The Soshal Solution Series: All solutions provided herein are merely recommendatory. Please be guided accordingly.
Nangyari na ang matagal mo nang ipinagdarasal! Ang araw-araw mong pag-o-OOTD, pagboblower at pagpapabango has finally paid off! Pinansin ka na ng long-time crush mo sa office at in-ask out ka niya on your very first date. Diziz really izit! Syempre, sinukat mo lahat ng laman ng closet mo to find the perfect outfit. You made sure na maayos ang hair and make-up mo without appearing na masyado kang naghanda at atat na atat. And finally, sinundo ka na niya sa bahay…
Simula pa lang ng date, pinakitaan ka na ni Mr. Dreamboy. He was the perfect gentleman dahil pinagbuksan ka pa niya ng car door. Ikaw naman, feeling Princess Diana na swabeng sumakay, making sure na hindi ka mauuntog kasi wa-poise yun.
Syempre eto ang Dreamboy ko…
Dreamboy: Where do you want to have dinner?
Ikaw: Uhmmm…ikaw na bahala. (Pa-cute amp!)
Dreamboy: Let’s go na lang to Greenbelt.
Dun na lang tayo pumili ng resto.
Baka may bigla kang craving.
Ikaw: Ok. (Sabay hawi sa hair. Wagas ang kakirihan!)
Hindi pa kayo nakakalabas ng village niyo, may naramdaman ka nang kakaiba. You weren’t your normal self. You felt uneasy and restless. Yun pala, nauutot ka.
OMG! Napaka-wrong timing! Kulob na kulob pa naman ang koche at dadalawa lang kayo dun. Paano mo maikukubli ang mabaho at malagim mong baon???
Here are some suggestions…
THE INSULT
Bago siya tuluyang ma-turn off sa’yo. Unahan mo muna siya ng pang-iinsulto para maging defensive siya.
Laitin mo na mainit yung aircon ng koche niya.
An abaniko will come very handy sa mga eksenang ganito.
Buksan mo ang bintana ng sasakyan.
Haaay, FRESH AIR!!! Yan ang pangontra sa BAD AIR mo! Pasok na sa banga!
THE RAVE
May mga utot na malakas lamang ang tunog pero alam mong walang amoy. Kung ang nakakadiring tunog lang ang concern mo, maari mo itong gawin.
Itodo ang volume sa radio at
magpanggap na ang music na pinapatugtog is “your jam”.
Makakalusot ka na niyan for sure!!!
Unless… AM pala ang pinakikinggan niyo.
THE SEAL
Kung may utot na matunog pero walang amoy, meron din namang “Silent but Deadly” kind. Yun yung walang ka-tunog tunog pero gugustuhin ni Dreamboy maglaslas ng pulso pag nasagap ng ilong niya. Ito ang dapat gawin.
Idiin ang pwet sa upuan. Gamitin ang mga kamay kung kinakailangan to create a tight seal.
Pagkatandaan na gawa sa foam ang upuan; and the same way na nag-aabsorb ang foam ng tubig, hopefully, ma-absorb din nito ang smell waves mo. Hold your position hanggang makarating sa destination. Oras na bumaba siya sa car, release.
Warning: Hindi gagana ang move na ito kung leather ang seatcover. Hindi siya odor-absorbent. Refer to the other moves.
THE PRAYER
Magdasal ka na mapadaan kayo sa Roxas Boulevard, along Manila Bay. Dun kasi, amoy mo pa rin ang maantot na simoy ng hangin kahit naka-aircon ka.
Sisihin ang pollution.
The same principle applies kung may madaanan kayong truck ng basura.
Ito ang tinatawag ng DIVINE INTERVENTION.
THE FALCETO
Kung nagulumihanan ka na at wala ka nang maisip na paraan, at kailangan mo na talaga siya ilabas sa iyong sistema, I suggest na ipitin mo nang maigi ang dadaluyan ng masamang hangin. Muscle control ang kailangan. This way, may tendency na mag-tunog high-pitch na pito (whistle) ang utot mo. Ang downside lang, mas tatagal ang tunog nito…pero mas cute.
After the final “note”, lingunin mo na lang si Dreamboy to see if buhay pa siya.
Thereafter, itaas ang dalawang daliri into a “peace sign” sabay sabing, “Ang cute noh?”
Hopefully, may sense of humor si Mr. Dreamboy at matawa na lang siya. HOPEFULLY.
THE LONGGANISA
Napansin mo bang pagkatapos mo kumain ng longganisa for breakfast, ang dighay at utot mo HOURS AFTER ay reminiscent of the meat, garlic at preservatives ng agahan mo, with a hint of suka on the side? Yan ang principle behind this move.
Ilabas mo na lang nang walang pagdududa ang nasasaloob mong bad air. Pero this time, sabayan mo ng pagbuka ng bibig as if dumidighay. Mas katanggap tanggap naman kasi yung “burp” kesa “utot” diba?
Ang issue ngayon, yung amoy.
Dreamboy: What was that???
Ikaw: Uhmmm…that was me burping.
Dreamboy: Pero bakit ambaho???
Ikaw: I had tae kasi for lunch e. 🙂
Sabay smile.
Hindi namin ginagarantiya na effective ang aming suggestions. Pero try niyo lang, wala namang mawawala e. Baka sakali makalusot. 😉
But if all else fails, at least you made an impression. Not a good one, but an impression nonetheless. I doubt makakalimutan ka pa niya after that date. Let’s just hope hindi siya “smell and tell” kind of guy.
HAHAHAHA naluha ako sa kakatawa…bravo Ms. P!!! swak na swak ang mga solutions mo and the pictures – res ipsa loquitur talaga….
grabe, ang salaula pero nautot ako kakatawa!
I know your dreamboy! Will be sharing this and tagging him, just for laughs!
Sobrang nakakaaliw! 🙂
Andami kong tawa dito! Winner ka talaga P! You made my day. I even shared this post to my team mates! =D
Naku, salamat sa pag-share! Sana natuwa din sina team mates! 🙂
At naaliw ako ng sobra lalo na kay Papa N! Akalain mong pumayag na maging mowdel. 😀
Napilitan ang lolo mo. That’s L.O.V.E.! Sabi ko nga ako na manager niya kung sakali ma-discover siya e. Haha!
Dami kong tawa dito.. Iba ka Tlaga mS.P taas kamay at paa ko sayo.. ^^
Sama mo na pati PUSOD!!! Bwahahaha! 🙂
Kudos to N sa pagpayag niyang magmodel for this post! Pag-ibig talaga yaaaaan! Shet. 😉
Launching ng kanyang acting career! 🙂
Kakaloka! Dami kong tawa! Winner si Papa N, siya na kaya ang susunod sa yapak ni Nora at Vilma? :p
Nora at Vilma talaga ha?! Hindi man lang Christopher de Leon?!?! Hahaha!
Winner ang expression ni N dun sa falceto! :))
I tried to make it “authentic” e. JOKE! Baka di na kami umabot sa 8th monthsery kung nagkataon! Haha
Tomooh! At kung mapalagpas ni Dreamboy ang first date fiasco na yun, I think for keeps na sya. 🙂
Hopefully hindi din siya ‘forgive and forget’ kind of guy. Forgive ka today, forget ka na tomorrow… Buh-bye! :p