Isa sa pinaka-apektado ng bagyong Maring ang pinakamamahal kong BaCav. Sabi ko nga, “Minsan minsan lang mabanggit sa news ang Bacoor. Kung hindi tungkol sa drugs at patayan, delubyo naman ng bagyo!”
Kalunos-lunos talaga ang mga eksena dito sa amin…
Ang terrace ni Mother Earth
Ang aming kitchen
May truck na naka-park sa labas ng gate namin. Maliit lang pero covered. Kamukha niya yung mobile x-ray vehicles. Napansin ko na yung isang pedicab driver dito sa amin, labas-masok sa truck. Apparently, hanggang dibdib ang tubig sa bahay nila kaya nakiusap silang dun muna mamalagi. Take note, lubog din sa baha ang gulong ng truck.
Kapag may pagkakataon, inaabutan namin sila ng biskwit at tinapay. Noong pangalawang araw…
P: Lupin! (Yes, Lupin talaga tawag sa kanya)
Eto ang pandesal oh, paki-abot na lang.
Lupin: Salamat po.
P: Teka, ilan ba kayo dyan sa truck?
Lupin: (Nagbilang…at parang andami niyang binibilang…)
WALO PO.
Naloka ako!!! Paano nagkasya ang walong katao dun?! For 48 hours!!!
Pero sa gitna ng delubyo, ang Filipino/Kabitenyo spirit ay hindi pa rin matitinag. Pangitang-pangita naman yan sa litratong ito…
In the fer…naging viral ang photo na ‘yan! Kumalat sa iba’t-iabang social networking sites…
Sa Facebook ni P, mahigit 100 likes at di mabilang na shares ang nakuha nito.
Sa Instagram…
Sa iba’t-ibang websites…
At maging sa TV! Lumabas ang picture sa Bandila, 24 Oras, Aksyon at ANC! Shala!!!
Ang babaeng naka-yellow jacket ay walang iba kundi si…
MITCH EUSEBIO!!!
Siya ang anak-anakan ni Mother Earth since time immemorial. Halos araw-araw andito yan sa bahay…kahit pinagtatabuyan na nga ni Father Thunder. Hehe…JOKE!
At sa kauna-unahan niyang interview…eksklusibo! Isisiwalat niya ang kwento sa likod ng litrato. Provinciated, pasok!
P: Bakit niyo naisipan mag-inuman sa gitna ng baha?
Mitch: Kakatapos lang namin magsalansan ng sandbag para
hindi kami pasukin ng tubig. E giniginaw na ang mga
bagets kaya nanganchaw magpa-inom.
Nagbigay naman ang mga kapit-bahay.
Pagkabigay, pinalabas ko yung mga silya’t lamesa sa labas.
Ayun na!
P: Ah so nagkawang-gawa naman pala muna kayo
bago mag-happy-happy.
Mitch: Korek!
P: Ano feeling mo na kumalat ang picture at na-TV pa?
Mitch: Aba, malay ko bang kakalat yun!
Ang alam ko lang ay pang-post lang yun dito sa FB at TSN.
P: Sikat ka na e! May nagpapa-autograph na ba sa’yo?
Mitch: Madami! Nakakahiya nga e. Ngayon lang ako tinalaban ng hiya.
P: Aba! Pambihira nga yun!!!
Mitch: Oo nga, ‘tong kapal ng mukha kong ‘to!
P: Buti naman inamin mo.
Dyan talaga kilala ang Pinoy, kahit parang pinagtakluban na ng langit at lupa, marunong pa rin mag-bayanihan at magkatuwaan!
sa tagal ng panahon hindi aq nk- ol, ei MITCHELLE na miss na kita! ^_^ kwentuhan mo ko tungkol dito!
lagysn ng watermark ang napakagandang litrato na yan ni mitch! mitch, pa autograph! =)
Hahaha. Nga naman, iba talaga ang pinoy 🙂 teka, binabad ba muna yung Red horse sa baha pra malamig lamig pa? lol.
PS.
Don’t forget to put watermark next time 🙂