Naghihintay kami ng sundo ni D sa Sentro, Serendra kagabi. Pasara na ang restoran kaya naglalabasan na ang mga natitirang customer nang biglang nanigas ang katawan ko. Isa lang ang ibig sabihin nito…MAY ARTISTA!!!
P: D, artista yan!!!
D: Huh? Sino?
P: Yung naka-blue!
D: Di ko siya kilala. Hehe.
P: Si EDGAR ALLAN!!! Taga-TV5 ngayon yan.
D: Edi picture kayo!
Normally, mahihiya si D lumapit sa nga artista para magpa-celebrity pin-up. Pero dahil di nga niya kilala at bagets si Edgar Allan, wapakels si D!
By the way, hindi ko alam bakit parating “Edgar Allan” tawag sa kanya. Di pwedeng Edgar lang. Di pwedeng Allan lang. Parating Edgar Allan. Bawal ang nickname koya?
Anyway, hampogi at hambango niya! At talented din ang lolo mo ha. Nanalong Mr. Pogi 2006 sa Eat Bulaga hanggang mag-starring sa sarili niyang movies tulad ng “Ligo na U, Lapit na Me”. Sumidekick din siya kay John Lloyd sa “Unofficially Yours”. But that’s not all, magaling din sumayaw at kumanta ang Edgar Allan Edgar Allan! …
May hit single si Edgar Allan Edgar Allan entitled “Mas Mahal na Kita Ngayon”. Sobrang ganda ng song na ito. Very relatable. A classic, one that will be remembered for generations to come. Para hindi pamilyar sa song na ito, here are the lyrics…
Di mo na pinapakain ng para sa pusa
Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa
At pag sinabi mo sa ‘king damit ko’y maganda
Di na masyadong malakas ang iyong tawa
Di mo na ‘ko pinasisinghot ng paminta
Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga
Hindi na kulay dugo ang aking paningin
Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon
Ang mahalaga’y mas mahal na kita ngayon
Dahil…
Di mo na kinukwentong satanista ako
At ang nanay ko’y nireyp ng isang maligno
Nabawasan na rin ang bukol sa ulo
Dahil hindi mo na’ko pinapalo ng tubo
‘Di mo na pinapalayas ng nakahubo
‘Di mo na pinapaligo ng bagong kulo
Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo
Dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon… howohuwohuwo
(‘Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon)
Kahit nasan ka man mas mahal na kita ngayon
Ang cute mo naman bagay ka sa iyong… ataul…
Hay salamat!
www.lyricsty.com
Very soshal diba?
Three years later, nabasa ko to for the first time at tawa ako ng tawa mag-isa.