Yesterday was the first day after the burial. First day spent in the house without mommy. Ang hirap pala nito.
We spent most of the day sa terrace. This was Mother Earth’s favorite spot. Kung nabasa at nakita niyo ang pictures sa previous entries ko, alam niyo ang itsura ng terrace namin. It was the most happening place sa bahay; mainly because dun nakatambay parati si mommy.
Every morning, paggising ko noon, kung hindi nagtitimpla si mommy ng kape bago tumambay sa terrace, nakaupo na siya agad doon. Alam niyo kung bakit niya favorite dun? It was CHISMIS CENTRAL. Doon, kita niya lahat ng dumadaan na tao.
Mother Earth:
Ayan na si “Suklay”! Tignan mo, P, tuwing nadaan yan dito sa tapat natin, parating nanunuklay. Pwede naman niya gawin yan sa bahay.
Mother Earth:
Ayan naman si “Salamin!” P, patawag mo nga ang SK natin. May ipo-propose akong project sa kanila. Sasabihin kong maglagay sila ng malaki at full-length na salamin dyan sa bakod. Kasi yang lalaking yan, tuwing dadaan, mananalamin sa side mirror ng mga kocheng naka-parking. Araw-araw yan ha!
Mother Earth:
Ah, eto naman si “PAL”! Sweet nyan. Araw-araw, ihahatid nung lalaki yung asawa niya sa kanto. Naka-akbay pa! Tapos isasakay niya sa jeep. Hintayin mo, babalik ulit yan pagkasakay ng asawa. Kasi yan. Walang trabaho. Ang pinaghahanap-buhay, yung misis niya. Ayos!
Bukod sa pagiging chismis central, CENTRAL MARKET din ang terrace namin. Habang nakaupo kami doon, dadaan na ang suking nagtitinda ng prutas at gulay, yung baklang nagtitinda ng pusit, yung nagbebenta ng hipon, bakoko at kitang. Hindi na namamalengke ang mommy kasi ang mga tinder na ang lumalapit at dumadayo sa kanya. At take note, unahan sila ha. Kasi swerte daw mag-buena mano ang mommy. Pag nabilhan daw sila ni mommy for the day, siguradong ubos daw ang paninda nila!
It pains me to think na last Monday and Tuesday, may mommy pa ako. I still hugged and kissed her like I always do. At ngayong Monday and Tuesday, yung picture na lang niya ang kaya kong halikan at yung picture frame ang kaya kong yakapin. Everytime I enter their closet, I end up embracing and smelling Mother Earth’s clothes. Malanghap ko man lang yung essence niya. Madami siyang na-shopping sa Europe. May bags, clothes, shoes…hindi pa niya nagagamit. Yesterday, when I talked to Kuyakoy, naalala daw niya na may knife set na binili si mommy sa Germany. Pinadala naming via balikbayan box. Parating pa lang yun this August. Hindi na nagamit ni mommy.
Andami naming pinanghihinayangan at ikinamimiss. The only thoughts that comfort me are:
1. Masaya na si Mother Earth with the Lord, her parents, brothers and friends. I’m sure rubbing elbows na rin siya with the alta sociedad sa langit, tulad nina Princess Diana, Elizabeth Taylor at Michael Jackson. Bet na bet niya yun.
2. She had a well-lived life. Laking pasasalamat ni Father Thunder na nadala niya si Mother Earth at ang buong pamilya sa Europe. Mommy had the best time of her life doon. Madami ngang nagsabi sa amin, “Naibigay niyo na kasi yung pangarap at pinaka-aasam niya e, kaya “mission accomplished” na siya.” Sabi ko naman, “Kung alam ko lang na magkakaganito, sana sa Palawan na lang namin dinala si Mommy.” Joke
3. She will always be with us. Sa totoo lang, she was the center of our lives, of everything. At ngayong wala na siya, I admit that…in the words of Billy Crawford, “I am very lost.” Parang wala akong direksyon. Pero naniniwala ako that my mom, being the thoughtful and caring mother that she was, will not let me stay this way. Tuturuan at tutulungan niya ako…kami…to learn to live without her physically present.
Madaming nagsabi na kamukha ko raw ang mommy, lalo na noong college days niya. Naiimagine ko na ang hirit nun…
Mother Earth:
Excuse me, mas maliit ang bewang ko noh.
At mas matangos ang ilong ko dyan.
Aray. Pero alam ko namang totoo. Hehe. I am so much like her na ako mismo, I remind myself of Mother Earth — yung mga hirit, yung patawa. Lahat, sa kanya ko namana.
She loved the blog. She loved na “sikat na sikat” na siya among our readers. That is the reason she was willing to share a lot of her comedy stories, not to mention, pose para sa OOTS. And for that, I will continue to write about her. Perhaps ngayon, based na lang on what I would imagine her saying at a particular situation.
I love you, Mother Earth. I have been missing you and I will continue to miss you terribly forever. The pain of losing you will never go away. Alam ko yun. Pero tulungan mo ako. Tulungan mo kami to continue to make people smile through the blog as you’ve always done every time I write about you.
Maraming maraming salamat sa lahat ng nakiramay. The outpour of condolences sa TSN has been overwhelming and comforting. Totoo yun.
Mother Earth’s wit and humor shall live on.
Hi Ms. P!
Late na for condolence but I am sure that Mother Earth is happy kung nasaan man sya.
Naku. Ikaw nga yata ang nawawala kong idolo. Wahaha.
