Kahapon nagninilay-nilay ang officemate kong si L kung magpapagupit siya ng buhok. Summer nga naman. Mainit. Ang kaso, lagpas balikat pa lang ang buhok niya. Pag pinagupitan niya, walang ibang pupuntahan kundi ang kahindik-hindik, panira ng buhay at pamatay na APPLE CUT.
Yes, aaminin ko. I am Ms. Provinciated and I was a victim of the APPLE CUT.
Eto naman ang picture sa kauna-unahan kong ID dito sa office. Halos apat na taon na akong nagtatrabaho pero wala pa ring nakakarecover sa aking former look.
Kaya naman hinikayat ko si L na pag-isipan muna nang maka-ilang beses bago siya magpatabas ng crowning glory. Heto ang ilang tips na naibahagi ko sa kanya.
1. PAGKATANDAAN: Bawal magpa-picture. Tiyak na pagsisisihan mo ‘yan. Lalo na after a few years at nag-reminisce ang mga kaibigan mo.
Lalong-lalo nang wag sasama sa group picture. Kung solo kasi, may karapatan ka pang ipatanggal. Pero pag madami kang kasama, at maganda sila sa photo, no choice ka.
2. Bawal mag-headband.
Self-explanatory
3. Ayusin ang settings sa facebook. Siguraduhing di ka pwede ma-tag without your approval. Ngayon, pag may nag-attempt na mag-tag sa’yo, UNFRIEND MO AGAD! Baka lumabas sa Newsfeed ng mga friends mo.
Kung ayaw mo naman i-unfriend, tawagan mo na lang at makiusap kang tanggalin ang picture…for the sake of your friendship.
–
4. Bawal mag-backpack.
–
5. Kung di maiwasan mag-backpack, wag lumapit sa unggoy.
–
6. Siguraduhing hindi lampas 50 ang edad mo.
Close your eyes. Imagine-in mo si Dora na 50 years old. Maganda?
–
7. Siguraduhing hindi ka lalaki. Unless Weng-Weng ang peg mo…
Or Mario, este, Palito…
Sumalangit nawa…
–
8. Ibagay sa buhok ang ugali mo. In short, magpakabait ka.
Nakakita ka na ba ng kontrabidang naka-apple cut? Wala diba?
Pwera lang siya…
Unless ganyan ka ka-mestiza, ayusin mo ang buhay mo.
Bottomline, wag padalos-dalos. Pag-isipang maigi. Totoo, may ilan na binabagayan ng apple cut. I think well-established naman na hindi ako kabilang dun. Ang tanong ngayon, ikaw kaya???
(Photos from google images)
Ganitong cut talaga ang peg ko ee! Wapakels kung maging dora. HAHAHAHA.
Ang ganda parin naman kahit Apple Cut!
Alangan naman mag-ala-Demi-Moore-in-Ghost ka…
This post made me laugh! :)) True, challenge ang apple cut. Maybe tell your friend to color her hair or get highlights na lang, or maybe get bangs. 😀
Hahahaha! Dora, Senyora Angelica, Weng-Weng. Sheeeeeeep. Ikaw ang pinakamagandandang naka-epol cut (pronunciation ng lola ko). Infer, naging biktima din ako ng kahindik-hindik na haircut. Pero bagay sa’yo P. Para ka lang highschool. Naks! Highschool na ang sarap i-bully. Haha! 😀
oo nga, maganda naman kaya sa yo! kaso nabother ako kasi narealize kong nasa apple cut phase pala ang buhok ko na pinapahaba ko na! may pagka awkward stage siya..
hmm…parang mas bagay nga sayo ang apple cut : )
Hoy P! Ganda mo kaya sa applecut hairstyle. Granted nga lang na mas maganda ka ngayon with your long, flowing tresses. 🙂
But its an injustice to project that your previous look was anything but beautiful. 🙂