I’ve known Maria Fleurdeliz Rubio since time immemorial. Pero 4th year high school talaga kami naging close.
Honestly, at first, I thought di ko sya makakasundo. Unlike Fleur na very friendly to all, girls and boys, ako ay shy. Promise, shy talaga ako…dati.
Fleur has always been popular. Bibo kid. Lahat pinapasukan… And sad to say, pati ako nadadamay!
Pinasali niya ako sa beauty pageant sa school. Di ba kinuwento ko na sa inyo yung sinabi ng mommy ko about joining the pageant? Ang sabi ni mommy (aka negamom):
Anak, di ka naman kagandahan?!
So, sinabi ko kay Fleur yun… But Fleur, the ever positive said…
Ano ka ba friend, magaling ka naman mag-piano.
Yan ang true friend! 🙂
Then, pinasali niya ako sa Volleyball varsity. Mag-tryouts daw ako. Eh takot ako kay Coach Vita super! Sinamahan niya ako.
Tiningnan ako ni Coach Vita from head to foot.
Coach Vita:
Una, kelangan natin bawasan mga hita mo.
Fleur:
Ay oo nga.
True friend talaga.
Di ko kinaya mag-tryout. Di ko na-imagine sarili ko gumugulong sa concreto like Fleur noh. Swear, tumatambling, split, egg roll yan si Fleur sa court!
Fleur is born to be a leader. For her dapat equal lahat! Dapat may democracy… parang Barrack lang. Sa classroom, nagalit siya sa classmate namin na naghohoard ng electric fan. Mas malaki yung classmate pero wala siyang pakialam, lahat daw may right to air.
Ang highblood! Buti nalang mas malaki ako sa kaaway niya!
Pero kahit maliit siya (peace) matapang yan. Nung treasurer ako sa class, umiyak ako kasi yung isa naming hinayupak na classmate named Billy, ayaw magbayad ng intrams shirt. Pinaulanan ni Fleur ng putak! Ayun nagbayad.
When my first BF broke up with me, Fleur was there to give me moral support all the way. Kahit isang dambuhalang MH na ako sa lovelife niya, di nya ako iniwan.
Fleur and I share a lot of personal stuff na kami lang talagang dalawa nakakaalam. It’s so comforting to know that there’s this one person who share the same experience, problems, flaws, and happiness with me. And I am so blessed that that person is Fleur.
Fleur will be hosting a Mommy Fleur Day for her friends and readers! You better join kasi sure ako super fun yun and it will be your chance to meet Fleur and the personalities na bida always sa kanyang mga kuwento!
Mare, I may not be there sa Foundation Day ng Mommy Fleur (Sorry na!) but you know that I’m here for you always. Thank you for the love and friendship. I really hope that Anika and Baby A will be close friends like us.
Love you, mare!!!
nakakaiyak!
yun next blog contest mo dapat online beauty pageant. hhahaah!
so sweet ganito din kami ng bff ko since highschool pa. Parehong pareho ako maliit and ako madalas mas matapang mang away hehehe. Ms D. Ganda ka naman di nga lang talaga pang beauty contest talaga . kasi gusto sa mga contest yung sobra payat .ayaw ng may mga curves and sexy gaya mo.=)
rhiza
hahaha! Salamat, Rhiza! 🙂
At siyempre ako na talaga ang pinakawalang kwenta sa lahat kasi ngayon lang ako nagrereact!!!
Thank you so much for this bakla. Love na love talaga kita. I am happy that you are part of my life. Pagwala ka, hindi nakakatawa ang buhay ko. Nakalimutan mo ikwento diyan yung nagpaalam ka kay Tita na magsleep over sa condo namin. Sabi ni Tita, baka di ka daw kasya sa bahay namin. Bwahahaha!
Ay wait. Nakwento mo na pala dito yun. Sorry naulit ko.
Bwahahahaha!
I love you talaga mare. Whatever happens bff for life!!!! =D
Hahaha! Take note mare, ni-remind pa kita!!! At talagang inulit mo pa ang masaklap na comment ni Negamom haha! 🙂
BFF for life!
Awww.. true friends. and sweet mo rin ms. D. =)
Hehe thanks, Atty E 🙂
Kakaiyak naman itech. You and Fluer are really nice, D totoo yan at walang halong eklavoo. You girls are really lucky to have each other! 🙂
Yun oh!!! Thanks, Sha! 🙂
Such a touching entry… haysss…Wow, pwede pa join a raffle next next week.. sana manalo..hihi
bakit next next week? Hahaha!
Kagandahan ka naman, D ah! 🙂 pero mukhang umaapaw talino mo. Naks! 🙂
*mas umaapaw
hahaha! Kainis ha! 🙂
super like, medyo naiyak ako (naks!)
pinasali ka sa beauty pageant & varsity? lahat di natuloy?
i remember the first time i met you, meron ka rin pinagdadaanan sa isang boylet but all’s well that ends well kse you met papa O na after that (i think) 😉
sayang, wala ka sa sosyal event ni fleur. 🙁
Natuloy yung pageant haha! Talo ako! Di namn kasi ako kagandahan (may poot)! Haha!
Haha, oo naman okay naman si Papa O… I think! Bwahahaha!
May trip kasi kami during that weekend 🙁 na-set na before pa… Pero may sponsored raffle item kami! Sana you win, kalandian ulit hahaha! 🙂