Last night was Nuffnang’s biggest event for the year, BLOGOPOLIS 2013. Humabol lang ako sa Nuffie Awards Night dahil may inasikaso ako for Rotary Club ni Mother Earth. Pagpasok ko ng Manila Intercon, buenas agad ang bumungad sa’kin. Andaming G.I. Joe sa lobby!!! Dun ata nag-check-in ang American troops bago sila i-deploy sa Tacloban. Sa pogi nila, na-conscious ako nang dumaan ako sa harapan nila. As if naman napansin nila ako.
Pagpasok ko sa loob ng venue, WOW! Akala ko pumasok ako sa set ng ASAP 2013 o Party Pilipinas. It was a production to the highest performance level. Not to mention na ang daming attendees. It was a truly successful event kaya CONGGGGRRRRRAAAATULATIONS Nuffies! Pero sa gitna ng mga kaganapan, nang makita ko na sina D, Mommy Fleur at Earthlingorgeous, isa ang napansin ko — lahat sila…lahat ng attendees…may malaking bag ng OISHI.
P: Gusto ko rin nun!
D: Hahanap tayo.
P: D, hindi ako uuwi nang wala akong Oishi.
Yan ang determinasyon! Kaya naman buong gabi, mukha kaming mga yagit ni D na nangangalakal at nagkakalkal sa mga kahon sa Intercon. Baka sakaling may natirang pack ng Oishi. But no…wala. 🙁
Nawalan na kami ng pag-asa. Deadma na lang. Dadaan na lang ako sa 7-Eleven at dun na lang ako mamimili ng Pillows at Bread Pan. Hmph! Until…
AJ of Nuffnang: D… P… I have a giant Oishi pack for
The Soshal Network. Pero isa lang yun ha.
D: Yey! Ok lang noh.
Kanina pa nga naghahanap ‘tong si P eh.
P (to self): Ano kaya yung “giant Oishi pack”?
Ah siguro yun yung tawag sa pack nina D.
Ang laki nun e. 8 Oishi ata laman ng isa.
Nang ilabas ni AJ ang Oishi…ahahahay!!! Hindi siya nagbibiro nang sinabi niyang “GIANT Oishi Pack”!!!
Ang saya saya!!! Excited na ko ipakita kay Atekupungsingsing, E1, E2 at E3. Tiyak, tutumbling, cartwheel, split at kandirit ang mga yun!
————
Ok lang na hindi kami nanalo kagabi. Sa kanila na ang award, amin naman ang Oishi! Bwahahahaha!!! But seriously, nag-enjoy kami kagabi plus ang dami pa naming na-meet na new friendships. To Nuffnang and the Blogopolis 2013 sponsors (lalo na ang Oishi), superdiduper thank you for the nomination and the invite and congratulations ulit! ‘Til next year! 🙂
(oishi)
I was really expecting you’d win! But hey, that giant Oishi more than makes up for it! And of course, ang mga poging gringo! 😉
Still, congratulations! Whatever happens, we still love TSN! Hope to meet you and S too (as I’ve already met D), P! 🙂
Sayang di kayo nanalo.,pero para sa aming followers nyo, winner kayo.yun oh! Hehe…
Nanghihinayang din ako ms. Camille, di ako nakapagpa picture sayo, nahiya kasi ako eh…nasa cr kasi tayo nun…lol…salamat po sa free ticket kagabi…nag enjoy po kami ni hubby. Ika-career ko na po talaga ang pag-blog, kayo po nila mommy fleur ang inspiration ko…thanks and God bless! ♡♡♡
awww, nakakatouch ka naman Lally!!! Thank you so much 🙂
Hay sus, lally!!! Bakit di ka pa chumika sa banyo??? Edi sana napag-usapan natin ang mga tiles at toilet paper dun. Haha! Di bale, may next time pa naman. Kitakits ulit tayo. 🙂
korek po..may next time pa naman…sa christmas party ng TSN…hahaha…charot!
Congrats pa rin.. pero bakit hindi kayo nanalo,,?? daya.. charot!!! for me TSN pa rin ang no.1 ..sabi nga ni Bossing No.1.no.1 no.1 ^_^ I like the Giant Oishi pack…
salamat Jocris!!!! 🙂