First time namin makarating sa SM Aura — ako, si Atekupungsingsing at si Nene. Buti na lang at kinumbida kami ni D sa isang lugar na bago sa aming paningin. Gondooooh! Certified soshal! At wala pa kaming 5 minutes sa loob ng mall, may na-sight-chung na agad na celebrity si Nene! Hulaan niyo kung sino.
Clues:
Malaking lalaki (?)
Funny at nakakatuwa
Bagay siya sa “The Buzzzzzzzz”
Gets niyo na? Sino pa ba kundi si…
Promise, na-excite talaga si Nene! Hindi ko rin masyado gets pero kung saan siya masaya, why not?! Undeniably, celebrity nga naman si Jollibee. Ikaw lang ang bubuyog na may weekly TV show every Sunday morning. Taob sa’yo ang career nina Dingdong Dantes at Sam Milby! Ikaw na, Jollibee!
at dahil da best dishwasher si Nene, bigyan ng jacket at Jollibee party yan 😀
ha ha ha ha !! Celebrity nga..!! Congrats Nene!!