Originally posted on December 16, 2012. CHISMAKS ALERT!
Una sa lahat, maraming salamat sa mga natuwa at bumati sa akin sa pag-graduate ko sa pagiging S.A.W.I. Naawa na rin si Lord sakin…J At well-publicized ang graduation ko. Kamusta naman kasi, D? Kung ang PBB ang telenovela ng tunay na buhay, ang TSN naman ang ginawa mong CYBERNOVELA ng tunay na buhay (ko)!
So mabalik tayo sa chika! Noong isang linggo, nasa Greenbelt kami ng officemate kong si M. Dinner kami sa Coffee Bean and Tea Leaf. E susunod daw si “N” (si jowaers!) kaya pumila ulit ako sa CBTL para bilhan siya ng food dahil Tom Jones na raw siya. Right behind me, may babae at lalaking obvious na on a BLIND DATE.
Eto ang narinig kong eksena…
Boy: Alam mo kasi, dapat parati ka lang “go with the flow.”
Basta dikit ka lang sa mayayaman, yayaman ka rin! Tignan mo ‘ko.
(PABLO ba pangalan mo , Kuya?)
Boy: Alam mo yung Pico de Loro sa Nasugbu, Batangas?
Kami nagbakod dun! Dun pa lang ha, kumita na kami ng 100!
(Gustong-gusto kong tanungin, “100 ano? 100 Million? 100 Thousand?
O 100 kilos ng kayabangan?)
Boy: Maiba ako, so bakit Tourism kinuha mong course sa college?
Girl: Hmmm…wala lang…tsamba lang…
Boy: SO ANO BA TALAGA GUSTO MONG GAWIN SA BUHAY MO?
(Pake niya diba?!)
Girl: Actually, galling kasi akong science highschool.
Kaya pagdating ko ng college, parang gusto ko mag-rebelde.
Kaya Tourism kinuha ko.
Boy: Ah ganun? Pero sa Marketing at Finance, walang pera dyan!
Basta dikit ka lang sa mayayaman, yayaman ka rin!
(ANO’NG KONEK???)
Boy: So ano’ng gusto mong kainin? Masarap yang Chicago Cheesecake.
Girl: Ang na-try ko kasi yung Triple Decker Cheesecake e.
Boy: Ah talaga? Yun ang type mo? (With matching panghuhusga sa boses niya)
Girl: Di naman, na-appreciate ko lang siya. Pero sige, try ko yung Chicago.
Boy: Sure ka?
Girl: Uhm…Triple decker na lang siguro.
Boy: Ano birthday mo?
Girl: June 2.
Boy: Gemini ka noh?
Girl: Oo, bakit?
Boy: ANG FICKLE-MINDED MO KASI!
HOMAYGAAAAD! Spell K-U-P-A-L! Nanlaki literal ang mga mata ko nung marinig ko yun! Gusto ko sabihan si Ate ng “TAKBO NA!!! NOW NA!!!” Hindi ko maisip kung bakit nag-uumapaw ng kayabangan ang lalaking yun. Ito na ang hudyat na kailangan kong makita ang itsura nila. Kung nuknukan ng guapo si boy, baka masikmura ko pa ang ugali niya…but I doubt. So pa-simple akong sumilip sa likuran ko and lo and behold…Spell C-H-A-K-A-R-O-O!!! Mr. Shooli in the house!!! Shafal ng face magyabang. Kahit dating o porma, wala ring binatbat!
Kay Ate ako nahabag. Mula sa labas ng CBTL, tanaw na tanaw namin ang pagdurusa niya. Kitang-kita sa body language nila na si BOY ay tuwang-tuwa na bumabangka siya sa conversation…habang si GIRL ay nagtetext sa friends niya most probably saying, “P&%@! Bakit niyo ko pina-date ditooooo??? End of friendship!”
Ang point ng kwento ko…
1. Madaming chismaks sa mall.
2. Piliin ang friends.
3. Pag kupal si blind date, tanggalin ang heels at kumaripas ng takbo!
4. Basta dikit ka lang sa mayayaman, yayaman ka rin. 😛
wahahahaaa i know exactly how this goes pag nang-i-eavesdrop ka in public. talagang madalas umabot sa moment na ganito – “Ito na ang hudyat na kailangan kong makita ang itsura nila.”
lol din sa description like no other, imagine na imagine ko gano din ka kups face nung guy – Spell C-H-A-K-A-R-O-O!!! Mr. Shooli in the house!!! Shafal ng face magyabang. Kahit dating o porma, wala ring binatbat!
*time to go back to work kuno*
Sana binara na lang ni girl pero with poise pa rin tapos uwian na! Huwag na kasi pa-sweet effect, di na uso yan ngayon lalo na kung super typhoon ang ka-kupalan ni guy. 😉
Mismo!!! Pak! 🙂
the fact that the guy knows zodiac psychology leads me to think he’s probably gay.
You’re probably right…naks! Napapa-jinglish tuloy ako sa’yo e! 😛
Is that their real photo? E sa body language palang nung guy mukhang maangas na. Kups with a capital K! Ang yabang nya ha!
Yup, that’s their real photo. Naglakas-loob na lang si N na kuhanan ng pic malapitan for T.S.N.’s sake. Hehe! Tumpak ka dyan. Pangitang-pangita na akala ni Boy kung sino siyang “Anak ng Dios!”
Hindi kinaya ng kilig factor ang pagka-dedicated jowaers ni N. Siya ang nag-paparazzi mode for you, P! Iba. Mahal ka niya teh. Yane. 🙂
Bebeng! Pakitirintas naman please…haba e! 😉
Hahaha! I have had a similar encounter with a kupal in the past. Di ko alam yun pala yung term. Afterwards, all I could think was parang tinapat ako sa malakas na electric fan. Ang hangin.
Bwahahaha! Nireto ka rin lang ba ng friends? End of friendship din kamo! Haha! 😛