2 weeks ago, namili ako ng gamit para kina Coco (Maltese) at Tiger (Dutch Shepherd) sa Pet Express. Noon ko nalaman na may Trick or Treat din pala ang mga aso at pusa sa MOA entitled “Petrifying Trail”. Di naman daw mandatory ang costume so isinantabi ko muna siya sa isip ko.
Until last Saturday, ipinaalala ni Atekupungsingsing na isasali nga namin si Coco kinabukasan. Bigla akong napaisip ng posibleng costume. Dapat walang katulad, hindi off-the-rack, pero dapat uso at bebenta. Alam ko na…
CANDY CRUSH!!!
Dali dali kaming naghagilap ng mga telang kulay orange, yellow, green, blue, violet at red. Matiyaga kaming gumawa ng pattern na kahugis ng mga cute na candy. Nagtastas kami ng lumang unan para gawing palaman ng “mini candies” namin. Wala kaming sewing machine kaya nagtiis kami sa karayom at sinulid.
Serious si Nene…
At ang end product…wag niyong pagtawanan please…
Cute naman diba??? At just in case na merong hindi maka-gets, nilagyang ko na rin ng karatula…
Tuwang tuwa kami sa costume ni Coco. Syempre pinaghirapan namin e. Di kaya kami natulog ni Nene! Until makarating kami sa MOA at nakitang karir-to-the-highest-performance-level pala ang mga pet owners!!!
“Mukhang hot yung isang Chow Chow na ‘yun ah!”
“Sino ako? Ambisyosong froglet na ‘to!”
“Nood kayo ng show ko ha. Malapit na ulit i-air sa ABS-CBN
– The Singing B – B for Busangot”
Ay, kung ang ibang dogs ay sinisipat ang competition, itong isang ‘to, iba ang pinupuntirya! Kay halay!
Yung tipong months before pa lang ay pinaghahandaan na nila ang isusuot ng pets nila. Not to mention, yung isusuot din nila.
…
Snow White with her “Prince Charming”
Minnie Mouse with her mermaid dog, “Ariel”
May 5 categories ang costume contest – Cutest, Scariest, Hair-Raising Cat, Petrifying Pair at ang category namin, KOOKIEST. Well, with pride pa ring nirampa ni Atekupungsingsing si Coco. Nakakatuwa kasi sobrang mahiyain si Ate pero para sa alaga niya, willing siya umakyat at maglakad sa stage. 🙂
So proud of you, Ate! Woohoo!!!
Ang “magkapatid” with Candy Crush Coco
Unfortunately, di kami nanalo. Ok lang yan, first-timer e. Ang Ate super disappointed. Naawa nga ako e. Pero sabi ko sa kanya, wag siya mag-alala. Bukod sa madami namang natuwa at nagpa-picture kay Candy Crush Coco, babawi kami next year.
Ganung laban pala ang gusto nila ha. Pwes, next year, may lighting at sound effects pa kami. Full production ito. Humanda sila. #competitive
candy crush
Extra cheerleader here for Atekupungsingsing and Coco!!!
Ang cute ni Atekupungsingsing! Nyahahaha! Bet ko yang back with a vengeance peg next year! Career to the highest level itu! If you want cheerleaders for Atekupungsingsing, sabihin mo lang para full production. Hihihihi…
Ang cute.. Tama..may next year pa.. bawi ..resbak.. LOL.