Who Are The People In Our Neighborhood
Ipinapakilala, sa mapangahas niyang pagganap bilang “Ang Babaeng Walang Pahinga”…Ladies and gentlemen, si Nene.
Ayos sa pose diba?! Killer smile.
Si Nene ang ever-reliable naming kasama sa bahay. Masipag yan…kapag nasa mood. Hehe. Matagal na nagtatrabaho sa amin si Nene. May 7 years na ata. Kaya parang nakababatang kapatid na ang turing ko sa kanya.
Parati ko nga sinasabi kay Mother Earth na pag-aaralin ko si Nene para makatapos ng highschool. Nakakapanghinayang naman kasi dahil ang taas talaga ng I.Q. nyan at ang dali pumick-up, promise! Yan ang kasambahay na sure akong di mabubudol-budol gang. If anything, baka siya pa ang una makagoyo.
All around si Nene — Kasama sa bahay/secretary/cable girl/bodyguard/fashion consultant/photographer/IT. Kaya niya mag-lampaso, mag-luto at mag-hugas ng pinggan LAHAT HABANG NAG-FE-FACEBOOK! San ka?! Hindi nauubusan ng hashtag at every 15 minutes ata may status update ang lola.
Sobrang nakakatuwa kasama yan kaya sa halos lahat ng event, parati naming sidekick si Nene.
At di lang yan. Certified party goer din ang Nene. Noong isang gabi nga, bandang alas-9:30 na, biglang nagpaalam ang Nene. May birthday swimming party daw siyang pupuntahan. Dun lang naman sa BaCav kaya pinayagan na rin namin on the condition na di siya masyado magpapa-late dahil may lakad sina Mother Earth nang maaga.
Pagdating niya sa party, disappointed ang Nene. Wala man lang daw handa yung may birthday kahit chicharon o mani. Sa bagay, “swimming” party lang naman ang sinabi. Di naman sinabing may “eating” involved.
Sa pagkawalang-gana, sinulit na lang ni Nene ang pool at bandang 1am, nagpasyang uuwi na siya. Tamang-tama, may mag-jowang uuwi na rin at may motor. Makiki-angkas na lang si Nene hanggang sakayan.
Habang nakaupo si Nene sa dulo ng motor, napadaan sila sa malubak na daan. Bog. Bog. Bog. Brrrrt. Bog. BOOOG! Ayun! Nag-ala-IBONG ADARNA ang Nene at lumipad sa gitna ng kalsada!!!
Plakda. Subsob sa lupa.
Sa tulin ng takbo ng driver, huli na nang ma-realize niyang may tumalsik na siyang pasahero. Agad nilang binalikan si Nene. Nang mahimasmasan itong si Darna, ang una daw sumakit sa kanya ay ang bukol sa noo, pati sugat sa tuhod, sa siko at kung saan-saan pa. Ilang sandali, may nakita siyang tumutulong dugo mula sa bibig niya. Nang kapain niya, “Naku, pumutok pala ang labi ko.”
But wait, that’s not all! Pagkita sa kanya ng driver, napasigaw ito ng “PUTOL!” Ang alin? Ang alin?!
Patay kang bata ka!
Nene: Thanggap ko pho ang bhukol at mga thugat.
Pero itho phong ngipin ko, thi ko pho mathathanggap.
P: Susubukan na lang natin ipa-jacket yan sa dentista.
Nakakapanghinayang naman mag-pustiso kung iisang ngipin lang diba?
Mother Earth: Aba, pumarty ka ulit!!!
Dagdagan mo ang bungi para sulit ang pustiso!
Aray! Na-boljak pa ni mudra.
Ang natutunan ni Nene:
- Wag panindigan ang katagang “KILLER SMILE”.
- Dalawa lang ang gulong ng motor kaya wag maki-3rd wheel.
- Wag masyado ternuhan ang ka-loveteam. (Checkout WATPION: Sprite)
We still love you, Nene! Papaayos natin yang ngipin mo, promise! Muling babalik ang alindog mo. Pangako mo lang na NEVER ka nang magbubuwis-buhay ha. J
Aguy. Grabeeeeee. Halakhak to the max ang peg ko! Kalurkey ang nangyari kay Nene! Narealize ko tuloy na, mahirap tumawa talaga ng tahimik. yung tawang tawa ka na ng bonggang bongga. Hahahahaha
Kawawa naman si Nene. Haha. Sabay tawa , ano?
Pwede pa yan ipa-laser nlng. Dudugtungan lng ng prang ipin din. Mas mura sa pustiso at jacket. Pag jacket kasi iba yung color sa original na tooth, minsan nalalaglag pa. After that, pwede na sya ulit umangkas sa motor kung gusto niyang mabungi ulit.
Aray ko po! Kawawang Nene! Sayang ang “killer” smile. 🙂
Kawawa naman si Nene! Pero natawa ako when I saw her ka-loveteam “Sprite” 🙂