Nag-plano ang office namin ng trip to Misibis Bay, Cagraray Island. Super toxic sa work the week before kaya di ako prepared. Hindi rin Misibis worthy ang body ko at wala na akong swimsuit na kaya ng kahihiyan kong isuot. Nagpapanic na ako sa pag-impake at paghanap ng damit sa closet nang dumating ang Mommy… “May rash guard ako, you want?” Hala! Surfer ka muther? May rash guard ang nanay ko?!?!? Vakwet?!?!? Award, salamat mother at masusuot na ako sa beach!
8:30 am ang flight papuntang Misibis. Maliit lang ang eroplano pero ang galing.. walang turbulence. Mga 9:30, nag-aanounce na ang pilot:
We have begun our descent to Legazpi Airport, and we will be landing shortly….
On behalf of Captain…… and cabin crew, thank you for flying with us.
Yez, Misibis, here we come! Kaso mga 20 minutes ng nakalipas, hindi pa rin kami nag-land. Napansin din namin na paikot-ikot lang ang eroplano. Nag-left tapos nag-left ulit..parang walang katapusan. Mga ilang minuto pang paikot-ikot, may announcement ulit si kapitan:
Due to zero visibility, we cannot land at Legazpi Airport.
Unfortunately also, due to low fuel, we have to fly back to Manila.
We are sorry for the inconvenience.
Anak ng!!! Ano yun?!?!
Ang ingay na ng madlang people. Wala namang violent reaction dahil naintindihan naman namin bakit hindi maka-land. Parang ang dami ngang ulap. Pero hindi namin alam kung ano mangyayari. Rescheduled ba ang flight or cancelled na? May refund ba? Kelangan ba namin pumasok sa office pagbalik ng Manila? (Siyempre kasama yun sa concerns namin). Habang nagkakagulo, nag-joke pa ako ng:
“Babalik lang daw tayo ng Manila sandali, magpapagas sa Petron.”
Haay! Nag-plano na lang kami ng kuwento ng officemates ko. Kunwari natuloy kami sa Misibis para di naman nakakahiya sa mga nakakaalam na kliyente na kinansela ang mga meeting. Naghanda na rin kami ng mga beach photos namin…
O di ba parang nasa Misibis lang?? Salamat La Isla magazine!
Pag-land namin sa NAIA 3, may announcement ulit ang pilot:
Please do not leave the plane while we refuel.
We will leave for Legazpi in a short while.
Pak na pak! So, tama ako… magpapa-gas nga lang pala kami at babalik ng Legazpi. At hulaan niyo kung saan kami nagpa-gas?!?!?
PETRON!!! BWAHAHAHAHA!
–
–
“Choose to look on the bright side of life.”
hahaha ayosss. XD nice travel journey. gusto ko talaga ung sa magazine eh haha
This post brightened up my Monday! Nakakatuwa kung paano niyo nagawang entertaining ang isang pangyayaring puede ikabugnot ng karamihan.
Dami kong tawa dito a. winner and picture mo, hindi na kelangan ng photoshop!
haha, mukhang tanga ang picture pero my officemate insisted that I post it kasi pinaghirapan namin kunin yun sa plane 🙂 haha!
they use Jet A1 fuel, a high octane level kerosene…..pang luto din, hehe!
Ay aviation gas yan, hindi ordinary fuel!
Ay sorry po, eh kasi Petron eh hahaha!
mas nakakatakot siguro kung nakita nyo na LPG ang ginagamit ng airphil…parang converted na taxi lang, haha! : )
bwahahaha, oo nga!
Naloka naman ako dun sa tanker ng Petron. Don’t tell me na sila talaga ang nag-sponsor ng fuel ng eroplano! Lol!
Yup, petron talaga 🙂 promise!!! yun lang, di ko alam kung pano nilagyan ng fuel ang plane. Baka parang koche lang, may gas boy din haha!
bwahahahahaahahahahahahahahh! winner ang petron!!! syet! ang sakit sa balakang!
Now ko lang nalaman na Petron din pala nagsusupply sa planes hehe 🙂
Hahahahahahahahaha! May Petron Fleet Card kaya sila at sa Manila lang ino-honor? Ask mo pudra mo D, alam niya yang kalakaran sa fleet card bilang kawal din siya dati. Hahahaha! Laugh trip. 🙂
Bebengisms
Shet, ang laki siguro ng limit ng fleet card nila haha!
Kaya nga siya bumalik sa Manila kasi sa Manila lang inohonor ‘yung Fleet Card.
Award talaga, D!
Pero pinaka award ang picture mo na may background ng Misibis bay 🙂
Mukhang tanga haha! bored na kasi kami talaga sa erflen 🙂
Soshal talaga MISIBIS!
Haha, sagot naman ng office. 🙂