Parenting 101
Parati ko sinasabi na kung dumating ang panahon na magka-pamilya ako (ehem ehem Papa N), palalakihin ko ang mga anak ko the very same way na pinalaki ako nina Mother Earth at Father Thunder. Hindi ko naman sinasabing napaka-perpekto kong tao na dapat tularan ng bawat mamamayang Pilipino. Pero dahil sa “rearing” na ginawa ng magulang namin, lumaki kaming magkakapatid na marunong makipag-kapwa-tao, may takot sa Diyos at respeto sa magulang.
Si Father Thunder, may sariling style ng pagdidisiplina. Super bait at mapag-pasensya ang tatay ko. Kaya naman pag nagalit siya, alam mong may malupit ka nang ginawang kasalanan. Noong maliit ako, tatawagin ako ni Father Thunder…
“P, pumili ka ng sinturon!!!”
Patay! Alam ko na ibig sabihin nun!!! Ako mismo ang pipili ng sandatang gagamitin sakin! Magdedebate ang isip ko – kapag malapad ang sinturon, mas malaki ang surface area na lalatayan ng palo…pero kapag manipis naman, mas maliit nga ang surface area affected pero mas concentrated naman ang impact! O diba, may pag-aanalyze na ganun.
Pero si Mother Earth, ah iba naman yun. Hindi ko matandaang pinalo niya ako pero ang tactics niya…REVERSE PSYCHOLOGY.
Grade 4
Parati ako nagsasakit-sakitan sa umaga kasi ayoko pumasok. Gusto ko lang tumambay sa bahay ng Lolo Lapit ko at makipaglaro. Isang araw, nag-inarte na naman ako…
P: (Naka-uniform na ha)
Mommy, parang napilayan ata ako.
Nadulas kasi ako kahapon. Sakit ng kamay ko.
Mother Earth: Wala yan. Lakad na at baka maiwan ka ng sundo.
P: Masakit nga mommy. Di muna ako papasok.
Mother Earth: (Nag-init na ang ulo) Ayaw mo pumasok?
P: Ayaw…
Mother Earth: Pwes, wag ka na nga pumasok.
Hubarin mo na yang uniform mo.
Curing!!! (yaya ko) Bihisan mo na ‘tong si P.
P: (Natutuwa! Daling kausap ni Mudra!)
Mother Earth: Tapos, Curing at Flora, mag-empake na kayo ng gamit niyo.
Umuwi na kayong probinsya.
Tutal, di na papasok sa eskwelahan tong si P,
siya na ang gagawa dito sa bahay.
Siya na maglalaba, magluluto, maglilinis. Lakad na!!!
P: Huh?! Mommy naman e…Papasok na po…
Mother Earth: Ay hindi na!!! Wag na!!!
Dito ka na lang sa bahay.
Maigi nga yun at di na ko gagastos sa
tuition fee mo. Tapos makakatipid pa ko sa
sweldo ng mga kasama sa bahay.
Mabilis pa sa alas-lwatro, dinampot ko ang bag ko at tumakbo sa abangan ng sundo.
First Year, Law School
Pumalpak ako sa ka-una-unahng recitation ko sa law school. Sa 50 provisions ng Family Code na assigned on the first session, may isa akong hindi nabasa. Dun pa ko natawag. Therefore, 5 ang grade ko.
Pagdating ng dorm, in shock ang lola mo. Agad kong tinawagan si Mother Earth.
P: Mommy!!! Bagsak ako sa unang recitation ko!!!
Mother Earth: E umpisa pa lang naman yan. Makakabawi ka pa.
P: Ang hirap na bumawi. Sobrang malas ko.
Yun nga lang ang di ko nabasa, yun pa tinanong sa’kin!
Mother Earth: (Still supportive) Ano ka ba?
Lahat naman dumadaan sa ganyan atsaka sinisindak
lang kayo ng professors niyo kasi alam na mga takot pa kayo.
P: (E dinagdagan ko pa ng ka-dramahan…)
Siguro sign ‘to na hindi ako dapat mag-abogada.
Na hindi ako bagay sa law school…
Mother Earth: (Nagpanting ang tenga pero still in a motherly tone)
Aba, kung ayaw mo na e tigilan na ‘yan.
Hindi rin naman ok na nagkakaganyan ka.
Ayusin mo na gamit mo at
susunduin ka na namin ng daddy mo.
P: E paano yung tuition ko?
Mother Earth: Mura lang naman yun. Ok lang.
Importante hindi ka nagkakaganyan.
Kasi kung simula pa lang, iyak ka na nang iyak,
e paano pa kapag nagtagal ka dyan?
P: E ang hirap kaya makapasok sa law school na ‘to…
atsaka gusto ko naman talaga maging abogada e.
Sayang naman mommy. Makakabawi pa naman siguro ako.
Mag-aaral na lang ako nang mabuti.
Mother Earth: Sure ka?
P: Sure na.
Syempre, nang mga panahong yun, di ko pa nari-realize ang strategy ng nanay ko. Ngayon na lang na mas malalim na ang isip ko na napagtanto kong na-uto ako.
Pero kung hindi pinadanas sakin nina Father Thunder at Mother Earth ang mga yun, aba, I’m sure ibang P ang nakilala niyo ngayon.
Mahirap talaga magpalaki ng anak. Kaya sa lahat ng magulang, saludo ako sa inyo! At sa nanay at tatay ko, maraming maraming maraming salamat at labs na labs ko kayo! 🙂
Super duper late na pero Happy Birthday pa rin po Aling C! Sa mga kwento po ng bunso ninyo pakiramdam ko ay kilalang kilala ko na kayo. I love you Aling C! #feelingerolvl999
Happy birthday Mother Earth! Thank you for being one of the great factors molding P into who she is now 🙂
Awww.
Happy, happy birthday kay Mother Earth. Don’t worry, P, I’m sure madaming handa sa heaven ngayon 🙂
happy birthday kay mother earth <3