Naalala niyo ba ang kahindik-hindik na aksidenteng kinasangkutan ni Nene kung saan nagtamo siya ng malaking pinsala sa…NGIPIN!!!
Ang naturang aksidente ay dulot ng pag-angkas sa motorsiklo galing sa isang party.
Mother Earth: Sige, Nene, pumarty ka pa!!!
Well, mukhang natuto naman na ng leksyon si Nene. Naka-recover na rin siya sa mga galos at sugat na tinamo niya. Isa na lang ang di pa gumagaling – ang smile niya.
And for that, sinamahan ko siya sa aming family dentist, si Dr. Marlon Castillo in Kawit, Cavite para alamin kung ano’ng pwede magawa para manumbalik ang alindog ni Nene.
Kinailangan ni Nene sumailalim sa root canal procedure (Ouch!) bago malagyan ng pansamantalang filler para hindi ma-impeksyon.
Twice pa ulit bumalik si Nene kay Doc Marlon para sukatan at siguraduhing swak na swak ang kanyang bagong veneer. And after weeks of waiting…
Ang dating Rene Requiestas,
Ngayon ay Rene(e) Zellweger na!
Yun oh! 🙂
Winner na winner ang smile ni nene,cge pumarty ka pa,hehehe!
yun oh! nice smile again at kinabog ata ko sa pic niya ms. P. ^^