Originally posted on October 22, 2012
Chismaks Alert!
Kumakain kami ng officemate ko sa isang malaking mall sa Lungsod ng Maynila. Walang masyadong tao sa restaurant na pinuntahan namin. Isang table lang ang okupado ng lalaking edad 30-35 na parang may hinihintay. May dala siyang folder. Business meeting ‘to malamang.
After 20 minutes, dumating na ang order namin. Pero si Kuya, di pa rin umoorder. Businessman na walang anda?!
Mamya-maya, aba, eto na! Dumating na ang ka-“meeting” ni Kuya — si Lola! Edad 50 pataas. Mukhang soshal-ite. Sinalubong ni Kuya ng matamis na beso-beso! (Tumaas na ang kilay namin ng officemate ko. Wala pa ata akong naka-meeting na nakipag-beso ako noh!)
Di pa umiinit ang upuan ni Lola, bumanat na agad si Kuya sabay labas ng magasin galing sa folder,
“Ang gaganda ng mga koche dito sa magasin. Ano kaya magandang bilhin natin?”
YUN OH! WELCOME TO COUGAR TOWN, LOLA!!!
Grabe naman itong si Kuya. Di man lang pina-order muna si Lola bago bumanat ng “Bilmoko!“…pero may pambawi naman pala siya. Biglang inabot ni Kuya kay Lola ang folder na hawak niya. May RED ROSE na nakaipit sa loob!
ANG CHWEEET NAMAN!
Kitang kita ko sa mga mata ni Lola ang kilig nung buksan ang folder. Haba ng naka-tinang hair!
Pero wag natin sila i-judge. Baka nananampalataya si Kuya sa kasabihang “Age doesn’ts matters.” (hindi typo yan) Baka ang favorite namang movie ni Lola ay “Kahit Konting Pagtingin” na may mga linyang…
Sharon: “Ang hirap sa ‘yo, Delfin, maaga kang pinanganak.”
FPJ: “Ang hirap sa ‘yo, Georgia, huli ka nang ipinanganak.”
Ang i-judge na lang natin, yung ROSE! Ubod ng mahal ng rose na yun ha. KOCHE kapalit?! Pak!
P, hindi mo ba narinig kung ‘babe’ or ‘honey’ ang term of endearment nila? :))
Ang swerte naman ni Koya!hihihi
Maraming salamat sa mga suporta 🙂 Antabayanan ang mga susunod na entries 🙂
we really enjoy reading your comments and we hope you continue reading our blog. 🙂
Andami kong tawa. Mga 687. Haha.
Daily habit ko na ang blog ninyo, soshalites! Parang http://www.fashionpulis.com lang, andaming juicy chismis. :))
Hahaha! Grabe si Lola ha, parang nakapang-ballroom pa ang outfit. Mantra siguro ni Kuya, may asim pa si Lola. Literal na maasim. Hihi.
Bebengisms
Akala ko “May RED HORSE na nakaipit sa loob!” yung nakalagay. Haha nice post.