Originally posted September 17, 2012
Matagal na kaming friends nila D and P. Technically, mas matagal ko na silang friends kesa kay C. Una kong naging friend si D noong law school, kasi naghahanap sha ng lighter, and ako yun pinakamalapit na meron hawak, so yosi buddies agad. Then naging kainuman na si P. Siguro dahil sa hirap ng law school, at parepareho kami ng pinagdaanan kaya na-forge din ang aming friendship. Eventually, we all became sorority sisters. We were all there for each other, through laughter, tears, mga away, mga projects, mga lalaki, mga babae (haha!) and lahat lahat na. Luckily, kahit na wala na kami sa Malcolm, nagkakasama sama pa din kami.
Kay D at P ko natutunan talaga kung paano dapat ang tunay na friendship. Alam ko madami pa kaming pagdadaanan at mararanasan, pwedeng magkakaaway kami about some things siguro, pero I know na magiging matatag kami. Sa kulang-kulang na isang dekada na samahan namin, ilan lang ang mga ito sa natutunan ko about TRUE “GIRL” FRIENDSHIP:
Ang sekreto ay sekreto— pero make sure i-qualify mo na sekreto from the boyfriend or husband din kung ayaw mo na malaman din nila. Boyfriends and husbands are girl-friend extensions by default, therefore, you must also know to trust them. Warning naman sa mga kalalakihang mga ito, pag binulwag nyo ang sikreto namin kaming lahat ang kaaway ninyo…
The truth will set you free— madaming applications ‘to.
Corollary 1: Pagtinanong ka ng girl-friend kung mataba na sha, YOU MUST TELL THE TRUTH.
- If she has added a few poundage, and kita na sa cheeks, dapat mo sabihin pag tinanong ka lang.
- Pero pag IBA NA TALAGA, kahit hindi ka tanungin dapat sabihin mo na na hindi na kaaya aya.
- Further to this, meron mga girl-friends na talagang heavy and beautiful and fab naman, and embrace their HUGE contributions to the world. No need to tell them na mataba sila, coz they just don’t care and they’re beautiful as is (See corollary 2)
Corollary 2: You have to tell the truth about what you think about the outfit she’s wearing or trying on.
- Siguro naman, sa age namin na ‘to medyo aware na dapat ang girls kung ano ang bagay at tama sa kanila. Meron na din kaming personal styles.
- Walang basagan ng trip shempre.
- PERO PERO PERO, you have a moral obligation to tell your girl-friend if:
1. she already looks like a skank
2. if the size small shirt she’s wearing eh
nagpaprotesta na dahil naiipit yun mga taba nya,
3. kung mukha na shang fashion victim
4. if the dress is inappropriate for the event you are going to
5. if she looks better in a onesie or a two-piece or a maillot or
6. kung hindi mo lang talaga kakayanin na makitang
kasama sha sa public sa kung ano man ang suot nya.
Dapat makinig — related to #2. This has something to do with trust and telling the truth din.
Pwede nyo pagalitan ang isa’t isa. (Usually pala ako napapagalitan or napagsasabihan dahil suwail ako) Besides our moms, girl-friends are the only ones worth listening to. Sila kasi ang talagang nakakakita sa nangyayari sayo.
If you trust your girlfriends, you know that they will never mean you harm, and they only want you happy, safe and good. So pag sinabihan ka na tigil-tigilan mo na yun linalalaki mo coz he’s bad news, or you need to make a quick outfit change dahil meron kang kapareho na suot sa pupuntahan nyo na party, MAKINIG.
Walang iwanan.
Your girls will always be there when you really need them. Whether you need someone to listen to you rant or just chismis, or you need a ride going somewhere, or pag nasiraan ka ng kotse and you need a jumpstart or series cables
Girls just have a tendency to support each other and stand-up for one another. Minsan, mas galit pa girl-friend mo kaysa sayo eh ikaw naman talaga yun agrabyado. Mauuna pa yan sumugod sa kaaway mo, kaysa sayo.
Ex-boyfriends are the DEVIL!!!
Ang ex ay ex. Kung sino man ang may kasalanan ng break-up ang kakampi mo ay ang girl friend mo.
Pwedeng kausapin ang ex ng girl-friend, but mostly para ipagyabang na sobrang fabulous mo na, at mayaman ka at meron kang dine-date na waaaaaaayyyy better than him. Pwede rin kausapin ang ex para malaman kung how miserable he is without you.
Note: Kung mas maayos ang kalagayan ni lalaki kesa sa girl-friend, for friendship’s sake either wag mo na sabihin na nag-usap kayo nun ex nya or if you are caught in a situation where she knows you spoke, just say: “Ay girl, you are so better off without him.” Try not to lie.
I’m sure madami pang ibang “rules” na hindi ko naisip ilagay dito. To all our girl readers, please feel free to add up on the list. It can even be an anecdote involving you and your girlfriend/s… anything that will show what real girl-friends do to and for each other.
(pics from google)
Leave a Reply