“I just want to be protected. I just want my children to be protected. Yun lang masasabi ko.” — Claudine Barretto in an interview with ABS-CBN News
Siguro nga she wants to be protected kasi nag-file siya ng Temporary PROTECTION Order. Pero di tayo sure dun. Baka lang…
Ito naman ang bwelta ni Raymart sa mga paratang sa kanya ng pananakit –
“It is not true that I’ve abused the mother of my kids in any way. As a father, I will never do anything that would harm my kids. I’ve never lifted a hand against any of them.” Dinugtungan pa ni Raymart ng “These people could also prove that [Barretto] is capable of making up stories.” Inquirer Entertainment
In short, imbentor daw si Claudine. Actually, bilang babae, gusto ko sana maki-simpatya kay Claudine. Kaso lang, parang wala pa akong sapat na basis para mag-judge.
Ang alam ko lang, may kamalasan itong si Claudine pagdating sa mga lalaki.
Una, si Mark Anthony Fernandez.
Siya ang first love ni Claudine na humantong pa sa pagpapa-tattoo nila ng pangalan ng isa’t-isa…tapos naghiwalay din naman pala. Wala na atang mas sasaya pa sa’kin nung nag-break sila. Nakakahiya mang aminin pero patay na patay din ako kay Mark Anthony nung mga panahong yun. Pinagtatabi ko pa ang picture ko at poster ni Mark kasama sina Eric Fructuoso at Jomari Yllana. Naniwala kasi ako na kapag magkahawig ang dalawang tao, M.F.E.O. sila. Wagas ang ka-bakyaan!
Pangalawa, si Rico Yan (sumalangit nawa).
Tagal din nila nun from “Mula sa Puso” to “Got To Believe”, sinubaybayan ng sambayanan ang kanilang tambalan. Pero alam nating sa hinaba-haba ng prusisyon, hindi sa simbahan ang naging tuloy – sa sementeryo. 🙁
And now, Papa Raymart naman at ang daming issues na pumapalibot sa relasyon nila.
From the P5 Million na nawala sa bangko hanggang sa masumbong siya kay Tulfo. At ngayon, umabot na nga sa korte ang usapan. Haaaay…
To Mareng Claudine, I still wish na maayos mo ang mga gusot sa buhay mo… kahit inagaw mo sa’kin si Mark noong kabataan natin. Di maka-recover?!?!
(photos from google images)
Mismo! Sa totoo lang, nung nagpakasal sila, feeling ko slightly lugi si Raymart. Kaya “heller” diba?!?!
kakaaliw nga itong si claudine. after how many years of marriage and 2 children together, ang statement nya ngayon ay binola lang daw sya ni raymart kaya sya nagpakasal. kakalokang news early morning! hahahaha