Halos 1 linggo na kaming walang internet sa bahay. May napakatalinong driver kasi ng truck ng Coca-Cola na dumaan sa kalsada namin at nasabitan ang linya ng DSL. Anak ng @#$%! Grabe, ang hirap ha. Sabi nga ni Nene, mawalan na raw ng tubig at pagkain, wag lang daw kuryente at internet!!! Para daw siyang sinisilban pag di siya nakakapag-status at “like” sa fb. Hahaha!
Araw-araw kaming tumawag sa customer service hotline for 1 week hanggang nakulitan na siguro sila kaya kahapon, dumating na ang mga technician.
Si Father Thunder, agad-agad tumayo mula sa pagkakaupo sa terrace. Sinalubong ang truck. Inapura ang mga tauhan at minanduhan sila kung ano-ano ang mga dapat gawin. Engineer e!
Ewan kung bakit ajit na ajit ang tatay ko. Di naman yan marunong mag-internet!!!
hahaha ako din wag mawawala ng sandali ang net naka call ako agad sa customer service nila, 1 week brownout at 2weeks na walang connection dahil sa bagyong santi . ang saklap. pagkabalik ng electric ineveryday call ko na sila. sa wakas, ginawa na kanina umaga. kahapon yata naka 4 na beses ako call kasi di dumating technician nila. ok din na kinukulit eh.. =)
Tomoh! Sinasabi ko na nga ba, walang bagay na hindi nadadaan sa kulit…at dasal. 🙂
Bwahahahahaha!!! Eh engineer eh! 🙂 Kelangan may “say” sya sa fixing of things. I really like your humor P! Nakakawala ng stress.
Ahahhaha.. sabi mo nga… Engineer eh.. hihi.
Hahaha Haaay NAKU P!!!! Mamamatay ako sau 🙂
“Ewan kung bakit ajit na ajit ang tatay ko. Di naman yan marunong mag-internet!!!”