In joyful memory of Mother Earth.
Habang naglilinis ng alahas si Mother Earth, nakialam ako.
P:
Mudra, ang ganda nitong singsing ah.
Ilang carats kaya bato niyan? May 1 carat kaya?
Mother Earth:
Siguro. Di ko kabisado yang mga carat carat na yan e.
P:
E yung engagement ring mo, mommy, ilang carats yung bato? Patingin!
Mother Earth:
Naku, di ko na nga malaman kung san napalagay yun e.
P:
Ganun?! Ako, mudra, gusto kong engagement ring yung emerald cut ha. Tatlo ang bato. Isang malaki sa gitna, 2 mas maliit na magkabila. White gold ang setting.
Di ba maganda yun mommy? Yun ang gusto ko!!!
Mother Earth:
(Moment of silence…..nakasimangot…..)
MABIGYAN KA NA LANG, ANAK.
Aray!
Uy malay mo, P magkatotoo ang dream engagement ring mo (Calling calling Papa N!). Libre ang mangarap! Go go go!
Pero habilin ni mother… anak nalang daw. Hahahaha! Kaloka si mother earth, mamimiss ko ang mga matindi nyang banat.
Aliw si Mudra. 😀
Yezzz…buti na nga lang at ganyan ang nanay ko. Dami ko tuloy nasusulat dito sa TSN. Haha!
Haha. At least alam mong masusunod ang gusto mo.. ni mother earth 🙂
Aba aba aba…Papa N, mukhang hinahamon ka ni Em oh! Pasiklaban mo nga!
(Thanks, Em! ;))
Naman. malay natin, nagmamadali na si Papa N magpagawa niyan. Sisiguraduhin na maunahan si mother earth :))
Hahaha medyo harsh lang ng konti yung hirit ni mudra. Pero P, dapat kay Papa N mo sabihin yun specifications nyan para magka idea sya. wag nga lang muna sa ngayon at baka mag freak out naman maudlot pa :-p
Haha! Secret lang natin ‘to, Glaiza…sinadya ko talaga yan para mabasa ni Papa N. Para di na siya mahirapan pumili in the future (near future. CHAR!) 😉
Parang pareho kayong supalpal ni D ngayon ah!
What’s up with that?!
I know! Imbey week?!? hahaha!
Hay naku, sinabi mo pa! Sa pangit ng linggong ‘to, may 2 entries pa ko ng ka-bwisitan! Lord, help us!
Hahahaha!! Sabi nung sa wi-fi..waq ka ng umasa:D
Ano’ng wi-fi yan??! Haha! Libre naman mangarap divah? 🙂