Originally posted on November 6, 2012.
Ewan ko ba kung ano’ng pumasok sa kukote ko at bigla ko naisipang sumali sa MOVIE TRIATHLON. I’m sure nakita niyo yung ad sa Star Movies na may babaeng cute and chubby na ngumangabngab ng popcorn. Yun yun!
Inalam ko agad kung paano sumali. Email lang naman pala ang kailangan. Pero suntok sa buwan yun. I’m sure madami ang katulad kong nangahas sumali. Sino ba naman ang hindi maeengganyo? Libreng sine. Maghapon ka lang nakaupo sa napakagandang sinehan, naka-aircon, nanood sa takilya ng mga patok na pelikula AT may chance ka pang manalo ng P150,000!!!
Tatlong araw lang ang lumipas, may natanggap akong email! KASALI AKO!!!
Dali-dali ako’ng bumuo ng aking game plan. Eto ang mga alam kong rules based sa sulat na natanggap ko…
BAWAL TUMAYO – panis!
BAWAL MATULOG – sus, sanay kaya ako sa puyatan!
BAWAL GUMAMIT NG CELLPHONE – kahit isang linggo pa!
BAWAL ANG BATHROOM BREAK – naku, mukhang dito ako mapapasubo. Kumpiyansa naman akong matibay ang pantog ko. Pero aabot kaya sa 16 hours na record? Yan ang challenge!
The day before ng movie triathlon, maaga akong umalis ng opisina. Namili kasi ako ng mga pagkain na kontra-antok at kontra-weewee. Granola bars, oatmeal cookies, bananas, candies, gums, Gatorade at tubig (pero pang-emergency lang ang liquids. Pag mamamatay na lang ako sa uhaw. Mahirap na ma-ihi.) Maaga ako natulog. 5 am daw ang call time.
3 am, all set na ang bakla! Pagdating sa Resorts World, madami nang tao. Pero isa ang napansin ko – wala silang masyadong bitbit. E ako, bitbit ko yung usual bag ko, separate bag para sa food and drinks at may nakasabit pang dalawang makakapal na jacket sa tig-isang braso. Career kung career!
Turns out, wala pala akong mapapakinabangan sa ga-bundok kong abubot. Pagka-register kasi, may inabot sa’king HOUSE RULES.
NO TALKING?!?! Pengeng blade! Maglalaslas na lang ako ng pulso ngayon pa lang! But no…P, you’ve come so far, itodo mo na yan!
So pinapasok na kami. Kamalas-malasan namang sa 2ndrow ako napunta! Anlapit sa screen! Anak ng $%@! Maya-maya, nagdilim na ang paligid at pinalabas na ang title na unang pelikula…”ON THE WATERFRONT”…starring Marlon Brando…black & white…
May isang contestant na ibinulalas ang eksaktong iniisip ko…
Contestant # 1: Ay boring!
Bouncer: NO TALKING! OUT!
15 seconds into the movie, siya ang kauna-unahang natanggal sa 200 contestants. Matagal pa weewee ko sa tinagal niya sa game e. Nakakahiya! 1 down, 199 left. Sa loob-loob ko, makaabot lang ako ng kalahati ng population, masaya na ‘ko.
Ang akala kong pinakaboring na pelikula ay sinundan pa ng mas boring na pelikula! Pilit ko na lang inaaliw ang sarili sa mga O.A. na reactions sa utak ko. Kinausap ang sarili ko. Nakapag-rosaryo pa nga ako at novena. Mas exciting yun kesa sa “APOCALYPSE NOW.”
Sakit na ng pwet ko pero di ako kumikilos. Ang dami kasing mga bruskong bouncer na nakabantay sa bawat kilos mo. Na-sense kong ang pangunahing layunin nila ay mang-eliminate ng contestant. Sa bawat hikab at usog ng pwet ng mga katabi ko, tatapatan na agad sila ng flashlight sabay sigaw ng OUT!!! Di ako papayag. Fight!
6 hours into the contest, milagro! Pinayagan kaming tumayo. Part daw ng triathlon ang exercise. Akala ko naman pampa-circulate lang blood. But no…pag di daw nakasabay, OUT! Medyo athletic naman akong tao pero sa pinadanas sa amin na circuit training for 30 minutes straight, SANA DI NA LANG KAMI PINATAYO! INAAAY! Namanhid ang buong katawan ko nun. Dala na rin siguro ng dehydration, gutom at ngalay. Pero kinaya ko. In fairness, after nun, 76 left standing.
Madaming bumagsak. Sa antok, sa maling galaw, sa kaunting stretching, sa kuyakoy. OUT! OUT! OUT!
Sa gitna ng mga kontrabidang bouncers, chewing gum at candies lang ang naging kasangga ko.
After 12 hours, 7 pm, pinatayo ulit kami. Ano naman kayang pahirap?! YOGA!!! 23 na lang kami. Sa bawat pose na pinagawa ng instructor, isa-isang pumlakda ang mga katabi ko. Ang 23…naging 18…15…12…11…sa final pose ng yoga, na may kadalian lang naman, NA-OUT OF BALANCE AKEY!!! Imbey!
Ang sakit sa dibdib! 12 HOURS!!! 12 HOURS ng ngalay, gutom, bagot at pagod, nauwi sa wala! Lapit ko na e. Final 11! Sooobrang sayang. Pero naisip ko na lang, baka may mas nangangailangan ng premyo. Ginusto ko lang naman ma-try e. Mission accomplished. At in fairness, di naman ako umuwing luhaan. Lahat naman ng participants may freebies na natanggap.
May cellphone pang may T.V. Mumurahin lang pero matagal ko nang pangarap yun e.
Maliban sa cellphone, baon ko rin pauwi ang ilang bagay na natutunan ko.
1. Kaya ko pala di magsalita nang 12 hours straight! Muntik nga lang ako ma-ospital.
2. Kung will power at will power lang, siguradong meron ako.
3. Pero center of gravity, WALA.
May question lang sa mind ko, bawal din ba mag-adult diaper Ms. P? hehehe! Ang tibay mo, 12 hours!
Oh my gad! So funny
ang daya nung yoga!!.. but congrats! =)
looking forward to reading more TSN entries =)
Bongga nito, P! Ang galing nga eh. Ako hindi mapakiusapan pantog ko at pagaka-pagod sa pagkaupo so malamang ako yung 2nd na mapapaalis kung kasali ako. Bet ko yung jacket. Hehe.
Bebengisms
Wow meron palang ganito. Ang galing mo!
At least you made it that far, P! 🙂 kung ako yun first 2 hours plng eliminated nako 🙂
kung next year meron pa nyan, gusto kong itry hehe =D in fer, top 11!!! congrats! =)
Congratulations!!! Pero grabe naman yun, may yoga!!!
haha. 🙂 sayang at naeliminate ka pa. lapit na sana..
Dapat nung sinabi palang bawal magsalita, nag-back out ka ba 😀