Nung mag-boyfriend girlfriend palang kami, siya na ang tSUPER ko. Ang tiyaga niyang ihatid at sunduin ako. Las Piñas- Taguig-Quezon City ang rota nya. Pero he’s my Superman talaga kasi may 6th sense si Papa O. Di ko pa sinasabi gusto ko, alam na niya agad. May makita lang siyang konting pawis sa akin, papaypayan niya ako agad. Susubuan pa ako ng food habang nag-aaral ako. Super sweet and super thoughtful.
Kaso lately, nagde-deteriorate na senses ni Papa O.
Loss of Sight
D: B, gusto ko yung bag na nakita natin kanina.
Puwede mo gift sakin?
Papa O: Di ko nakita e.
Masakitin
D: B, hatid mo naman ako sa derma.
Papa O: Masakit tiyan ko e. Puwedeng bukas?
D: Okay.
After an hour…
Papa O: B, punta muna ako kina G, nagyaya kasi birthday niya.
D: Kala ko masakit tiyan mo?
Papa O: Okay na ako.
Madalas din pagnagshoshopping, sumasakit paa niya. Makikiuwi na. Pero nagtataka ako, pag-siya nagshshopping ng 3 oras para sa isang pair ng sapatos, di naman sumasakit paa niya…
Deafness and Paralysis
Noong isang araw, nasa first floor ako. Tinawag ko si Papa O sa may hagdanan…
D: B, pakikuha naman yung fone ko.
Papa O: Asan?
D: Nasa tabi ng electric fan
Papa O: Saan?
D: Sa tabi ng electric fan
Papa O: Saan?
D: Sa electric fan!!
Papa O: Ha?
D: Ako nalang.
Papa O: Ah ikaw nalang.
Oh bakit biglang narinig na niya ako?! Tapos pag-akyat ko, natagpuan ko siyang nakahilata!
Di pala naghahanap. Na-paralyze na ata.
Pa-check ko na kaya siya sa doctor??? Nag-aalala na ako eh…
my superman
(photos from google images)
my superman
Tawag nila dyan selective hearing and attention or para mas pin pointed isolated male disability. Pati asawa ko natawa sa kwento mo D! Hahahaha!
Hahaha! ganun rin ba siya minsan???
gaano ba kadalas ang minsan??? hahahaha!
Relate! Pasok sa Banga!
😀 ayos, halos karamihan ng mga lalake ganyan sila, pag nagsashopping nagmamadali agad, laging reklamo pagod na raw, pag inaya mo lumabas para ipagdrive ka daming rason…
hahahahaha! Kainis! 🙂
hahahha aliw ^^
🙂
ahahaha 😀 kaloka c papa O.
kakaloka talaga! haha! 🙂
Relate! Nung isang araw lang napikon ako kay Mike kasi katabi ko lang hindi ako naririnig. Or ayaw nya lang magreact. Or voluntary deafness. Tsk tsk. Kainez lang!
pa-check mo na doctor Maggie…baka tutuli lang hahaha 🙂
D, tapos na kse ang suyuan at ligawan days. 🙁
Hindi puwede!!! hahahaha 🙂