Originally posted on December 20, 2012
Meron ba kayong kinaiinisan na tao pero di naman talaga niyo kaaway? Yung FEELINGERANG FROG lang kasi ang peg niya pero “friend” mo pa rin naman. At etong feelingerang ‘to ay kelangan mong bigyan ng regalo ngayong pasko?
Ano bang puwedeng ibigay sa feelingerang friend mo na magugustuhan niya but at the same time makakaganti ka? Eto ang ilang mga suggestions:
ULTIMATE CHOCOLATE GIFT BASKET
FEELINGERA: Ang sweet naman! Ang sosyal. Love talaga niya ako….
YOU: Kainin mo yan lahat ha! Sana tumaba at pimimpulin ka!
Size extra small na bikini or cocktail dress
Then put a note “post pics ha!”
This is applicable if size large siya at nagfefeeling extra small.
Huwag ipag-sabay sa gift no. 1 kasi MAHAL at HALATA!!!
FEELINGERA: Ay type, bagay na bagay sakin to!
YOU: Shafal ng face mo pagsinuot mo pa yan! Aabangan ko ang pictures sa Facebook!
VANITY MIRROR
FEELINGERA: I love this! Mas maapreciate ko ang pagtitig sa sarili ko sa salimin everyday!
YOU: Its time na tumingin sa salamin at umasal ayon lamang sa ganda!
THIS IS A CRAZY PLANETS BOOK
Samahan ang Vanity Mirror ng libro ni Lourd.
“Things that are pure within themselves evoke pleasure, thus beauty,” ika nga ni Socrates. Sa Tagalog, naaalibadbaran tayo sa di-kagandahan. Lalo na’t nag-iinarte pa.
FEELINGERA: This is so funny! Grabe talaga yang mga feeling maganda diyan!
YOU: Hay, Lourd, help us!
FASHION MAGAZINE
FEELINGERA: Yay, a fashion magazine for a fashionista like me.
YOU: Pakitingnan ang mga outfit diyan at pakisundan please,
bago ka hulihin ng fashion police. Walking nuisance ka!
FACE MASK
FEELINGERA: Love it, more beauty supply for me!
YOU: Paki-apply before going out sa public.
BOOK ON HUMILITY
Caveat: 60% chance na mahalata unless 100% feelingera talaga siya.
FEELINGERA: Hay, I should share this to others!
YOU: I do not have to expound.
PHOTO ALBUM
FEELINGERA: Keepsake for pictures of my beautiful self. Love this!
YOU: Please keep your pictures to yourself. Wag na ipost sa Facebook or Instagram!
Kung di naman kagandahan ang katawan (at lalo na kung tadtad ng kurikong ang balat), ‘wag mag-post ng mga Boracay pics sa Facebook. Polite lang ang mga kaibigan mo pero pinagtatawanan ka nilang lahat. ‘Yan ang mapait na katotohanan.
~Lourd de Veyra
Ang sama, shet! Pasko nga pala. TIME TO GIVE AND FORGIVE. Sige, wala nalang siyang regalo! Ipagdasal nalang siya!
(pictures from google images)
I just discovered this blog. (Thanks to ArxM and Ch 99.) You know who they are. 🙂 Super hilarious. Anak, kailangan mo atang mag-invest sa personal security. 🙂 Ang funny. I think I will read this instead of trawling the internet for stories about Edward Snowden. <3 <3 <3
Bwahaha, Arx! Kelangan na namin talaga ng personal security! We had a close call because of a blog post! national crisis levelz! bwahahahahaha! Thanks for visiting our blog 🙂 Mwah!
What happened? What post? (chismosa e.) hahaha
ha? Meron ba tayong pinag-uusapan? 😉
Bet ko yung book ni Lourd! Pwede kayang pasampal na ibigay sa pagbibigyan? Hahaha!
Puwede din! grabe nalang kung di pa rin niya gets! bwahaha!