Dating kawal ang tatay ko kaya tumira kami sa kampo for almost 25 years. Kahit na malayo na kami nakita, nagkikita pa rin kami ng mga childhood friends ko. Lahat na kami may mga anak at may kulubot na sa mukha pero we still try to find time to see each other.
Uso pa sa amin noon ang paglalaro sa kalsada ng patintero, piko, langit at lupa, etc. Naalala niyo pa ba yun? If sossy kayo, cops and robbers! Walang gate ang mga bahay sa neighborhood so after ng garahe kalsada na.
Isang hapon, sa garahe ng pamilya M kami nakatambay. Yung garahe nila may ramp na parang ganito.
Ten years old ako nun.
Ewan ko ba kung bakit pero binato ko ng tennis ball si Kuya J habang kumakain siya ng pancit. Ginantihan niya ako at nung babatuhin na niya ako ng bola, tumakbo ako paatras. Hindi ko alam na may aso sa likod ko, kaya natapilok ako, napahiga at gumulong pababa ng rampa hanggang umabot sa kalsada.
Boom ang saya! Nakakahiya!
Tawa pa ako ng tawa habang tumatayo. Pero pag-harap ko sa garahe, wala na mga kalaro ko. Nagtakbuhan at nagsisigaw. Siyempre, takang-taka ako. Hanggang sa nakita ko ang kanang braso ko na sobrang baliko at may dugo.
And so, naiwan ako mag-isa sa kalsada at ako’y umiyak. Hindi masakit, natakot lang ako.
Biglang lumabas and kapitbahay naming General. Binuhat ako at dinala sa Makati Med… at dito na nagsimula ang drama.
Sinakay ako sa koche ni General. Humahagulgol ako at sabay sigaw ng…
AYOKO MAMATAY!
AYOKO MAMATAY!
Natawa si General at sabi, “di ka mamatay iha, pilay lang yan.”
Pero di ako nakinig.
AYOKO MAMATAY!
AYOKO MAMATAY!
Paulit-ulit kong sinasabi habang papunta sa hospital.
Biglang nag-stop ang sasakyan sa EDSA-Ayala. Red light kasi. Ang madramang bata nag-reklamo…
Bakit tayo huminto? Mamatay na ako!
O.A.?!?!?
Pagdating sa Makati Med, nilagay ako sa stretcher at dinala sa ER.
Habang dinadala ako sa E.R., dumating ang doctor at mommy ko.
Doctor: Iha, are you okay? Masakit ba?
D: Doc, I don’t want to die!
Nag-english bigla?
Sa E.R., nilagyan ng wood plank and bandage ang braso ko. Sabi ng doc, kelangan ako i-xray. Habang kinukuha ang X-ray Machine…
Mommy: Wow, anak! Nag-English ka!
D: Kasi sabi mo pagkinausap ako ng English,
di ba dapat English din sagot ko?
To cut the story short, inoperahan ako sa Makati Med pero hindi daw maayos kaya nilipat ako sa Orthopedic Center. Nilagyan ng bakal yung loob braso ko.
A week after I was discharged sa hospital. Dumalaw si General sa bahay. Si Daddy nakauwi na galing area of assignment. Nagpasalamat kami ni Mommy kay General. Pero si Daddy…
Anakngteteng!!!!
Bakit naman sa Makati Med mo pa dinala anak ko?
Dapat sa Army Hospital nalang para libre!
Pak, tipirin ba ang anak?!
So, ano ba ang natutunan ko sa experience na ito?
Hindi aware ang mga bata sa principle ng WALANG IWANAN!
Sumunod sa magulang at mag-English kung kinakailangan.
Huwag pag-panooring ng telenobela ang bata.
Ang pilay sa braso ay hindi nakakamatay!
(photos from google)
Mommy ko nga naka graduate na ako at lahat hindi parin alam kung ano course ko eh. (-_-)
ako po ang matagal ng pinaghahanap ng batas…nasa akin pa po ang “weapon” na tennis ball…sobrang guilty ako sa nangyari kahit na dahil sa keenengan ni Ms D kaya sya napatid paatras and nabalian ng braso.. 🙂 …ang accomplice kong aso na si Bruno ay matagal ng namayapa at nakahingi na sya ng tawad sa pangyayari..
di ka namin iniwan..naghanap kami ng tutulong…puro tayo bata sa kalsada nun..at ang kaisa-isang adult na nakita namin as si General V…with his ever present San Mig Pale pilsen on hand
teka..naglagay pa ba kami ng kandila kung san ka napatid….hehe di ko na matandaan…alam ko pag namatay lang yun nilalagyan ng kandila yung lugar ng accidente…
buti na lang lagpas na sa “prescribe period” para ma file ang kaso laban sa akin…hahahaha…lalo na ngayon..na yungdi namin inaakalang aanga-anga noon ay magiging isang magaling at matalinong Atty…come to think of it..baka dapat kang magpasalamat sa akin kasi from that point on…naalog yung utak mo at nare-arrange..at dun ka tumalino 😀
bwahahahaha!!! Eto na!!! Umamin na ang salarin at last! Di pa rin siya nag-sosorry sa akin bwahahahahahaha!
ako po ang matagal ng pinaghahanap ng batas…nasa akin pa po ang “weapon” na tennis ball…sobrang guilty ako sa nangyari kahit na dahil sa keenengan ni Ms D kaya sya napatid paatras and nabalian ng braso.. 🙂 …ang accomplice kong aso na si Bruno ay matagal ng namayapa at nakahingi na sya ng tawad sa pangyayari..
di ka namin iniwan..naghanap kami ng tutulong…puro tayo bata sa kalsada nun..at ang kaisa-isang adult na nakita namin as si General V…with his ever present San Mig Pale pilsen on hand
teka..naglagay pa ba kami ng kandila kung san ka napatid….hehe di ko na matandaan…alam ko pag namatay lang yun nilalagyan ng kandila yung lugar ng accidente…
buti na lang lagpas na sa “prescribe period” para ma file ang kaso laban sa akin…hahahaha…lalo na ngayon..na yungdi namin inaakalang aanga-anga noon ay magiging isang magaling at matalinong Atty…come to think of it..baka dapat kang magpasalamat sa akin kasi from that point on…naalog yung utak mo at nare-arrange..at dun ka tumalino 😀
mwahahahahahahhaa!!!! hoy! tumakbo kami nun naghanap ng matatanda para tulungan ka noh! at nagsasaluhan tayo ng tennis ball nun, you missed kaya si J natamaan mo ahahahahahaha
Bwahaha! Iniwan niyo ako!!!!
ayan! may pinagmanahan naman pala ang junakis mo sa kadramahan! hahahaha
Hahaha! Oo nga 🙂
Hay, ewan ko ba! matagal ko ding ikinahiya ang pangyayaring ito! pero ngayon natatawa na lang ako 🙂
kumusta naman ang kadramahan noh?!?! hahaha!
OMG, ang O.A. nga! hahaha!