Originally posted on January 23, 2013.
Ops ops ops…hindi yang Coco na yan. Itong Coco na ‘to.
3-year old Maltese si Coco na ang amo ay si Atekupungsingsing. Cute niya noh? Cute nga. Cute tirisin. Matapos kasi namin siya ipa-groom sa MOA last Friday, as in kinalbo ang malago ngunit buhol-buhol niyang buhok, ganito na ang itsura niya.
Medyo cute pa rin naman…cute na ASKAL nga lang. Na-realize niya siguro ang itsura niya kaya paglabas namin ng Pet Express, may sumpong na siya. Parang tao lang na kapag nilagasan ng “crowning glory”, tinotopak. Understandable. Ang concern namin that time, baka ginawin. Kaya dumaan kami sa isang shop para bilhan siya ng jacket. Habang sinusukatan ko ang aso…
Grrrr….grrrr…RUFF!!! ARAY!!! Kinagat niya ko!!!
Maliit lang naman kaya di ko na sana iintindihin. Besides, malamang kumpleto naman sa shots si Coco. Agad namin chineck ang vaccination record ni Coco na tiyempo namang dala ni Atekupungsingsing…only to find out na naka-skip pala siya ng rabies shot.
Mangiyak-ngiyak na ko. Kasama ko nun si N (si boyfriend…Yiheee!), super concerned ang lolo mo at ayaw pumayag na hindi ako magpa-inject. Kaya agad-agad niya akong tinakbo sa RITM (Research Institute for Tropical Medicine) kung saan nagsspecialize sila sa dog bites. Dun daw kasi, sure na may treatment for me, sabi ni N.
On our way to Alabang, habang nasa koche…inatake ako ng ka-OA-an.
P: N, ganito pala ito. Parang pumipintig yung sugat at parang ang dami kong nararamdaman.
N: Relax ka lang. Wait lang, P ha. Kailangan ko lang magpahangin sa gas station.
(Andaming tao sa gas station kaya umabot na hanggang kalsada ang pila ng mga koche)
P: Shet, nauuhaw ako, N! Diba sintomas yun ng mga nagkaka-rabies!
Nauuhaw ako! Kailangan ko ng tubig!!! (Sabay baba ng koche)
N: Teka, P! Nasa gitna tayo ng kalsada! ‘Wag ka na muna magpanic please.
Pasensya na. Na-ajit lang. Pagdating sa RITM, hinarang kami ng guard.
N: Boss, nakagat ng aso yung kasama ko.
Guard: Saan nakagat?
(DOKTOR LANG ANG PEG?! Guard ka diba?!)
N: Sa kamay.
Guard: Ah…ewan ko kung meron dyan sa E.R. Try niyo na lang.
At bakit naman mawawalan aber?! Antipatikong guard ‘to!
Pagdating sa ER…
P: Nurse, nakagat po ako ng aso.
Nurse: Saan?
P: Dito po sa kamay.
Nurse: Ay, walang magti-treat sayo ngayon.
Mon-Fri lang ang dog bite treatment dito at wala pag gabi.
HUH?! E bakit may ER pa kayo?! Wala naman palang kwenta!
Nurse: Ano na po ginawa niyo dyan?
P: Hand sanitizer pa lang po.
Nurse: Naku, kailangan hugasan mo yan ng tubig at sabon…
P: Ah ganun po ba … … …
(hinihintay kong paghugasin niya ako sa ER pero deadma)
Ate, baka po pwede ako makihugas.
Nurse: Ah, o sige. (Na para pang naiinis)
JUSME!!! Ano ba namang institusyon ito!!! So fly na kami ni N sa Ospital ng Muntinlupa. Dun kasi nagtatrabaho si Dra. L, very close friend ko form highschool. BUTI NA LANG! Nirefer niya ako kay Dr. Tyrone na inasikaso ako nang bonggang bongga! And by “bonggang bongga”, I mean sandamakmak na gamot ang tinurok niya sakin. Meron sa braso, 2 sa kanang balikat, 2 sa kaliwang balikat at isa sa hita. Muntik ko na masuntok si Doc Tyrone. Buti na lang magaling siya umilag.
