Lahat naman ata dumaan sa pang-aasar at pang-aalaska noong bata pa tayo. Ako, for one, ay suking suki kapag ilong ang pina-uusapan. Greatest insecurity ko sa buhay yan. Hehe. Pero maliban dyan, perfect na ‘ko.
JOOOOKE! Parati rin kaya ako inaasar sa noo ko na kung tawagin ng pamilya ko ay “landingan ng eroplano”. Kever! Senyales kaya yan na matalino ako…sa kalokohan nga lang. 🙂
At kung may kapatid kayong nakatatanda, ate o kuya, alam na alam niyong sila na ata ang greatest “fans” niyo lalo na pagdating sa pang-aasar! Na-mention ko na before na tatlo kaming magkakapatid, ako ang bunso at after 10 years ako lumabas. In short, ang lalaki na ng mga kapatid ko kaya wala akong kalaban-laban. Lalo na sa Kuyakoy.
Naaalala ko, mga 7 years old ata ako, sinali ako sa cotillion de honor sa 7th birthday ng anak ng mayor namin. Edi siyempre partner, partner. E may pagka-diva akong bata, kaya nang hindi ako nai-partner sa pinakapoging escort, AYOKO NA! At nang pinilit ako ni Aling Curing (yaya ko) maligo para umattend ng practice, nagwala ang beauty ko.
Habang nagtatalo kami ng yaya, biglang pumasok sa banyo si Kuyakoy at binulyawan ako nang bongga!!! Dumagundong ang buong banyo. Muntik na ata mabasag ang salamin. Takot na takot ako. Sa paningin ko nun, higante ang kuya ko na kaya ako iwasiwas at ihagis sa karagatan kapag hindi ako sumunod. In the midst ng pagmamaktol ko, bigla akong natigilan. Tumahimik. Nanigas ang buong katawan. Pati yung luha ko, umatras pabalik sa mata ko na punong-puno ng kaba. Tapos…
Kuyakoy: BWAHAHAHAHAHA!!!
Nakakatawa talaga yung mukha mo!!!
BWAHAHAHAHAHA!!!
Sabay walk-out. Nang-inis lang. Bwiset!
Tandang tanda ko pa, every dinner time, kami ni Kuyakoy ang magkatabi ng upuan. At tuwing may kukunin akong ulam, mapa-chicken o barbecue, uunahan niya ko sa pagdampot. Tapos bibirahan niya ng…
Kuyakoy: PWE PWE PWE PWE!!!
(sa ulam mismo ha! Tapos i-aabot sa’kin.)
O ayan, P, gusto mo pa?
Syempre hindi na noh!!! Eeeew!
At ito pa ang isa sa never kong makakalimutan…
Kukakoy: P, silipin mo nga yung shorts ko (na suot suot niya),
parang may butas e.
P: (Ako naman si tanga, susunod.) Kuy, wala namang butas e.
Kuyakoy: Silipin mong mabuti. Meron ata e.
P: (Lalapit ako for a closer inspection…)
BBBBUUUURRRRRRRUUUUURRRRROOOOTTTTTT! Inututan ako!!! Sa mukhaaaa!!! Parang nalasahan ko pa amp! Yakididakdak!!!
I therefore conclude na pagdating sa pang-iinis, champion ang mga kapatid. Noong mga panahong yun, nanggagalaiti ako sa galit. Pero these are the very same mems na ngayon, tinatawanan at tine-treasure ko.
Plus the fact na kung hindi ako nasanay sa pang-aasar noon, hindi sana ako magaling mang-asar ngayon. Hehe. 😛 Labyu, Kuyakoy! You’re my favorite and the best Kuya for me…kasi nag-iisa ka. Peace! 🙂
asar-talo
(photos from google images)
asar-talo
Leave a Reply