Naalala niyo nang bumili si Father Thunder ng industrial sander? Yung pampakinis ng mga plywood, flooring at iba pa…pero iba pala ang intensyon niyang paggamitan…
Well, last Sunday, nagamit na niya ang sander. Nagamit na niya ang sander upang maisakatuparan ang isa niyang pangarap…
ANG MAPANIPIS ANG KALYO SA PAA NIYA!!!
Noong una, nagdadalawang-isip ang suki niyang manicurista. Pero dahil mapilit si pudra, go na rin siya with a disclaimer na wala daw siyang pananagutan. Haha!
In fairness, effective. Naging mapusyaw ang paa ni Father!!! CONGRATULATIONS, DADDY-O! I’m so happy for you dahil ngayon, mararamdaman niyo na kapag nakaapak kayo ng thumbtacks. Peace!
Habang binabasa ko post na ‘to tumatakbo sa isip ko yung YouTube Video na Mak-mak-mak-makulit ba.
Hahaha ewan ko ba!
May pang-microdermabrasion ka na… 🙂 Labyu, P! 🙂
Pinapaupahan ni daddy kung may interesado!!! Haha 🙂
Hi Atty. P! Happy Birthday! =)
Ang cute ni Father Thunder! Sarap ng pagkakaupo =) Baka after nito, pati yung manicurista eh mag-“invest” na rin sa isang sander!
Also, just want to say that I love your blog and your family! =)
Salamat, Ana!!! Buti nag-eenjoy ka sa blog. About dun sa sander, willing si Father Thunder pa-arkilahan yung sander niya. Basta every week lang daw, babalik yung manicurista para tirahin yung paa niya for free. Yun na raw ang bayad. Bwahahahaha!
ito yung masasabi mong totoong “investment”. pwedeng pang personal, pwedeng pang bahay. LOL!
Tomoh!!! Di lang pang-semento, pang-kalyo pa! 🙂