(Thanks super, Dra. L at Tyrone!!! Sumunod si Mother Earth dahil panic-era din siya. And for that, nag-pictorial pa kami. Thanks, Papa N for worrying…and documenting. Hehe. <3)
Pag-uwi ko, stressed na stressed ako dahil pakiramdam ko pinagpraktisan ng embroidery ang balat ko. Naupo ako sa sofa. Tumabi sa akin si Atekupungsingsing. Biglang umiyak. Naawa naman ako. Siguro nagsisisi si Ate kasi hinayaan niyang kagatin ako ng aso niya. Siguro nakokonsensya siya. Siguro sobrang concerned siya sakin.
Ate: P…
P: Ate, tahan na. Bakit ka ba umiiyak?
Ate: P… P… mamamatay ba si Coco?
Siyempre si Coco ang concern niya divah?! Kalurkey!
P: Hindi, Ate! Hindi mamamatay ang aso mo.
Mauuna pa ‘ko! Hindi sa rabies kundi sa imbyerna! 😛
P.S. Credits to our avid reader, Eric, for the title. BTW,
may Maltese din sila ng gorgeous wifey niya na si Pets. Just wanted to share. 🙂
Yung kagabi ko lang natuklasan ang instagram at super basa ako ng blog simula 2013 post pa.. Ang havey grabe. 🙂
Hahaha. Kulit.
I love it!! xoxo Pets
Labyu rin, Pets! May new readers na kami dahil sa fb post mo. Salamatsss from the TSN Girls!
lab na lab ko talaga ang post na ito!!! yiippeeeee may jowawers na si p!!!! isang masigabong palakpakan.!!! di kaya kinagat mo si n at naulol sya sa iyo??? jowks jowks jowks!!!
lovelynn
Naku, achi. Nag-joke na siya nang ganyan sakin…
P: N, mauulol na ba ‘ko?
N: Hindi yan, P. Pero ok lang naman kahit mabaliw ka. Kasi ako, baliw na rin…sa’yo.
ANG KORNIKS!!! Pero bumenta sa’kin, i’m sorry. 😉
eh ganyan talaga ang inlababo….kahit anong kakornihan, bentang benta ang sales!!!! seriously, i am happy for you cams, take care, and hope to see you soon again =)
I love you talaga P! Haba na hair ng lola mo, me knight in shimmering armor na. So happy for your lovelife!
Yun oh! hahahahaha!
“Shimmering” talaga?! Naiimagine ko tuloy may glitters at sequins pang involved. Aylavet! Thanks, Araceli! 😉
Hahaha! Ang kulit mo, P!
Pero natawa ako sa itsura ni Coco after magupitan, ayan, bawing bawi ka. Hehehe. Pero sabi nila wag daw bibiruin ang mga dogs after makalbo kasi bumababa ang self esteem nila. Yiz! Me ganon daw. Char!
Naku P, wag ka papakalbo… baka bumaba din self-esteem mo bwahahahaha! Bowowowowow!
Chenchitib naman pala ang mga asong ganyan. Yung mga askal sa kalsada, puro galis na, wapakels!!! Haha! Hoy D, sa kapal ng mukha ko, kahit ata ahitin pati kilay ko, di bababa self-esteem ko. At sure ako na the same can be said about you. Jinglish yan. Duguin tayo! 😛
So… Buhay pa ba si Coco? :p
Buhay pa naman…babalitaan ko kayo sa 14th day. Dun daw magkakaalaman e. Please pray na wag pa ko maulol…further. 😛
Bat naging ganun balahibo ni Coco? Talaga bang before yun ng kagat sa’yo? Or after na? Hehe. Char.
Infer, sarap magkasakit basta may boyfie na kasama ano? Padamsel in distress. Haha!
Bwahahaha! Corrected by! Kung si Coco nakalbo, ako ang haba naman ng hairlalu! 😉