E kasi nemen. I saw myself in you. I lost my mama last July 2012. Katulad din ni Mother Earth mo, kwela din sya, politicians, at suki ng mga naglalakong tindera. Tulad mo, madalas din ako ikahiya ng mga kapatid ko kasi gusto ko magpapicture sa Sikats. Haha. Minus nga lang ang pangarap na pag-aartista, dahil ako, pangarap ko maging model. (huwaw. Balingkinitan! Hahaha!) At isa sa nakakatawa e, Mother Nature naman ang tawag ko kay Mama. Anebeyen. Idol? Celebrity! #HashtagFamous
Please continue to share Mother Earth’s wittiness and humor! <3
Hi Camille,
Hinanap ko talaga yung blog mo after you mentioned it. Been keeping you & your family in our prayers:) Hope your best memories of Tita will help you get through the unbelievable pain. Super lungkot but ganun talaga:(
It’s Dad’s birthday today. I prayed awhile ago saying sana enjoy siya sa party niya doon at sana naka-party na si Mommy mo:) Wherever they are I pray it’s all good and happiness. I’m pretty sure it is:)
Take care and keep the faith:)
Hugs,
Rowie
We’ll always be here for you, Camille…
Hi P, condolences to your family dear…She’s now at peace with the Lord. 🙂
Hugs, P!
Mother Earth is now in a happy place.. think.. Mc Donalds 🙂 Always remember that we are here for you, virtually 🙂 Praying for you and your family.
My sincerest and heartfelt condolences,P. This is heartbreaking. To tell you the truth, when I learned about Mother Earth’s passing on I was so affected. I was sad the whole day and I still am. I will include all of you in my daily prayers. May the good Lord arm you with strength and courage each day.
Naluha ako dito at natawa din while reading this, mukha akong baliw sa office.. Thank you for making us all happy Mother Earth. Camille, we’re always here for you if you need someone to laugh and cry with while remembering Tita. Isama na ang mga cyberfriends. Miss you Mother Earth! Hello naman kay Michael Jackson from me.
I offer my condolences to you. Everyone has different relationships with their mothers and yours is great. World still goes around. Your mom will continue light your ways… sister Shiela and dad are your wings!!
PAALAM PINSAN, KALARO,KAIBIGAN AT KABABATA,
TAWAG NAMIN SA YO AY BALUGA, PERO IKAW ANG
PINAKAMAGANDANG BALUGA SA BUONG MUNDO.LAST TIME I
SAW YOU WAS @ CHISMISS CENTRAL. IKNOW YOU LIVED LIFE TO THE FULLEST
AND I KNOW NOW THAT YOU ARE RESTING PEACE. Ms P BE STRONG FOR YOUR
SISTER SHEILA .GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY….
TO Camille.
Be strong for your sister Sheila and for your Dad also.
God bless…..
Paalam, pinsan, kababata,kalaro at kaibigan.
Salamat at nuong huling uwi ko tayo’y nag kausap
dyan sa “CHISMISS CENTRAL”.I’m so happy that you’ve
life to the fullest. Rest in Peace cuzz…..
i really enjoy reading your entries about her. kaya nashock din ako sa news when i visited TSN and learned about the sad news. kahit sa simpleng paraan of writing about her frequently dito, you have honored her in more ways than one.
my deepest condolences. may her sould rest in peace.
You are not alone- michael jackson
Naiyak naman ako dito 🙁 we will all miss mother earth and just like d said, andito lang kami parati para sa ‘yo 🙂
Condolence Miss P. Namiss ko tuloy papa ko. Sbi ko nga ngayong pwede ko n syang ilibre ng pangsine o kahit ticket sa basketball o boxing, wala nmn sya
Aww! This made me cry. I barely know Mother Earth yet I was one of those people na napatawa nya through her stories. She will be missed by many. Stay strong P and may the Lord heal you and the whole family. God bless!
Nakakaiyak naman, P! Nahiya lang akong magtanong kung san ang burol but seriously it crossed my mind to be there kahit pa magulat kayo at sino ba akong dumating. Pero nahiya akong magtanong. But you’re right, Mother Earth will always stay in our hearts and hindi namin siya makakalimutan.
My deepest condolences again to you and your family, Atty Cams (feeling close na. :D). You have a cyber friend in me.. xx
Nakakaiyak ‘to Atty. Cams. I can’t imagine my life din without my mom. Yes she’ll be there for you and for the rest of your family kahit hindi physically. For sure madami pang magiging friends si Mother Earth sa heaven, baka sa mga oras na ‘to ka chikahan pa nya si God 🙂
Condolences to you and ur fam P. i was just telling D a month ago na super laughtrip ako sa mga punchline ni mother earth na pinopost mo. Sabe nga nila that our death is the sign from God that we have completed the task/ role That was assigned to us and He is already taking us back. There is true comfort in that and Sa kwento mo palang surely sobra sobra nagawa ng nanay mo in this lifetime at baka raw lumagpas na ng langit. 🙂 rest in peace mother earth.
I’m so sorry for your loss P! =c Wala pang words ang naiimbento sa mundong ito na pwedeng sabihin to console ang mga taong nawalan ng nanay sa buhay. Mahirap na mahirap siya pero stay strong ateng. *hug!!!!*
Grabe! Kaiyak…mami-miss ko talaga mga punchline ni Mother Earth. Continue writing about her her P. Stay strong! xxx
Nalulungkot talaga ako kapag naaalala ko na wala na dito si Mother Earth. Iniisip ko pa naman na sana makita ko siya pag-uwi namin para mapakilala ang bagong “apo”. Nakakamiss talaga siya.
Pero tama, ikaw ang mini-me niya… Sa isip, sa salita, at sa mukha! 🙂
Nakakaiyak naman ‘to P. But as I said, Mother Earth is now in a happy place. baka madaming kelangan mag-smile sa langit. 🙂 Always remember that I am here for you. Love you, P. Love you, Mother Earth! 🙂