Originally posted on February 13, 2013.
Misibis Bay is being promoted as your Luxury Island Playground. Why? Kasi they offer a wide range of activities such as kayak, banana boat ride, stand-up paddle surfing, jet ski, indtroductory dive and scuba diving. They also have land activities and casino. They offer special tours as well like City Tour, ATV Tour to Lava Wall, Whaleshark Interaction Tour and Chopper Tour. You can check out the list of activities here.
Note the word “luxury.” Hindi lahat ng activities ay libre. In fact, mejo pricey siya. So, we just tried the Free-Of-Charge (FOC) Activities included in our package. Mas masaya ang libre!
Ano ang libre sa Misibis??
1. Water Trampoline
Caveat:
Hassle siya sa may madaming fats sa katawan.
2. Hobie Cat Sailing
Caveat:
Kahit anong sabihin ng sailor, mababasa ka!
Kulang nalang may isdang lumabas sa bibig mo.
Super fun siya though!
3. Wind Surfing
Meet Mr. Persistence.
Nakabalik na kami from Hobie Cat Sailing and all, nag-aattempt pa rin siya mag wind surf. Peace! 🙂
4. Poolside Cocktails
Inuman with Videoke or Rockeoke.
Libre ang kantahan, pero ang drinks, hindi ha!
5. Zip Line at the Eco-Energy Park
Buwis Buhay Experience.
Hindi naman ako scaredy cat, I think. But at the same time, hindi ako gumagastos para sa mga buwis buhay activities like bungee jumping and zip line. Ayoko magbayad para magpakamatay noh!
I tried the Eco-Energy Park Zip Line dahil una libre, pangalawaparang exciting at pangatlo mukhang hindi naman super taas.
Brave ang peg ko until nasa taas na kami ng tower. Lahat na ng morbid thoughts pumasok sa utak ko. “Bakit ko ba ginagawa ‘to?” “May anak na ako!” “Ayokong maging pangit ma-dedz!”
Nung turn ko na sa Zip Line, ayoko na. Palpitation to the max.
D: Kuya, may namatay na ba diyan or nasaktan?
K: Sa tagal ko dito Ma’am, wala pa naman.
D: Gano ka katagal dito? Kahapon?!?!?!?
Back-out na talaga. Di ko na kaya mehn!
K: Ma’am, try mo lang yung feel ng harness. Comfortable siya pagnakakabit ka na.
D: Okay (with nginig sa voice).
K: Ayan Ma’am, try mo umupo.
D: Ayoko…
K: Di kita bibitawan Ma’am. Hawakan lang kita hanggang sabihin mong okay ka na.
D: (Upo)
K: Nakaupo ka na Ma’am, di ba? Okay ka naman?
D: Okay naman.
K: Okay… Ayan na Ma’am… (sabay tulak)
Pakshet ka Kuya!!!!!
Sinabi ko “okay naman ako.”
Di ko sinabing “okay, itulak mo ko!”
Anyway, yan ang mga FOC activities na we tried. I wasn’t able to take pictures of the other activities eh pero madami talagang puwedeng gawin sa Misibis Bay…. At ang pinaka-libre at pinaka-masayang gawin sa Misibis Bay… at kung saan pa mang beach ay:
Naks! Ako din takot ako sumakay sa mga ganyan. Natry ko naman sumakay ng zipline once pero halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko! Hahaha!
mababa lang actually yung zipline na ‘to pero first time kaya grabe ang feeling haha! Ayaw ko nga sumakay ng tsubibo eh!
natawa ko sa “kelan ka pa dito, kahapon?!” hahaha
Dineadma ako in Kuya!!! Tingin ko talaga, isang araw palang sya dun!!
Thanks, Olenski! 🙂
ganda ng jump shot, perfect! =)
Nyahaha! naalala ko ng mag zipline ako sa Davao, 2008 pa yata. parang naiwan kaluluwa ko sa kabilang dulo. 😀
P.S. di ko na siya inulit at uulitin. 😀
hahaha! literal na ganun yung feeling noh?!?! tingin ko kaya ko pa siyang ulitin… pero ewan ko lang kung kaya ko ng walang tulak 🙂
hindi halata sa picture na takot ka sa zipline in fact super obvious sa face mo heheheh:):)
Tulakin ka ba naman bigla! My gulay, naiwan ata yung utak ko sa tower.
Buhay pa ba si Kuya, D?!?!
Dinakdakan ko si Kuya pagkatapos noh! Sabi ko kung namatay ako nun, sisiguraduhin kong may kasama siya sa tower palagi at ako yun!