Tagal na namin gusto ipasyal si Baby A sa zoo para makakita siya ng real live animals. Alam niyo naman, addict sa animals ang anak ko. Kahit yung lapulapu sa chinese restaurant kinakausap. Ang hirap lang explain once naluto na…
Anyway, last weekend we brought her to Ark Avilon Zoo near Tiendesitas. Entrance Fee is P300 per person. For kids below 3.5 feet, entrance fee is P200. I wonder anong relevance ng height?
Anyway, here are some animals you can find in Ark Avilon Zoo.
You can feed and pet some of the animals.
You can buy 1 stick of carrot (for the rabbits and guinea pigs) or 1 bundle of Kangkong leaves (for the goats, horses and sheep) for P30.
Sorry P… pikit ka sa portion na ‘to!
Kadiri yung guinea pigs! Sorry, hindi naman ako takot sa rodents pero sa dami nila parang nakakakilabot. Si Baby A naman tuwang tuwa.
Anak, subukan mo lang mag-uwi ng ganyan in the future, at mawawalan ka ng suporta!!!
Eto favorite animal ni Baby A…Lion. Pagkakita ni Baby A kay lion, sabi niya “Kitty….Rawr!”
Ang ganda niya noh! Yun lang mejo nakakaawa kasi nakakulong 🙁
Eto ang ebidensya na overprotective si Papa O.
Ayaw lumapit kay Orangutan. Gawan ko nalang daw ng paraan yung photo.
Ang Familia D.
All-in-all, we had fun because Baby A got to see real animals! Hinanap nga lang niya si Barney sa zoo!
Hi D,
just noticed na bagay na bagay sayo yung ganyang get up , ang ganda ganda mo and batang batang tingnan. you look like Kris Aquino talaga , ang cute 🙂
Baby A looks like you 🙂
Aww thanks Donna! 🙂 – D
Bakit nga naman wala si barney sa zoo?! Bakit? Bakit?! Chot!
I went there for my church’s PGH outreach. 🙂 Scary si Jenny the orangutan. Ang higpit humawak. :-S
Kitty…rawr! Baby A, super big naman ang kitty na yan… great that the baby had fun at the zoo. baka next time magrequest na yan ng pet hamster or guinea pig, D.