Originally posted on October 16, 2012.
Sabi ng friends ko, ang unang impression nila sa akin ay mataray, masungit at unapproachable. May mga nagsabi din na mukha akong bobo at tambay. Pero mabalik tayo sa unapproachable dahil di ako agree dito. For some reason, gustong gusto ako kuwentuhan ng mga taong di ko kilala.
Like one time, may inaasikaso ako sa DFA para sa boss ko. Pagbaba ko sa old DFA office, nag-inquire ako sa isang babaeng nagbebenta ng passport cover kung saan ang authentication division. May umentrang mama at sinabing papunta sya din dun. Si manong ay mukha namang mabait kaya sumabay ako maglakad sa kanya. Sa kabilang street lang yung building pero sa 10 minutes na paglalakad namin nalaman ko na ito tungkol sa kanya:
Isa siyang engineer ng barko. Nagtrabaho sya sa Saudi pero nagexpire na ang 2 year contract nya. Nakatanggap siya ng bagong trabaho sa isang barko kaya magpapa-authenticate sya ng passport. Nakatira sya sa Bulacan. Dalawang araw na sya sa Maynila para asikasuhin ang mga papeles nya. Sa may riles sa San Andres Bukid siya nakikitira sa kasalukuyan sa bahay ng pinsan niya. Sa araw na iyon ma-rerelease ang red-ribboned passport nya at ang next step nya ay kumuha ng NBI clearance. Nagbigay din sya ng opinyon sa mas maayos na systema ng DFA. May accredited liaison/travel agencies na puwede mag-asikaso ng passport renewal at application kaya’t nawalan na ng negosyo ang mga fixer.
O di ba, handami niyang nasabi? Pero sobrang tuwang-tuwa ako kay Manong Engineer. Binalikan pa niya ako sa receiving section para tingnan kung naayos ko na papers ko. Sana magkita tayo ulit manong! Kuwentuhan ulit tayo!
Pagkatapos ko sa DFA, sumakay ako ng taxi pabalik ng office. Si Raffy Tulfo ang pinakikinggan ni Manong Taxi Driver sa radyo. Nag-comment si Manong Driver na dahil kay Raffy Tulfo nabawasan ang pangongotong. At dun na nagsimula ang litanya.
Ang taxi driver daw at pulis ay pareho.
Parehong nandadaya, ang taxi driver nandadaya sa metro habang ang pulis ay nangongotong. Ito daw ay dahil dalawa ang pamilya nila. Sa dami daw ng pinapakain nila di nagkakasya ang suweldo kaya’t kinailangan mangotong o mandaya ng metro. Nagpapasalamat lang sya sa Diyos dahil pinalaki siya ng mga magulang niya ng maayos. Pinalaki siya na may paniniwala sa Diyos at umiwas sa masama. Sa labing-pitong taon na siya ay isang driver, nakabili na sya ng sariling bahay at lupa at ang tatlo nyang anak ay naka-graduate na ng college. Pinapatigil na sya mag-taxi ng kanyang mga anak dahil delikado daw at madami ng pinapatay dahil sa pang-hoholdap. Pero ayaw nya tumigil dahil apat na taon ng patay ang misis nya. Wala syang magawa sa bahay. Ang pag-tataxi nalang ang libang nya at ito rin ang exercise nya araw-araw. Nagpapasalamat din siya kay Raffy Tulfo sa tulong na naibigay niya sa mga taxi driver na tulad niya.
Disclaimer: ang naka-saad sa taas ay mula sa Manong Taxi Driver.
Hindi ito pananaw ng sumulat ng blog entry na ito.
#ayokopomakulong #iwascybercrime
In fairness kay Manong Taxi Driver, isa siyang bayani. Nakaka-inspire siya. 🙂
Kay Manong Engineer at Manong Taxi Driver di ako masyadong nagsasalita at nakikinig lang. Kaya di rin niyo masasabing ine-encourage ko sila magkuwento. Meron lang ata talaga akong aura.
At ang aura na ito ay umabot sa Hong Kong. Nung nasa MTR ako, inoffer ko ang seat ko sa isang matanda. Nagpasalamat siya. Malayo ang pupuntahan namin nun kaya matagal din ako nakatayo.
Tapos may isang matandang Chinese na babae na nakaupo sa likod ko. Kinalabit nya ako. Paglingon ko, nakangiti siya at sinesenyasan niya ako na umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Ang bait ni lola, nakakatuwa. Ngumiti ako sa kanya at nag-Thank You. Nakaka-gaan ng loob si lola kasi palaging nakangiti at tingin ng tingin sa akin. Hanggang sa hindi na ata niya matiis, kinuwentuhan ako ni Lola…. in Chinese! Mukha lang akong Chinese pero hindi talaga ako marunong mag-Chinese! Ang alam ko lang ay yat, yee, sam, say, mm, lok, chat, baht, gow, sap (Cantonese ng 1 to 10) at mga Chinese phrases na hindi dapat matutunan ng mga bata. Hindi ako maka-hirit, di ko rin siya mapahinto. Tuloy-tuloy si lola.
chim cham chui chok chik loi wakawaka
Chiri wong tong choi
Toro kong tong loy
Chidang bo bochichang chiri kong nong nang
Kinukuwento niya ata kung saan siya nanggaling at kung saan siya papunta. Pero puwede ding minumura na pala niya ako, ewan ko lang. Or baka naman gusto niya akong maging heredera? Sayang! Pero ang cute ni lola suuper. Kahawig niya talaga yung cartoon sa itaas.
Ano bang meron sa akin?? Malaki ba tenga ko? Mukha ba akong matiyagang makinig? Kamukha ko ba ang mga Abogado ng Bayan?
Meron ba sa noo kong nakasulat “kuwentuhan niyo ko?”
Nakakaaliw din naman ang mga kuwento ng mga tao sa akin. Maliban nalang kay Lola na wala akong magawa kung hindi ngumiti. At least, kinukuwentuhan lang nila ako, at di binebentahan ng kung anu-ano, di ba?
(pics from google images)
Approachable ka naman talaga, D! Remember unang usap palang natin parang long lost friend na agad ang drama natin! Hahaha!
Super nice mo kasi, walang halong eklavoo yan! 🙂
Naaaks! Kasi nag-usap na tayo sa FB before tayo mag-meet noh 🙂
hahaha, dapat kinuwentuhan mo din sila!!!
sobrang funny!