Both of my parents are from Leyte. When I was still in school, we spent our summer months there. My lola had a store/grocery and dun ako nag-“summer work.” Lugi nga lang si Lola kasi sobra sobra yung pagtakal ko ng bigas and yung sukli hinihingi ko pambili ng adidas or pork barbeque. Sarap eh hahaha!
As I got older, I seldom went home to our province. But I still go home whenever I can.
Kay Lola L ko nakuha ang pagiging chinita ko. And, super nakakabilib siya. Siya ay isang ulirang ina! Pinalaki niya Daddy and Tito ko on her own. (Ayaw niya aminin na break na sila ng Lolo ko bago yumao. Huwag kayong maingay ha.) Pinanganak pa niya Daddy ko nung giyera sa bundok! Kaya siguro nagsundalo si Daddy.
My Lola turned 90 last Sunday, and the whole family went to Leyte. It was Lola’s first time to see Baby A.
At dahil matanda na si Lola, nakakalimutan na niya mga mukha namin. She knows my name but my face minsan nakakalimutan niya. As in, kausap ko lang siya… tapos later, tatanungin niya ako kung sino ako. Pero hindi ako na-hurt… alam niyo bakit? Kasi every time na tinatanong niya ako, kung sino ako… at sinasagot ko siya… ang saya-saya niya! So, kung tatlong beses niya ako tinanong sa isang oras, at apat na oras ko siyang kasama bawat araw, at apat na araw kami andun, eh di napasaya ko siya ng 48 TIMES!!!! Hehehe!
Love you so much, Lola!!! Can’t wait to see you again next year 🙂
Lola L
Leave a Reply