Originally posted on August 7, 2012.
Opposites attract. Yan ang paniniwala ko kaya nag-iilusyon akong ang makakatuluyan ko ay maputi, matangos ang ilong, sophisticated, cultured at tahimik. Sina Mother Earth and Father Thunder ang magpapatotoo sa kasabihang yan. Si pudra ay isang engineer na galing sa conservative at religious family. Siya yung tipong mahilig manood ng National Geographic, Discovery at History Channel — tahimik, pasensyoso, praktikal at malalim mag-isip. Si mudra naman ay, base na rin sa mga previous entries ko, parang…hmm…parang…ako.
Conversations with Mudra | Conversations with Pudra | |
Language | Tagalog | English |
Mode | Joke/Mababaw | Serious |
Topics | Sino ang bagong nagsampa ng kaso kay Annabel Rama, buhay ng contestants sa Wil Time Big Time, sino ang bagong jowang puti na naiuwi ng kapitbahay naming exotic, saan nakaburol ang latest na na-tsugi sa BaCav, ano-anon’ng establishments ang nararapat patikimin ng silakbo ng aming paghihiganti pagdating sa panget na service, etc etc etc. | Life plans (short-term, medium-term, long-term) |
Kung mapapansin niyo, di karamihan ang napag-uusapan namin ni Daddy-o. Minsan kasi, masaya na kaming magkasamang nanonood ng Air Crash Investigation at Mythbusters. Kaya nag-isip ako ng paraan paano mas magiging close sa kanya. Kailangan ko ng common denominator…Books? Utang na loob. Math? MAAAS utang na loob! Aliens? San ako hahanap nun? Isip-isip… alam ko na – GOLF!!!
Tama. Favorite sport ng daddy-o ko ang golf. Ang motto nga niya ay “It never rains in the golf course.” Kaya kahit ano’ng awat ni mudra pag may low pressure area sa katimugang katagalugan, gora pa rin siya. It’s a sport. Therefore, may exercise ako kahit papano. Medyo magastos nga lang pero investment ko na rin yan. Kasi malay natin, dyan ako makakilala ng matinong lalaki na mapapangasawa.
P: Daddy, mag-aaral ako ng golf! Turuan nyo ko please. I think untapped resource of possible jowa ‘yan.
Ama: Puro matatanda ang makikilala mo dun.
P: Daddy, ang mga matatandang yan ay posibleng may mga anak na binata. Pag nagustuhan ako ng mga tatay, madali na ang mga anak. No choice ang mga bachelors unless gusto nila ma-disinherit!
Ama: Bahala ka. Pero kung yan ang objective mo, kailangan naka-magandang golf attire ka.
And the Ulirang Ama Award goes to….FATHER THUNDER!!!!
So nagsimula na ang adventure ng mag-ama. Driving range muna around 3 times a week. Career! And can I just share na contrary to what I expected, hindi siya madaling sport. Oo, mukha siyang boring and as S would put it, “I really don’t see the point of hurriedly walking around under the blaring sun going after a tiny ball so you could hit it around with a stick.” But there’s a lot more to the sport as I discovered.
Golf has its own lingo. May “splice”, “hook”, “push”, “pull”, “draw”, “fade” “banana shot”, “skulled” and the list goes on and on…(mind you, lahat yan, iba ang ibig sabihin sa pangkaraniwang kahulugan). Ang expertise ko – “butterfly” – yung hindi tinatamaan ang bola.
It requires arm-and-leg coordination pati balance. Pero hindi rin lang siya physical. Most of it is mental. Kaya every after ng practice namin, lusaw ang katawan, isip at kaluluwa ko. But all the work and gastos is worth it dahil ngayon, may common factor na kami ni Father Thunder!
Tiger Woods
Thunder Goods
Tigra Voobs
Kaso, may catch pala itong new-found closeness namin…
1. ‘Di na ko pwede manood ng hindi golf channel.
Tuwing manonood ako ng tv, mapa-sala o sa sarili kong kwarto, biglang e-enter-the-scene si Father, “May replay ng PGA Tour (o European Tour o kung ano pa mang tour meron) sa ESPN. Dapat panoorin mo mga palo nila.”
My gaaads! Nakikita kong humahagikhik sa tawa ang nanay ko habang sinasabing, “Kaw kasi e, pinasok mo ‘yan!”
2. ‘Di na ko pwede mag-shopping ng hindi pang-golf.
Namili ako ng mga sleeveless, collared shirts pang-golf. (Kasi ayoko magkaron ng virtual manggas sa braso ko.) Pinakita ko sa daddy. Smile of approval.
Bumili ako ng “ball bag” sa Nike. Medyo mahal para sa kakarampot na bag. Pero nang makita ni daddy, smile.
First time ko sa Uniqlo at may nakita akong slacks na pwedeng pang-golf. Binili ko. Nakita ni daddy, smile.
P: Dad, magaganda mga tela dun sa Uniqlo noh. Bibili ako ng maong!
Ama: Bawal ang maong sa golf course. Pang-golf na rin lang bilhin mo.
3. ‘Di ako pwede ma-late o um-absent sa office…except…alam mo na.
Under NORMAL Circumstances | Under PRESENT Circumstances |
While drinking my morning coffee…
Ama: Late ka na, P. Di ka pa ba maliligo? |
While drinking my morning coffee…
Ama: Bilisan mo na ‘yang kape mo at pumalo ka sa garden. |
P: Tinatamad ako pumasok.
Ama: Aba, hindi pwedeng ganyan. Kabago-bago mong abogada dapat nagpapakitang-gilas ka sa office. Nakakahiya sa boss mo. |
Ama: Papasok ka ba ngayon? Golf tayo.
P: May due date ako daddy e. Ama: Pwede namang half-day ka na lang. (Tumawad pa!) |
Aaminin ko, imbey ako minsan. Di ko in-expect na isang napakalaking kumunoy pala itong pinasok ko!!! But I understand that Daddy-o is just being the uber supportive dad that he is. The same way he was with my Kuya-koy nung nag-s-swimming pa siya. He pushes us to be the best in whatever it is we get ourselves into. Yan ang daddy-o ko! Atsaka bihira ata ang tatay na kukunsintihin ang paglalandi ng anak niya. Labyudadi!
Naks naman si Father Thunder oh! i soo envy you P! 😀 siguro kung hindi lang sumakabilang-BAHAY ang tatay ko, ganito rin siguro kami. hihi
ang sarap nga talaga ng may dadi na kunsintidor sa kalandian!!!! write more posts p! how nice it would be to meet parents like yours, how i wished my dad’s like your daddy-o during my younger years =)
Naku, I’m sure they’d love to meet you din. Mga chikador yun e. 🙂
“SLICE” pala. Not “Splice”. Di mapakali ang dad ko unless I point that out daw. 🙂
Waley pa so far. Weekdays pa lang ako allowed sabi ni daddy. Pag magaling-galing na raw ako, tsaka na ang maximum exposure! Hahaha!
So, naka-sight ka nga ba ng potential jowa sa golf course?
Love, love, love kunsintidor father thunder!!! Nawa’y makabingwit ka nga ng jowa sa golf course! =P