Originally posted on January 21, 2013
Muntik ko malimutan birthday ng mom ko. It was a good thing that my dad texted me the day before. At dahil nga busy-busyhan ako sa work, I decided that C&I will go to Cainta para salubungin ang birthday ni ma dahil work day ito.
May tradition sa family namin na dapat magkakasama pag morning ng birthday ng kahit sino. Dapat may cake at may pancit. Nung nauso ang instant pancit canton, courtesy ng Lucky Me palagi ang hain samin sa umaga — substantial compliance man lang.
Ang kapatid kong si G inassign sakin ang cake. At sa awa ng diyos, sobrang late ko na nakaalis ng office that night. Wala naman 24 hours and goldilocks or red ribbon. Nagdasal na lang ako ng mataimtim that GB will have the answer to my prayers.
And, viola! I found, in the tiny corner of GB5 a tiny little French bakeshop
— Tous les Jours —-
at closed na din sya. Nakita ko na nasa loob pa ang staff. Kaway kaway ako, and one of the nice bakery people came out: “Ma’am, closed na po.” — parang hindi pa obvious sa sign sa labas ng door.
Kulang na lang lumuhod ako: “Miss, please naman, bibili lang ako ng cake. Please please please?!” habang nakikita kong nagsasara na ang kahera nila…
Sales girl: “Sorry po ma’am, nagtago na kami ng paninda, tomorrow na lang if you like.” (taglish — authentic French bakery nga.)
S: “PLEEAASE?!!! Last hope ko na kayo! Birthday ng mom ko, I really need a nice cake.” Nakapasok na yun ulo ko sa glassdoor…
Biglang may naramdaman ako na presence sa likod ko. It was some foreigner person at humirit pa “I think they’re closed hon.” YA THINK?!!
Nagconsult consult pa si ate sa loob with the cashier and other bakery peeps. Maya maya: “Ma’am, cake lang ha?!”
S: “YES! YES!”
Sales girl: “Sige ma’am, pasok na po kayo, pili na lang po.”
HAAAAALLLELUJAH!!!
Ang lintik na foreigner person, aba, sumabay sa pagpasok ko, at nag hanap ng fresh croissant! Ambisyoso ampuuu… Pinalayas na lang sya nila ate dahil obviously wala na…
I finally got to pick a nice chocolate cake. They packed it with candles and a plastic knife to boot. Sabi ko sa kanila, sobrang life saver nila — I would never have heard the end of it from my brothers if I did not come home with a cake.
Ngayon, favorite ko nang bakeshop ang Tous les Jours, a French bakery founded in Korea apparently. Masarap ang breads, and hindi sobrang tamis ng chocolate cake nila — tapos ang cute pa ng cake decors. Most importantly, mababait and helpful ang staff. Merci beaucoup! KAMSAHAMNIDA!
The super nice staff people who helped me. Thanks mga ate!
I love tous les jours!!! In fairness yummy ang mga cake nila pati ang bread! Good choice, S! 🙂
Hi Sha! Yeah super ok tous les jours! We must dessert soon!
I can only imagine the yumminess of the cake. But but but.. asan ang picture ng cake? Malamang wala na 😐 Nakakagutom lang, ang aga aga, tungkol sa cake agad nabasa ko 🙂
shuuuuucks! Alam ko meron akong photo nyan eh…wait wait…i’ll try and upload
Mam! Ako po yung nasa left! Haha. =)))) Mam next time dapat agahan nyo na or tawag na kayo samin. Pinakita ko po sa iba naming staff tong blog post. Sabi ko basahin nila tong blog. 🙂 Thanksssss pooooooo :”>
Si S ay kasalukuyang nangangampanya para sa ikukubuti ng bayan (char!). Hi, friends!!!! 🙂
Ate! Nakuuuu sorry now ko lang ‘to nakita… nakabalik na naman ako nang hindi pa closing time… I bought cakes for friends of Sen. Sonny Angara actually during the campaign — bilang nag-errand girl din ako nung kampanya… thanks again mga ate!
Iba ang charm mo, S. And yes, “if you like”, soshal ang place nga, tumataglish ang staff. 🙂
haha, sobrang tuwa ko sa kanila i actually promised i’d write about them and gave them the website for TSN. ewan ko lang kung tinignan na nila… 😉