Name the venue, napuntahan na nilang lahat yan. Ang isyu nila nung araw na yun ay…LANGAW! Sandamakmak, bata-batalyon na langaw. At di maselan si mudra ha. Mangilan-ngilang langaw, kahit medyo madami, kering keri pa. Pero wag naman daw nangingitim na sa dami at halos di na makita ang pagkaing pagsasaluhan!!! (Pasintabi sa kumakain at di pa kumakain)
Ngunit nangibabaw pa rin ang pagiging sport ni mudra, mega bugaw na lang daw siya. Nagkataon, ang Tita T, may isa pang kasalang pupuntahan. Saved by the bell! Kaya habang hindi pa nagsisimula ang kainan, nagpaalam na sina Dolphy at Panchito, este sina C at Tita T, na lalargabels na sila. Sakto! Lusot sa gusot.
But no…”Teka, teka, hindi man lang kayo nakakaing dalawa. Ipagbabalot ko kayo!!!“, sabi ng magulang ng kinasal. Patay! So bitbit ang nakasupot na menudo at lechon, umuwi ang dalawa. Ang dilemma ni mudra — sayang naman ang pagkain. Atsaka siguro sa mga nakatago at nakatakip na kaldero naman kinuha ‘tong pinabaon sa’tin…Kaso, paano kung hindi?! Andami talaga nung langaw e! Magkasakit pa ‘ko?! Kung pinatos ang lafang or hindi, kayo nang bahalang humula.
Eto ngayon ang maganda. Birthday ni Father! Hindi ng tatay ko ha, kundi ng kura-paroko namin. May malaking handaan sa basketball court ng church. Siyempre lahat ng aktibo sa simbahan kumbidado. At siyempre, lahat may regalo. Ano nga ba pwede iregalo sa isang pari? Nahirapan mag-isip si mother. And for that, cash na lang. So nagpakuha si mudra sa’kin ng sobre. Dalawa. Kasi may dadaanan din siyang patay after ng kainan sa simbahan. Nilagyan ng salapi at pinasulatan sa’kin ng greetings. Pinasok ko sa bag niya. Larga.
First stop, birthday lunch ni Father. Medyo natagalan sa dami ng ka-hontahan pero after 2 hours, nagpaalam na si C kay Father, “Mauna na po ako at may isa pa po akong lakad. Happy Birthday na lang po ulit, Father.” Sabay abot ng envelope.
Next stop, sa patay. The usual pakikiramay with matching chikahan on the side. Di naman nawawala yun e. So, after makapag-merienda sa burol, at nang patapos na ang mahabang araw niya, hinanap na ni C ang sobre ng abuloy sa patay. Kalkal ng bag, dukot, balik, dukot. Finally, nahanap din ang sobreng may nakasulat na…..”HAPPY BIRTHDAY!!!”
ANAK NG @&$!!!! Nagkamali ng bigay! Ibig sabihin, naibigay kay Father yung “OUR CONDOLENCES…”
“Our condolences…” sa birthday boy at “Happy Birthday!!!” sa na-tsugi! Lakas mang-asar e noh?
Nagkumahog si mudra at dali-daling bumalik sa simbahan. Nakiusap sa Head Mother Butler na ipuslit yung sobreng binigay niya kay Father at palitan ng iba. In fairness, naagapan naman ang isang major, major disaster. Mother Earth, bawal na ang pork, bawal ang shrimp, bawal ang beans…
Kaya nananawagan ako kay Kuya Wil! Pwedeng pwede mo maging co-host ang nanay ko. Walang binatbat sina Mariel, Camille V. at Ruffa Mae dun. Paniguradong may bago ka pang sponsor…EVERVON PRIME!
Ikaw na mudrabelles! Ang cool ni mama, P ah!
Btw, nice meeting you in person P! Mas loka loka ka pala talaga sa personal! Love na kita! Hahaha! Ituloy natin ung _ _ _ clubbing natin ah! LOL! Thank you again for inviting us, I had so much fun yesterday. 🙂
dami ko sobrang tawa dito….nagtataka siguro head namin bakit panay ang bungisnggis ko dito sa upuan at nababaliw na ata…. galing atty! =) L.H.
hahaha natatawa ako mag isa ng mabasa ko yung about sa mapagpalit ang sobre ng ke father at sa patay…buti na lang nabawi pa yung sobre…hahahaha the best talaga si mother earth
Winner si mudra!