So first week ko sa trabaho last week kaya puro orientation. Ako ay isang intern sa isang law office dito sa London.
Lagi silang may binabanggit na FIONA… or should I say Feee-ow-nuh.
Kesyo FIONA should do this, do that. Oo naman ako nang oo kasi iniisip ko magmumukha akong tanga kung hindi ko kilala kung sino si FIONA eh mukhang dapat kilala ko siya.
Sino nga ba si FIONA??
Hinanap ko sa list of lawyers… wala!
Hinanap ko sa list ng staff… Wala pa rin!
Ilang araw ko pinoproblema si Fiona! Hanggang sa isang araw, inayos ko ang time log ko. May nakasulat…
“Fee Earner.”
Dun ka lang na-realize, FEE EARNER pala ang lintek na Feee-ow-nuh na ‘yan. (Fee earner kasi ang tawag nila sa mga abogado.) Lech.
Bakit ba kasi di puwedeng “lawyer” nalang?!?
On second thought, baka maging LUYA!
Benta! Very funny! Hahaha.:)
Hahahaha….cute!
Using the term “lawyer” or “attorney” is not common kasi in the U.K., “Solicitor” or “Barrister” (for court cases) are the appropriate and common ones. Dyas kip cam en keri on na lang…;-)