Hindi ako nagsisisi na kinarir namin ang Nuffie Awards. Hindi ako nagsisisi na um-attend ako ng Blogopolis 2013. Ang saya kaya! Kung may pinagsisisihan man ako, ito ay yung HINDI AKO NAKAPANOOD NG DANIEL PADILLA CONCERT!!!
November 16, 2013 din kasi siya at nakabili na ko ng ticket…
Kaya si Nene na lang ang nanood kasama ang sina E1, E2, with Yaya M, Tita C (sister ni Mother Earth), cousins kong sina A at L.
Inggit much!!!
Medyo late na raw nag-start ang concert pero nang lumabas na sa entablado sina JOAQUIN at CHICHAY…
SULEEEEEEEEET!!! Nawalan ng poise ang mga Assumptionista kong pamangkin at La Sallista kong mga pinsan…lahat sila, nagtakbuhan papalapit ng stage! Gulo na kung gulo. Balyahan na kung balyahan.
Tumagal din ng halos 2 hours ang concert. So halos 2 hours silang tumitili. Pero nang matapos at mahimasmasan…
E1: How old is Daniel Padilla?
Nene: 18.
E1: Really?! Awww…that’s so sad, Ate Nene.
Nene: Why? (Boom! English yun!)
E1: ‘Cause he’s so much older than me pala!
Asaherang bata ‘toh!!! Te-trese anyos, may plano pang makipag-agawan kay Tita P! 😛
daniel padilla
hahaha! naku! ganyan din ang eldest daughter ko, panay ang tanong: diba cute si daniel, moms? and i’ll reply: oo naman!!!