Nanlaki at napuno ng intriga ang mga mata namin ni Mother Earth habang nanonood ng The Buzz kahapon. Ang balita: Biyernes, may lumabas sa na nakagugulantang na sex video na kumakalat sa social media. Ang mga “stars” ng naturang sex video ay walang iba kundi sina CHITO MIRANDA (lead vocalist ng Parokya ni Edgar) AT NERI NAIG (starlet at batchmate nina Sandara Park at Joross Gamboa sa Star Circle Quest). O.M.G.
Ayon na rin kina Chito, “nanakaw daw ang hard drive sa bahay nila.” Ang tanong, sino ang nagnakaw?!?
P: Mother! Sino nga kaya nagnakaw?
Malamang matindi galit nun sa kanila!
Mother Earth: Oo nga.
P: Di kaya si Kaye Abad?
Motehr Earth: Hay naku, e sino pa ba may access sa hard drive
na ‘yun kundi yung mga kasambahay nila!
P: Grabe ka naman mag-judge! Kasambahay agad?
Mother Earth: Siguro, yang Chito na ‘yan, hindi pinapasahod
nang tama ang mga kasama sa bahay.
Tapos walang SSS at Philhealth. Aba, edi yan ang napala nila!
Ang dapat palang naging headline:
“Nang dahil sa Kasambahay Law,
yarian ng mag-jowa natiklo!”
Mamaya-maya, ibinaling ni Mother Earth ang tingin niya kay Father Thunder…galit…at di ko kinaya ang lumabas sa bibig niya…
Mother Earth:
Daddy, bakit hindi mo ako vinideo noon??
TUMBLING. CARTWHEEL. SPLIT.
Father Thunder:
E paano, wala pa akong pambili ng camera
ng betamax nun.
So, may plano sana???
Hindi ako nakakibo. Napalabas ako ng kwarto.
SUKA!!!
hi P, late ko na nabasa ‘to pero grabe ang kwela. sakit tiyan ko kakatawa just imagining kung may video nga sila. LOL
ang kulit ng parents mo! =P #tawamuch
Wahahahaha! Mas tinamaan ako sa issue ni mother earth, P! Hahaha! Ibang klase! Winner! Wahahahaha!
wahhhh dami kong tawa bawahahahaha *^_^*
Bwahaha! Thanks Melissa! 🙂
Ang sarap tumira sa bahay niyo, P! 🙂 hindi lang tiyan ang sasakit sayo. Lol.
Naku, you’re welcome sa bahay anytime! Pa-ampon ka kahit isang araw lang. Saya nun, promise! 🙂
hahaha 😀 kulit ng parents mo, P!
Oo nga e. Nag-tag team pa! 🙂
Hahahahahahahahahaha! I feel for you. I really do.
Thanks, TPS. I appreciate it. I really do. 😉
Basag! ahahahaha
Basag talaga! Inapak-apakan pa ang bubog, pinalunok sa akin tapos yun ang sinuka ko! 😛
Owemgi nga! Pag nagkataon, mas malaking news yan kesa sa chito-neri video 🙂
Naku sinabi mo pa! Headline: Mother Earth at Father Thunder, komento kina Chtio-Neri at Hayden-Katrina, “PWE! Watch and Learn!” Eeeeew!
LOL!!! Lakas ng tawa ko kay Mother Earth at Father Thunder!
Bwahahaha! Thanks Cris!
Wow! Ang mga banat nina Mudra at Pudra nakakaloka! Wahahaha!
Hahahaha! Napatimbwang nga ako nung narinig ko ang mga hirit e. Sabay napa-imagine ng mga bagay na sa tanan ng buhay ko, ayoko sana ma-imagine! Haha!
Hindi mapagkakailang mag-mother kayo :))
Naku, pati sa itsura kamo. Minsan may ipopost akong pic ni Mother Earth nung bata siya, scary! Akala ko ako!
Tawa much… lol xD
Haha! Buti at napasaya ka ng Familia Zaragoza today. 🙂