Halos mahulog ako sa kinauupuan ko last Sunday habang nanonood ng “Buzz ng Bayan.” Biglang binulalas ni Boy Abunda out of nowhere ang tanong about him and KC Concepcion. At sumagot naman ang lolo Paulo mo ng…
“Yes, we are dating. I just want to keep things private.”
Akala ko kasi tungkol sa hiwalayan nila ni LJ Reyes ang topic. Ewan ko ba naman dito kay Tito Boy at biglang sumingit sa conversation. Pati nga si Paulo nagulat e. Pero ok na rin. At least nalaman natin.
Tinanong din siya kung nagselos siya nang lumabas ang balita about KC and NBA Houston Rockets Player Chandler Parsons. Di nakasagot nang tuwid si Paulo. Meaning, MALAMANG!!!
Naalala ko tuloy nang una ngang nabalita ang “date” ni KC at ni Chandler. Nanonood ako sa sala nun e…
P: Ne!!! Halika dali! Tignan mo itong pogi sa TV.
Nene: Saan ate? Yung puting player?
(Dahil karamihan daw ng NBA players ay…ay…hindi puti.)
P: Oo yan! Dine-date daw yan ni KC.
Nene: Huwow!!! Talaga ate? Nagustuhan niya si KC?
May pag-asa pa pala ako.
P: So ka-level mo lang si KC Concepcion, ganun?!
Nene: Ah KC Concepcion pala!
Akala ko si KZ TANDINGAN!!!
Inaaaay Nene!!! Uunatin ko yang buhok mo e!
…
KC Concepcion Paulo Avelino
Ikaw na Nene! Porque maayos na ngipin mo ha! Lol Pakurot nga Ne!
Winner ka talaga, Nene!!! LOL
benta ang mga hirit ni nene. siya na ang pumalit kay mother earth na benta ang punchlines.
nagulat din ako sa paulo/kc issue. it came out of nowhere. all the while, i thought it was serious with that chandler parsons guy.