Sa aming tatlo, given naman na ang gimikera ay si S. Noong kasikatan ng Embassy, once lang ata ako nakapunta. As of today, ni hinuha ng Opus o Republiq, di ko pa naaaninagan. Pero dun sa Urbn Bar & Kitchen sa Fort Strip, nakapunta na ko. Havey diba??? Buti na lang na-invite ako ng 711, through Nuffnang, to the Media Launch of the SLURPEE BRING YOUR OWN CUP DAY campaign.
Tama ang nabasa niyo, magkakaroon ng BRING YOUR OWN (BYO) CUP DAY ang 7-Eleven!!! For one entire day, anyone can bring in the craziest, most creative “cup” na maiisip niyo and fill it up with the world’s favorite frozen beverage, Slurpee! Ang saya! Pwedeng fishbowl, trophy, pitchel, kahit sapatos at bota (pwera lang alipunga).
…
As long as your “cup” complies with certain requirements…
- It must be hygienic.Para rin naman sa sarili niyong kapakanan ito, hija at hijo.
- It must be watertight. Meaning, kaya niya mag-hold ng liquid. So kahit environment-friendly ang paper bags, wag niyo na subukan. Atsaka maawa tayo sa magma-mop ng sahig kapag tumulo.
- It must be fixed in size and shape. Alam ko na iniisip niyo, pwedeng pwede magdala ng garbage bag. Maliit, handy at malulunod ka sa dami ng Slurpee na mabibitbit mo. But sorry, dehins pwede.
- No refills. Kung gusto niyo mag-round 2, pila at bayad lang ulit.
- It must be able to fit in the MaCUPangyarihang Bilog. Magkakaroon ng standee sa bawat 7-Eleven store with a 9-inch hole. Kailangan niyong mailusot ang cup/container niyo through it para mag-qualify.
…
Ang MaCUPangyarihang Bilog
Ito ang dala kong cup. Bumili ako sa Landmark ng tin pail, printed and put 7-Eleven and The Soshal Network stickers on it (may plugging dapat involved) and tied a small scarf sa gilid. Para saan ang scarf? Giginawin kasi ang pail ko once punuin ko siya ng Slurpee!!!
At kapag pasok na sa banga ang cup niyo, you only need to pay P29.00 para punuin ang container niyo and enjoy the goodness of Slurpee!!! Warning though: BRAINFREEZE may, and most probably, will occur. Parati nangyayari yan sakin e.
The idea first started in Australia, has made its way to Malaysia, at ngayon, nasa Pilipinas na! The BYO Cup day kicks off the celebration of the landmark partnership between 7-Eleven and Coca-Cola, and its bottling partner, Coca-Cola FEMSA. With it, the world’s favorite frozen beverage product, Slurpee, and the world’s number one beverage brand, Coca-Cola, come together in one happy drinking experience.
…
At mga bigatin ang attendees sa event ha. Present was Mr. Victor Paterno, the President and CEO of Philippine Seven Corporation, the local franchisor 7-Eleven. He said:
“We are excited for the Slurpee BYO Cup Day and look forward to seeing the crazy cups our customers will bring. We’re glad to be abl to bring this fun event to the Philippines, together with Coca-Cola. Slurpee BYO Cup Day is the perfetct way to start off our partnership with Coca-Cola for Slurpee, especially since both brands are fun and dynamic.”
…
…
At si Atty. Adel Tamano, Vice President for Public Affairs and Communications of coca-Cola Philippines. In his speech, he said:
“The partnership really is cause for celebration. Coca-Cola has always concerned itself with bringing happiness in every singly drinking experience, and we truly believe that partnering with 7-Eleven is a great step to making even more people happy.”
At happy talaga ako na makita si Atty. Adel. Ang gwapo niya! Pero mas happy ako sa Coke-flavored Slurpee na nahakot ko plus the freebies. 🙂
So save the date…NOVEMBER 7, 2013 is the BYO Cup Day at 7-Eleven!!! Palalampasin mo pa ba ‘to?
Note: Customers who participate can upload their photos with their craziest cups in the online contest. Photos can be posted on 7-Eleven’s social media pages on Facebook and Instagram for a chance to win cash prizes. Be sure to use the hashtag #BYOCupDay to keep tabs of the Slurpee madness on November 7.
Si Papa N pinag-iisipan na ang cup niya. Ikaw na rin! 🙂
wow ang saya naman nito! woot woot! makahanap nga ng pinakamalapit na 711! thanks sa post P!
Weee.. marami raming SLURPEE yan.. BRAIN FREEZE.. hindi na muna makakain ng Zombie
ang Brain.. Haveyyy..ilang araw ko na pinag iisipan ang aking cup,,,hmm makabili nga ng Arinola.. charot ^_^