Last Saturday, Fleur, Peach, Bing and I had lunch at Mary Grace with our donya friend, Abby, na 8 years na namin hindi nakita.
Abby’s adorable bunso, Mimi.
Abby’s guwapo son, Anekin.
Anika, Baby A, Mimi and Anekin
Abby was our classmate in high school and gimik buddy before she left for the US. Laugh trip ‘tong babaeng ito, swear!
Alam niyo yung Sister Act 2? Yung porma ni Lauryn Hill nun? Ganun siya pumorms nung high school. Actually, parang kinanta nga niya ang Joyful Joyful sa songfest. Solo ha! Ikaw na Abby… ang confident! Peace 🙂
Siya din ang nagpauso ng apple cut na hairstyle… Pero “barbers cut” daw yun. But I really think it was apple cut. Niloko lang siya ng taga-parlor 🙂
Abby was the epitome of babaeng bakla. Every morning, maririnig mo na yung boses nyan sa hallway. Nakikipagharutan, nangookray, etc.
But no… Iba na si Abby. During our lunch, I noticed parang tahimik na siya. At magaling na mag-english. Meron na siyang mga “that’s awesome, Anekin!” Tapos kahit na “coffee” lang sinabi nila ng asawa niya, I felt blood trickling down my nose. Iba ang thwang!
Me:
Wow, Abby! Magaling ka na mag-english! At iba ka na! Tahimik ka na!
Abby:
Bakla, sino bang hindi manahimik sa Amerika.
Nakakahiya mag-ingles inglesan tapos mali-mali naman grammar ko. Si Anekin nga kinokorek ako.
Fleur, Anika, Beatrice, Peachy, D, Baby A, Bing, Abby and Mimi.
Fleur and D… throwback thursday lang haha!
Abby is now a registered nurse. Take note, she studied nursing in the US under a scholarship. Ikaw na Abby! Abby has two adorable kids and a macho hubby. Kung dati nagbubus at tricycle lang siya (habang naka-mini skirt), afford na niya bumili franchise ng bus ngayon! Donyang donya na!
At dahil diyan, eto yung song ni Gloc 9 na sinasabi ko sa inyo:
Watch out for Mommy Fleur’s post about Abby 🙂
Grabe D, ang sexy ng arms mo sa first photo! Share your diet tips/exercise tips. 🙂
Tawang tawa lang ako sa Gloc 9 :)) Ang gaganda niyong mga babae tapos Gloc 9 pinapakinggan! :))
Bwahaha!kasi may portion dun na “napakaraming nars dito sa amin….” Niloloko ko si Abby na theme song niya yun haha 🙂
OMG!!!! Kulang ang kwento mo, D!!!!!! Akala ko ba lalaglag natin si Abby?!?! Hahahaha!
Hindi pumasa sa kinauukulan!!!! Na-mrcb ang original version 🙂