Originally posted on January 14, 2013
Makapal ang mukha ko. Obvious ba? Hehe. Parang given naman na ata ‘yan based sa mga pinagsususulat ko dito sa TSN. Pero para sa mga bagong salta sa aming blog at para sa mga may duda, magpapatotoo ako.
Mahilig kasi ako sa mga artista. Kahit wala nang masyadong career, basta napanood ko minsan sa TV, artista na para sa’kin ‘yun. At dahil frustration ko nga lumabas sa TV (kung naging mestiza lang sana ako na may matangos na ilong), tuwing nakakakita ako ng celebrity, nasa-STARSTRUCK ako.
Minsan nagkayayaan kaming magpipinsan na pumuntang Power Plant Mall sa Rockwell. Bihira kami makarating dun kasi masyadong “soshal” for our taste and budget. Nakaka-intimidate. Pero nabalitaan namin na dun daw madalas mag-hangout ang mga artista. And for that, na-excite ako.
Kaso, pagdating namin dun, parang waley. Malapit na sana kami umuwi nun pero wala pa akong celebrity sighting! Imbey! Hanggang…
Si GERALD ANDERSON!!! Kakatapos lang ng PBB nun kaya sikat na sikat siya. Napapalibutan siya ng mga mga poging kabarkada niya. Kaya siguro walang nagpapa-picture. Apparently, “oasis” daw ng mga artista ang Rockwell kasi soshal nga ang crowd kaya walang umaabala sa kanila. PERO SORRY!!! NAGKATAONG NANDUN KAMI E!!!
Bigla akong sumigaw ng “GERALD!!! PWEDE MAGPA-PICTURE?!” Syempre di ko na hinintay ang sagot niya. Inabot ko na sa pinsan ko ang cellphone sabay tabi kay Gerald. Wala na siyang choice. Smile na rin siya.
(Pasintabi sa “APPLE CUT” kong buhok at mala-espasol kong mukha.
aka-recover na ko sa stage na yan. Promise.)
Yes! Ang saya! Pero I so bet naasar sakin si Gerald kasi matapos kong i-announce sa buong mall na nandun siya, nagka-lakas-loob na rin ang iba na magpakuha ng litrato. Literal na kinuyog ang lolo mo. Pero keber. Mission accomplished!
Di pa ko nahihimasmasan sa aking “Gerald Encounter”, napadaan kaming escalator nang may nakita akong lalaking macho at pogi. Si POLO RAVALES!!!
Walang sabi-sabi, hinablot ko ang braso niya at sinabing “Polo, picture tayo ha.”
Wagi ang Rockwell expedition namin! May idadagdag pa sana ako nang kinunan ko nang palihim si Ronaldo Valdez. (kahit senior citizen, patulan!) Kaso ang labo nung picture at ayaw nang mabuhay ng luma kong cellphone.
Anyway, dahil iba ang high kapag nakakakita ng celebrity, kami dito sa TSN, ay nanunumpang magpapa-picture kami sa kahit na sinong (as in kahit na sinong) celebrity ang makadaupang-palad namin. At agad-agad naming itong ishe-share sa inyo sa bagong-bagong section na pinamagatang “CELEBRITY PIN-UP”. Ano ba namang ikahiya kami ng mga kaibigan at kamag-anak na kasama namin kung ikasisiya naman ng aming mga readers.
SO…LET THE HUNTING BEGIN!
hahaha. funny naalala ko tuloy ang encounter ko kay roderick paulate kagabi sa comida de china. classic na artista pa din sya diba? sayang at di ko kinaya magpapicture. hahaha. maybe next time. P ikaw na ang role model ko! hahaha. :o)
natawa ako dito. ako rin, basta nakakita ng artista or any public figure, nagpapapicture din ako. nagpunta ang abs-cbn artistas sa singapore a few years ago, and nakasalubong ko si nikki gil papunta sa venue, so nagpapicture ako
May panghaharang sa kalsada portion?! Award ka, Ays! Ipagpatuloy ang magandang gawain. Hahaha!
Magkakasundo kayo ng mom ko. Si Jimmy Santos? Gow. Si Andrew E? Gow.
Bwahahaha!!! Winner si mudra mo! Speaking of Andrew E., nakita ko siya sa isang wedding na inabayan ko. Nagsisisigaw ako para makapagpa-picture pero deadma siya. Baka naiskandalo sakin. Nasa loob kasi kami ng simbahan. Hehe.
Nagpapakatotoo ka lang te! 🙂
eypolapol.tumblr.com
Amen!!! Mabuhay ang mga walang kahihiyan! 🙂
Girls, you know where to hang out? Starbucks ELJ Building in Mother Ignacia! ABS-CBN stars ang nandun. Magsasawa ka. Especially kung merong may taping. 🙂
Tama ka, Bebeng! Madami nga dun. Nagpupunta kami dun dati ni D nung law school days namin. Kaso na-disappoint kami minsan. Maghapon kaming nag-abang pero si Earl Ignacio lang nakita namin. E matagal nang wala sa ere ang Tropang Trumpo nun. Bwahahaha!
Hahahaha! Baka andun si Cookie Chua kaya siya andun. Kaloka.
Oo nga noh! Pwede ring si Sheryl Cosim. Diba nag-live in sila nun?! Chismaks alert! Hahaha!
Kalerky! I’m actually thinking of daring my friends to do same thing. I want to do a bet kung sino sa aming friends ang may pinakamadaming “Photos with ANY Celebrity” na magagather by the end of the year. Hahaa! 🙂
Magandang contest yan!
I agree! Magkakaalaman kung sino talaga ang may pinakama-shafal na face! Hahaha!