Sa post ni P about Love Notes, napaisip din ako ng aking embarrassing moments. Masyado ata madami kasi unti-unti na akong nawawalan ng hiya sa buhay.
Isang linggo matapos ang bar exams, pumasok na ako sa law firm. “Ber” month na yun kaya’t excited na excited na ako sa Pasko. Nag-email ako sa aming Managing Partner (MP) copy furnished ang iba pang partners.
ME: Sir, may I ask when po ang start ng Christmas Break?”
MP: Ano ‘to? College? Walang Christmas Break!
Award! Shet, wala palang christmas break sa office?!
Then same month, tinext ako ni MP at may inutos sa amin ng officemate kong si Mai.
Me: Copy, Sir!
MP: Thanks, VM!
Me: Hmm… Ano kaya yung VM? Baka initials ng names namin (Vivian and Mai)
At dahil, pa-cute at pabibo ako…. You’re welcome R!
MP: What’s R? Receding hairline?
Me: No, Ravishing R____(name of MP).
MP: (Di nag-reply)
Awkward! Bakit di nag-reply? Ano ba yung tinext ko?!
Lapit ako sa isang Junior Partner (JP) at kinuwento ko.
JP: Tanga!
Thank you VM ay Thank you very much!!
Pakshet! Nakakahiya! Malay ko ba!!! May pa-Ravishing R pa akong nalalaman!!!!
The week after, may meeting kami ni MP sa Pacific Star Building.
After ng meeting sabay kami ng kliyente bumaba ng building at naghintay ng sundo sa driveway.
Nauna dumating ang koche ni MP so sumakay na kami. Pagsakay namin…
MP: Pag-aralan mo yung tanong ha. Pero ayos naman sinabi ko nung meeting di ba?
Sinabi niya ‘to habang nakatawa at sabay tinaas niya yung kanang kamay niya.
Sa utak ko, tuwang tuwa si boss ah. Nakikipag-apir pa. And so excited pa kong in-apir si MP. Pero biglang umilag si boss! Takang taka ang mukha at tiningnan ako ng masama. Tapos tumingin siya sa labas ng sasakyan at kumaway!
AMP, yun pala, kinakawayan nya yung kliyente sa labas ng koche!!
Awkward!!!!
Lamunin na ako ng lupa please! Gusto kong umiyak sa hiya! Si manong driver kitang kita ko yung balikat gumagalaw… tawa pala ng tawa, buwiset! Sa loob loob ko, tae#a, matagal tagal pa kami makararating ng office.
Last but not the least…
May kliyente na nagpapa-incorporate ng kumpanya. Code name ko sa kanya ay PAPA bilang pogi sana siya kaso suspicious looking individual. At dahil pa-cute at pabibo na naman ang lola niyo, nag-email ako kay MP (again, copy furnished ang ibang partners) asking for approval ng corporate name na naisip ko:
Papa-Cool-Long Corporation…
image from www.lipstickalley.com
Your illegitimate corporation.
We find ways!
Reply si boss: JOKE NOT GOOD!
Deeeeeedz!!!!!!!!!!!
Pasalamat ako, di pa ako nasesesante… 🙂
(photos from google images)
Hahaha. Epic fail, Atty. D.!
Hagalpak ang tawa ko sa Ravishing R. Haha
May awkward moment din ako sa boss ko. One time nagjoke kasi siya tapos pabibo din ako na nagjoke din kaso dahil sa pagmamadali kong magbitaw agad ng joke eh late ko nang narealize na sobrang waley siya. Ayun change topic na agad ni boss. Hahahaha
ZOMG! Natawa ako ng sobrang lakas. Kaloka ang company name…
well… hindi natawa boss ko! hahahahaha! 🙂
Loka loka ka talaga, D! Hahaha! Buti nga at hindi kapa nasesesante! LOL!
PS
Uy miss ko na kau! 🙂
Kita tayo ulit!! Bumabawi lang sa work haha 🙂
OMG HAHAHAA tawang tawa ako dito! Lalo na yung sa apir!!! hahaha wagi ka gurl!
Di ko na nga sinama yung Myron sa kuwento… foul eh hahahaha!!!!
Hanggang ngayon hindi padin ako makaget over sa “Joke not good!”. looking forward to more kwento like this, D! 🙂 kaso baka hindi kna alikabok, hangin ka nlng 🙂 hehehe.
bwahahaha! Kahit ako di maka-get over! buti nalang nakalimutan na ng boss ko to 🙂
Tindi mo D. Classic na classic. Lmao
kahihiyan to the highest level!
D, baka naging maliit pko sa alikabok kung ako ang nasa sitwasyon mo. Hehehe. Ang sakit ng panga ko kakatawa 🙂
SAKTO! Alikabok ang feeling! sheet talaga, sarap untugin sarili ko tuwing naalala ko mga yan haha! mabuti ng ngang ishare sa world haha!
Hahaha…..super nakakatawa!
Oo nakakatawa… nakakahiya! Thank God di pa ako tsinutugi!
HILARIOUS!
Bea 🙂
Haha, kahihiyan!