……….
———
Yehey!!!! Finally, nakarating na si Lola with our other relatives here in Manila. From Tacloban, they flew to Cebu, then from Cebu to Manila. Sobrang pagora kahapon but it was worth it. Mas pagod sina Lola kasi 5:00 a.m., they were at Tacloban airport na tapos nakapagpahinga lang mga 2:00 a.m. kanina.
Tinanong ko si Lola kung natakot siya sa Yolanda. Hindi daw, kasi naranasan na niya magkalindol dati. Huwaat ?! Lola, hindi po lindol si Yolanda, hahaha !!! 90 years old na kasi si Lola kaya makakalimutin na talaga.
Pagkadating niya sa NAIA 3, sinalubong namin siya. Ang cute ni Lola. Naka-smile ng todo. Sa isip isip ko tuwang tuwa siya makita kami… tapos pinalapit niya ako… tapos nagtanong…
SINO KA NGA ULIT ?!
Hahahaha!!! Award!!!
Tapos tingin siya ng tingin kay Papa O. Sabi niya, “sino ka?” Nag-meet na sila dati, nakalimutan na naman ni Lola. Sumagot yung pinsan ko, “asawa ni Äte”… Nagulat si Lola…
MAY ASAWA NA SI D ?!?!?!?
Haha, opo Lola. May asawa na ako.
Maya maya tumingin na naman siya kay Papa O… tapos tinanong niya pinsan ako, “Sino yun? Driver natin?” Hahahahahaha!! Ang kulit!!!
Tapos ang alert pa niya. Sabi ko matulog na muna sa koche kasi sobrang traffic. Bakit ba ang traffic nga kahapon ??!!! Kakaloka !!!! Anyway, ayaw matulog ni thundercat! Tanong ng tanong kung nasa Sagkahan na kami (isang area sa Leyte). Sabi ko, nasa Manila na siya. Bakit daw siya nasa Manila?!?!?!?!
Anyway, we lost a Tito pala. Brother ni Mommy, but her other siblings are safe. Some of our relatives chose to stay in Leyte. They still see hope. And I think we should help them by giving that hope tulad ng pagbigay support sa mga rehabilitation projects. I really wish that there are plans on rebuilding Leyte and other affected provinces.
Again, thank you for all the help and prayers. 🙂
———-
hi i have been reading your blog for like 2 months now and i have became a fan. stress reliever ko ang pagbabasa ng entries niyo and i can so much relate with you especially sa yo at kay P.
and today, with so much delight… waray-waray ka pala. i am from Tacloban and i happen to read previous entries about your Lola and their i discovered you are from leyte! the more happy i am. =)
Hi Joverly! San ka sa Leyte??
Hahahaha! Yung Lola ko naman dati nung buhay pa siya, kailangan everytime dadaan ako sa tapat niya magmamano ako. Nalilimutan niya agad na dumaan na pala ko. At, pangalan ng Daddy ko tawag niya sakin. Hahahaha! Funny ng mga lolas! Very adorable 🙂
Anyway, glad to hear that your relatives are safe. Prayers for your Tito din.
Hahaha!!! nakakatawa sila!!! 🙂 Thanks, AJ!! 🙂
buti nga si lola, clueless sa nangyayari sa paligid nya. it wont add up sa mga worries nya sa buhay. she doesn’t need them anyway. easy-breezy life na dapat.
despite the loss of a tito, i am happy for you that all is well na, D!
Thank God that some of your relatives are safe, though sad to hear that you lost 1.. condolence po for that.. I pray and really hope that Leyte and Tacloban will rise again.
Thanks, peach 🙂
salamat jocris!