Originally posted on December 5, 2012
(pic from google)
Nangyari na ba sa’yo yung tipong nakatulala ka lang sa malayo, walang iniisip, relaxed…tapos may bigla kang maaalalang eksena from your past? Tapos unconsciously, mapapamura ka, iiling ang ulo o di kaya mapapahampas ng kamay, sabay sabi, “Ano’ng pumasok sa kukote ko at ginawa ko yun??!” Well, madami akong ganung eksena, lalo na nung kabataan.
Hindi pa ito yung mga sabayang pagbigkas contest na sinalihan ko ha. Separate blog entry of kahihiyan pa yun. Ang pinag-uusapan dito ay yung mga puppy love at crushes.
Noong Grade 7, may superdiduper crush ako – si J.M.
4th year siya nun. Matangkad, moreno, nakasalamin, mukhang serious at disente. Patay na patay ako dun. At damang dama ko nun na kami na ang magkakatuluyan. Sa sobrang dama ko nga, may naisipan akong gawin…
Nabalitaan kong mahilig si J.M. sa soccer. Kaya ang paslit na P, gora sa Alabang Town Center na “Twin Cinema” pa noon. Bumili ng stuffed toy na soccerball gamit ang pinag-ipunang baon. Kinunchaba ang driver na ihatid kami ng kaklase ko sa bahay nina J.M. (stalker mode na kahit bata pa). At dahil “secret admirer” ang peg ko nun, nagtatago kami sa likod ng van habang nag-doorbell si Kuya Driver at lumabas si Papa J.M. OMG! Ang pogi niya! Inabot ni driver ang regalo kong stuffed soccerball with matching note saying,
You might think this is crazy…I am…for you.
INAAAAAAAAAAAAAAAAY! Walang kapatawaran ang kabobahang ito! Sarap iuntog sa pader!
You might think na natuto na ko sa episode na yan. But no…dahil noong 1styear LAW SCHOOL (Oo, LAW SCHOOL na!), may naging boylet din ako kaso naudlot ang aming love story dahil pumunta na siya sa isteyts. A few months after niya umalis, magbibirthday na siya nun. Nang binilang ko kung gaano katagal na since umalis siya, eksakto ang bilang…at ito ang ginawa ko…
Bumili ako ng CD ng Boz II Men. Humanap ako ng paraan na matanggap niya on the day of his birthday with yet another note…
Please play Track 14…
Ang track 14…drumroll please…”6,8,12”
It’s been six months, eight days, twelve hours since you went away,
I miss you so much and I don’t know what to say.
I should be over you.
I should’ve known better but it’s just not the case.
It’s been six months, eight days, twelve hours since you went away.
Isang high-pitched MAMAAAAAAA!!!
Ikaw ngayon ang tatanungin ko, di ka ba mapapamura, mapapailing ng ulo o di kaya mapapahampas ng kamay, sabay sabi, “Ano’ng pumasok sa kukote MO at ginawa MO yun, P??!”
Teh! naturete ako sa ka i isip…Brian Mc Knight naman yung kumanta nde BOYS II Men… Nonetheless I enjoyed reading your blogs.. Keep it coming!
best of luck❤️
at ako naman noon bilang KUYA HUNTER ng barkada… lahat ng kuya ng mga close friends ko, nagpapa-regards ako.. mwahahaha!
Wagi sa ekspiryens!
Hahahaha! Relate ako diyan! Nacacahiya!!! Meron akong katelebabad na type ko, tas kunwari iihi ako, itatapat ko yung phone sa speaker ng radyo. Voila: instant theme song namin. Mwehehehe!!! Style ko bulok na bulok!
ang dami kong tawa sa MAMAAAAA 🙂
this is my first comment pero not first visit sa blog nyo. avid reader nyo ako di nga lang nagpo-post ng comment 🙂
Sulat ka lang ng comments mo…pero puro positive lang ha. Hehe! Salamat sa pagbabasa, Veta!
hindi ko kinaya ang note. HINDING HINDI TALAGA.
Hindi ko rin kinaya yung “I am… for you’ :))
Naka-letterings pa yung note courtesy ng pinsan ko. Inaaaaay! Ewan ko nga ba kung ano pinagGAGAgawa ko nun! Wala man lang nagmalasakit at umawat…:(
Panalo to, wahaha! Good job, P=D
Zomg si JM!! Na umabot pa ang pagmamahal mo hanggang sa mas mga batang kapatid nya!! Nasa isteyts din ata sila. Baka gusto mo mag-migrate? 😉
Jusme! Pero aminin mo, maganda talaga ang lahi ng mga lolo mo…if I’m not mistaken, nagkagusto ka rin dun sa kapatid nilang itago natin sa letrang R! 😛
nagmumukhang baliw na naman sa aking lamesa habang pilit na humahagikgik sa pagbasa ng entrada mo habang nagpapanggap na nagtratrabaho……
missed you
lovelynn
Hahaha! Miss you na rin po, Achi! Kelan kaya ang next event na makakadaupang-palad kita?!? 😉
Kanya-kanya talagang eksena/kagagahan noh?! Tama, karimarimarim nga! Haha!
Blue Magic yung soccer ball no? Haha! Okay lang yan eh yung mag-abot ka ng lab note na nakasulat sa tissue? Hindi ba karimarimarim yun! Haha! 🙂
Brian McKnight ba yun?! Teka, Rose, bakit di mo ko inawat?! Hahaha!
Kung pinigilan ka ni Rose eh di dapat iba ang post mo ngayon at wala tyo pinagtatawanan kapag nagkikita tyo!:p kulang na kulang pa nga yang mga kinuwento mo dahil madami ka pang ginawang kalokahan sa buhay noh!!!:p -L
Salamat naman sa panglalaglag…:P
Brian mcknight yun! So happy to be part of those nakakahiyang memories chos bwahahaha!!! =D